KATRINA "I miss you baby! I love you so much Katrina! I'm sorry sa ginawa namin kanina. Hindi ko talaga alam ang plano ni Esme. Sumunod lang ako kay Patrick at Buldog na pumunta dito sa ospital. Pagkatapos pinahiga nila ako sa dito sa kama. At totoo talaga na bigla akong nawalan ng malay kanina. Pag-gising ko sinabi ni Patrick na huwag muna ako bumangon dahil parating ka. At nilagyan niya ng kumot ang buo kong katawan." Naiiyak na sabi sa akin ni Harlem. Nakahiga pa rin kama sa kama dito sa ospital. Ngumiti ako sa kanya at pinahiran ang kanyang luha. "It's okay! Mabuti nga ginawa 'yun ni Ate Esme. Kung hindi, sana hindi tayo magkatabi at magkayakap ngayon." Ani ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Sobra akong nangungulila sa kanyang mga yakap at halik. Kagaya nga ng sabi ko kanina na hi

