KATRINA "Ate Lourdes, Daddy." Bigla akong nagising ng may pangalan akong naalala sa aking panaginip. May kapatid at Daddy ba ako? sila ba ang nasa panaginip ko? Tanging tanong ko sa aking sarili. Minsan mag bigla nalang pumasok sa isipan ko na may kasama ako sa higaan ngunit hindi klaro ang mukha. May tumatawag sa akin na Tita ganda. Nagpapasalamat ako sa panginoon na unti-unting bumabalik na ang aking alaala. Sana lang talaga makaalala na ako ng tuluyan. Kinuha ko kaagad ang tubig sa gilid ng kama. Sa tuwing matutulog ako lagi akong may katabi na tubig sapagkat nagigising na lamang ako na sobrang nauuhaw dahil sa aking mga pinaginipan. Halos gabi-gabi palagi kong napanigipan na may tumawag sa akin na baby. Minsan nga may maliit na boses akong narinig na tinatawag akong Mommy. Hindi na

