Prologue

2193 Words
“Daddy!”  Masayang tumakbo ang fifteen years old na si Ivy papunta sa kanyang Daddy Xamuel na kasalukuyang nasa garden nila at nagkakape. Kasama nito ang kanyang Mommy Ivory na nag-aayos ng maliliit na mga plantita.  “Ivy, baka madapa ka,” marahang sambit ng mommy niya. Humagikhik lang siya rito.  “Mommy, di na ako bata,” sabi niya pa at humalik sa pisngi ng ina. Nakita niyang umiling lang ang mommy niya sa kanya. Bumaling siya sa kanyang daddy at umupo sa katabing upuan nito.  “You want something?” tanong ng Daddy niya. Nginusuan niya lang ito.  “Dad, come on. Wala, no. I’m actually just gonna ask if may lakad kayo ni Mommy?” sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan pa si Ivory at Xamuel. “Ako, anak, baka pumunta lang kami ng mall ni Jasmin. Gusto mong sumama?” ani ng Mommy niya.  Mas ngumuso siya rito. “Hmm. Kayo po, Dad?” baling niya sa ama.  Nagkibit-balikat naman ito. “Golf Club. Kasama ko kuya mo.” Nagkorteng- o ang kanyang labi sa sinabi ng ama. “Hmm. Pwedeng sa inyo po ako sumama?” Ipinaglapat niya ang labi at saka nagpa-cute pa sa Daddy niya. Narinig niya pang tumawa ang kanyang Mommy. Binalingan niya lang ang in at nilabian ito. “Next time na lang ako mag-shopping with you, Mommy. I’m with friends kasi.” Ngumuso siya rito.  Tumawa at umiling lang ang kanyang Mommy tapos ay ginulo ang kanyang buhok. “Ikaw talaga. Siguro naghahanap na naman kayo ng tambayan ng mga kaibigan mo, no?” Pinaningkitan siya nito ng mga mata. Hilaw na napangiti na lang siya sa ina.  Her mother just reads her so well. Wala nga yata siyang maitatago sa ina.  “E, kasi po, we were bored na rin na palagi kami dito sa bahay, e. Maybe we can find a tambayan there, po?” Binalingan niya ang kanyang ama at dito nagpa-cute. Kunot na kunot pa ang noo ng kanyang ama sa kanya.  “Sige na, Xamuel. Hayaan mo nang sumama sa’yo,” sabat ng kanyang Mommy. Nakagat niya pa ang kanyang labi para pigilan ang pangiti.  Sa huli ay bumuntong-hininga lang ang kanyang Daddy at tumango na rin. “Thank you, Daddy!” agad na sigaw niya at napayakap pa sa ama. Binalingan din niya ang ina at niyakap ito nang mahigpit. “Thanks, Mom! You’re the best!” sabi niya pa rito. Tinawanan lang naman siya ni Ivory. “Bihis lang po ako!” paalam niya pa at saka siya tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay.  Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay agad niyang tinawagan ang kanyang dalawang bestfriends na sina Ella at Wella para ibalita na pupunta sila sa Golf Club na madalas tambayan ng ama at na may bago na silang tambayan, if ever! “Omg! Thank you, Ivy! You are so the best!” masayang sabi ni Ella at impit pang sumigaw.  “Ang ingay, te, ha!” sabat naman ni Wella. Natawa na lang siya at napailing sa dalawa.  “Sige, na. Bihis lang ako. I’ll see you there na lang?” aniya sa mga ito.  Tumango lang ang dalawa niyang kaibigan. Ngumiti siya at agad na pinatay na rin ang tawag nila. Itinabi niya na muna ang cell phone niya sa may dresser at saka siya tumayo at dumiretso na siya sa kanyang banyo.  Mabilis siyang naligo at nagbihis na pagkatapos. She just settled with simple black shorts, a white sweatshirt with a ‘Switzerland’ print on the chest, and a white high-cut sneakers. She also got herself a white baseball cap. Kinuha niya ang kanyang Chanel na belt-bag at saka niya tiningnan ang kanyang sarili sa kanyang full body mirror. Nakalugay lang ang kanyang buhok habang may nakapatong na cap. Light make-up lang din ang kanyang suot dahil maaraw naman at wala naman talagang selebrasyon.  “Ivy, aalis na raw kayo ng Daddy mo!” Rinig niyang sambit ng kanyang yaya sa labas. Inayos niya ang kanyang buhok at damit sa huling pagkakataon. “Palabas na po!” sagot niya rito at saka siya lumabas na ng kanyang kwarto.  Nagmamadaling bumaba siya ng hagdan at agad na dumiretso na sa may garahe kung saan naghihintay na ang Daddy niya. Nadatnan niya rin ang Mommy niya roon na nakatayo sa isa pa nilang sasakyan.  “Mommy!” Lumapit siya sa in at saka humalik sa pisngi nito.  “Hmm, ‘wag makulit doon, ha? Fifteen ka na, Ivy.” Tiningnan siya ng ina.  Ngumuso naman siya rito. “Grabe naman po, Mommy!”  Tinawanan lang siya ng kanyang ina. Napailing pa si Ivory sa kanya tapos ay ginulo ang kanyang buhok. “Sige na, mahuhuli kayo ng Daddy mo,” sabi pa nito sa kanya. Muli ay yumakap siya rito at humalik ulit sa pisngi ng ina.  Nauna siyang pumasok sa SUV ng Daddy niya dahil nag-sweet-sweet-an pa ang mga magulang niya. Napailing na lang siya habang tinatanaw ang mga ito na nagyayakapan at tila ayaw pang maghiwalay. Napangiti na lang siya.  ‘Gosh, Mom and Dad. Palagi na lang PDA.’ Napasandal siya sa likod ng upuan niya. Kung tatanungin siya kung anong best thing about sa family niya, for sure, sasabihin niyang iyong relationship ng Mommy at Daddy niya. Kahit kasi ilang taon nang kasal ang mga ito ay parang nasa honeymoon stage pa rin ang mga ito. They would still have PDA in front of them na para bang mga teenager pa lang ang mga ito. It makes her very proud, actually. Sabi nga nila, bibihira na lang talaga ang mga mag-asawang nagtatagal. Hindi naman sa pagiging negative, pero marami siyang mga ka-batchmates na kung hindi hiwalay ay hindi na katulad ng dati ang relasyon. Naiinggit nga ang mga kaklase niya sa klase ng relasyon na meron ang kanyang mga magulang, e. Kaya naman super proud siya sa mga ito.  Halos mag-da-dalawang minuto rin bago tuluyang pumasok ang Daddy niya sa sasakyan.  “Grabe, Dad, para pa rin kayong teenager ni Mommy.” Humagikhik siya rito. Tiningnan lang siya ng ama at ginulo pa ang kanyang buhok.  “Of course, Ivy. That’s why, you should find a man who will treat you just like how I treat Mommy, okay?” sabi pa nito sa kanya.  Sunod-sunod na tumango lang siya rito tapos ay mas ngumiti.  Buong biyahe papunta sa Golf Club ay ka-chat niya ang kanyang dalawang best friends. Nang makarating sila sa Golf Club ay agad niyang hinanap ang kanyang dalawang best friends. Nakita niya ang mga ito na nakaabang sa kanya sa may mismong waiting area ng field. Nandoon din ang mga kaibigan ng Daddy niya.  “Ivy, bumati ka muna sa mga uncles mo,” sabi ng Daddy niya sa kanya. Ngumiti lang siya at tumango rito.  Nag-hi muna siya saglit sa mga kaibigan niya at sinenyasan ang mga itong babati muna siya sa mga uncles niya. Sa totoo lang, hindi niya naman talaga kilala halos ng mga nandoon. Basta sabi ng Daddy niya ay mga godparents niya raw ang mga iyon. Well, she just know them by their names, but not really by face kasi minsan lang naman niya makita ang mga ito at madalas pa ay sa mga business meeting lang niya nakikita kapag sumasama siya.  Hindi na rin naman siya nagtagal pa roon at nagpaalam na rin siya sa ama para pumunta sa mga kaibigan niyang naghihintay na sa kanya.  “Ivy, don’t go too far, and don’t make trouble, okay?” paalala ng Daddy niya. Nginusuhan niya lang ang ama.  “Yes, po,” sabi niya lang at saka siya patakbong pumunta sa mga kaibigan.  “Ivy!” halos sabay na sabi ng dalawa sa kanya. Agad niyang bineso ang mga ito tapos ay naupo sila sa upuan na nasa tambayan. Nasa harapan lang iyon ng mismong field kung saan naglalaro ang Daddy niya at ang mga kasosyo nito sa negosyo.  Sa bilang niya ay may halos lima hanggang anim na parang gazebo ang nakapaligid sa buong field na nagsisilbing pahingahan at tambayan kapag tapos nang maglaro.  May mga nakahanda ng mga pagkain at mga inumin doon.  “Grabe, sis, I think I’m loving it here, ha. Infairness naman talaga sa atmosphere at sa ambiance!” Si Ella na ipinikit pa ang mga mata para damhin ang malamig na simoy ng hangin.  Kahit na open field ang lugar ay marami pa rin mga puno kaya malamig at fresh pa rin ang hangin. Isa pa, nasa high elevation ang lugar na iyon kaya malamig talaga.  Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng mga best friends niya nang may napansin silang papasok sa property. Nakita pa nilang medyo tumigil ang mga oldies sa paglalaro at hinarap din ang mga papasok na mga bata. Kumunot ang noo ni Ivy at saka tiningnang maigi iyong mga papasok na lalaki.  “‘Di ba that’s Kuya Ivo?” tanong ni Wella sa kanya.  Ngumuso siya at tinanguan ang kaibigan.  ‘Weird. Akala ko later pa siya pupunta rito?’ Napailing na lang siya sa kanyang kapatid. Hindi masyadong familiar ang mga kasama nito sa kanya, but then one guy caught her eyes. He was wearing a plain white t-shirt and khaki shorts with matching Jordan Kicks. His hair was disheveled, and there was a sunglass resting on his head. Nakapamulsa pa ito at kitang-kita ang mapuputi nitong ngipin dahil sa pagngiti nito.  Kausap nito ang isa sa mga kakilala ng kanyang ama at tila ba confident na confident ito habang kinakausap ang mas matanda rito. Hindi nila naririnig kung anong pinag-uusapan ng mga ito, pero kitang-kita naman sa mga galaw at body language ng lalaki ang pagkakumportable nito sa kausap na para bang hindi ito mas matanda rito.  Hindi maipaliwanag ni Ivy pero tila na-magnet ang kanyang mga mata sa lalaki at hindi na niya ito matanggal pa roon.  “Ell, who’s that guy?” tanong niya sa kanyang kaibigan, hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa lalaki.  “Who?” tanong pa ng kaibigan niya. Saglit niya itong binalingan tapos ay tinuro ang kanyang tinitingnan.  Nakagat niya pa ang kanyang labi nang makita ang mukha ng dalawa niyang kaibigang tila gulat na gulat at halos natulala na sa tinitingnan nila.  “Oh my gosh! You mean Eonren Legaspi?!” nanlalaking matang bulalas ni Ella.  Agad niya itong pinanlakihan ng mata at muntik na niyang takpan ang bibig nito sa sobrang lakas ng boses nito.  “Omg, Ivy!” impit na tili naman ni Wella.  Kumunot tuloy ang kanyang noo at takang-taka na tiningnan ang dalawa.  “Eonren? Legaspi?” tanong niya pa. Sunod-sunod na tumango ang dalawa niyang kaibigan at tila kinikilig pa ang mga ito! “Oh my gosh, Ivy, ang wafu pala talaga niya, no?” sabi pa ni Wella tapos ay napakagat-labi pa ito habang nakatitig kay Eonren Legaspi.  Napatitig na rin ulit siya sa lalaki. Ewan ba niya, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi tapos parang may kung anong mga paru-parong nagtatakbuhan sa kanyang tiyan.  “Ivy!” Agad siyang napaayos ng upo nang marinig iyon.  “Dad!” agad na sabi niya pa at saka mabilis na tumayo nang sinenyasan siya ng ama lumapit sa mga ito. Nagdadalawang-isip na tiningnan niya pa ang dalawang kaibigan pero agad naman siyang sinenyasan ng mga ito na pumunta na kaya sa huli, lumapit na rin siya sa kinaroroonan ng ama. Panay ang kanyang lunok habang palapit siya nang palapit sa ama. Bukod sa mga uncles niya na kasama nito ay nandoon din si Eonren at ang isa pang lalaking hula niya ay kasama ni Eonren. Iyong kuya niya kasi ay naglalaro na kasama ang iba pa nitong mga kaibigan. “Dad,” aniya sa ama pagkalapit niya sa mga ito.  Hinarap ng Daddy niya ang mga kasama nito habang siya ay bahagyang napayuko na lang.  “Kumpare, this is my youngest, Ivy. Hija, this is your Tito Arturo, Tito Vince, and these young men here are Reno Valderrama and Eonren Legaspi,” pakilala pa nito sa mga kasama nila. Doon siya bahagyang nang-angat ng tingin at saka tipid na ngumiti. “Nice to meet you, po,” aniya sa mga ito at isa-isang kinamayan ang mga lalaki.  Halos mabingi na nga siya nang si Eonren na ang kanyang kinamayan. Ni hindi siya makatingin nang maayos sa lalaki at talagang sobrang bilis ng kanyang puso. Mabilis niya ngang binawi ang kamay niya rito dahil pakiramdam niya namamawis na iyon at nanginginig na rin.  Mabilis din siyang tumalikod nang matapos ang pagpapakilala. Naipikit niya pa ang kanyang mga mata habang pabalik siya sa kanyang mga kaibigan. “Omg! What happened, sis?!” excited na tanong ni Wella. Excited na dinumog pa siya ng dalawa nang pabagsak siyang umupo sa upuan. Nakagat niya ang kanyang labi at tiningnan ang dalawang kaibigan niya.  “What is it?” excited na tanong pa ni Ella.  Napangiti na lang siya sa mga ito at saka naitakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.  Sinundan iyon ng mga impit na tili ng kanyang mga kaibigan.  “Oh my gosh, he’s your crush na rin! Ahh!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD