KATRINA "Ate, papayag ka ba na sumama ako kay Daddy sa Canada at duon na mag -aral?" Kausap ko ngayon si Ate dito sa kusina. Matapos kong makilala ang tunay kong Tatay at sinabi niyang pag aralin niya ako. At tinanong kong saan ko gusto mag aral bigla kong naisip na sumama nalang muna sa kanya sa Canada. Hindi lang mag aral kundi para maka move on. Isang buwan na rin na hindi talaga nagpakita si Harlem. Pero araw araw parin may natanggap akong bulaklak at kung ano ano pa. Yun tuloy tinutukso na ako ni Daddy. Naka punta na rin ako ng ilang beses sa bahay ni Daddy sa Makati. Maganda at malaki din ang kanyang bahay.. Nagulat din ang mga kasama niya sa bahay n'ong pinakilala niya ako. Mabuti at mga mabait din sila sa akin. Tinigil muna ni Ate ang paghiwa ng kamatis saka bumaling sa akin. "

