THIRD PERSON Masayang masaya si Cheska dahil ito ang araw na tangi niyang inaasam asam ang maikasal sa lalaking matagal niya ng pangarap. Malakas siyang tumawa sa loob ng kanyang kwarto. Dahil naisip niya na siya ang panalo kay Cherry at Katrina. Maaga pa siyang nagising dahil sobra na siyang excited sa kasal nila ni Harlem. Kahapon binalita na rin sa publiko ang kanyang pagbubuntis kaya alam na ng lahat na buntis siya at si Harlem ang ama. Kaya hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanyang mga labi. Samantala kinausap naman ni Harlem si Lourdes na huwag paniwalaan ang nakita nila sa tv na binalita na ikakasal na sila ni Cheska dahil kasama lang iyun sa plano. Wala naman magawa si Lourdes kung magpakasal man si Harlem ngunit nalulungkot lang siya para sa kapatid. Dahil iba ang kutob niy

