KATRINA "Sorry na Kat! Kahit labag sa loob ko. Saka alam kong isusumpa mo ako o baka patayin ako ni boss. Pero wala akong choice, buhay ng pamilya ko ang kapalit. Sinabi lang naman ng kausap ko na ilalayo ka lang niya kay boss. Hindi ko akalain na masama pala ang gagawin niya sa'yo. Sorry kung nawala ang anak niyo ng dahil sa akin. Sana mapatawad mo ako Kat. Promise hanggang ngayon hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko!" Umiiyak na saad ni Allan sa akin. Isang buwan na mula nagkaayos kami ni Harlem. Sinabi ko sa kanya na gusto kong makausap si Allan. Sinabi ko rin na gusto kong bumalik si Allan na magtrabaho sa kanya. N'ong una nagtampo ako kay Allan. Kahit masakit na nawala ang unang baby namin. Kailangan tanggapin para makaahon kaming lahat sa bangungot ng aming nakaraan. Para harap

