"KATRINA, KATRINA, BABY KO! IM SORRY! IM SORRY." Paulit ulit na sambit ni Harlem habang tulog na may lumalabas na mga luha sa kanyang mga mata. Nandito siya sa loob ng kanyang silid. Habang sinasambit niya ang pangalan ni Katrina. Umiiyak din ang Daddy ni Katrina habang nakatingin sa binata na umiiyak kahit tulog. Hindi din mapigilan ni Esme at Lourdes ang maiyak sa kalagayan ni Harlem. Bigla kaagad napalikwas si Harlem sa kanyang higaan. Babangon na sana siya ng pinigilan siya ni Esme. Nagtaka naman si Harlem na nang magising siya nasa loob ng siya ng silid sa kanyang mansyon dito parin sa Masbate. Nahimatay siya dahil sa puyat, gutom at pagod. Hindi naman tumigil ang mga tauhan ni Harlem sa paghahanap sa bangkay ni Katrina. Marami na rin ang dumating rescuer para tumulong sa paghahanap

