KATRINA "Ready ka na anak? Are you sure na hindi mo talaga kausapin si Harlem? At ipaalam na buhay ka?" Tanong ni Daddy sa akin. Ngayon na ang flight namin papunta ng Canada. Kahit sinasabi ng puso ko na puntahan siya at kausapin. Sinasabi naman ng utak ko na hindi niya na dapat malaman sapagkat ayaw ko ng gulo. May anak at kasal na sila ni Cheska. Kahit masakit pilitin kong kalimutan siya. Plano ko din tapusin ang aking pag-aaral. Para kahit papano may ipag malaki din ako sa aking sarili. "I'm ready Dad. Thank you po! Darating ang tamang panahon dad upang magtagpo muli ang landas namin ni Harlem. Pero hindi muna ngayon dad. Kapag magkita muli kami siguradohin ko muna Dad na handa na ako. Sa ngayon kailangan ko muna magpakalayo dad." Pilit ang aking ngiti habang nakatingin kay Daddy. M

