Krisha Penincillon's POV Nataranta kaming lahat sa sinabi ni Keanne na nasa panganib daw ang buhay ni Ms, Yurica. Agad kaming nag-ayos at lumabas ng condo unit. Kasama ko ngayon si Keanne, Naza, Gabrielle, Mariel at Ariel. Naglalakad kami ngayon palabas ng Hallway. “Sina Joseph, Pj at Marc nasan?” Tanong ko. Habang patuloy lang kami sa paglakad. “Si Pj nasa bahay padin nila, hindi pa siya bumabalik ng Condo simula ng umuwi sila ng Kuya Fenech niya kagabi, Si Marc at Joseph naman ay may pinuntahan hanggang ngayon hindi pa sila bumabalik” Paliwanag ni Keanne. “Ganun ba, hmm si Heirs dumating naba? Hindi ba at hinatid niya ang The Queen Bees?” Tanong ko. “Oo, nauna na siya pumunta sa Studio 3, tumawag daw kasi si Ms, Yurica sakanya at sinabing puntahan siya sa Studio 3” Ang sabi niya.

