Chapter 3

2151 Words
“Omg! You’re not over pa rin pala sa kanya!” tiling sambit ni Ella at niyugyog nang niyugyog si Ivy. Pinanlakihan niya ng mata si Ella dahil sa lakas ng boses nito, kahit na malayo ang mga lalaki ay mukhang maririnig ang sinisigaw ng kaibigan niya. Nakita niyang umiling si Wella sa tapat nila. Sinisipsip nito ang in-order na juice kanina lang. Nasapo ni Ivy ang noo. Sinulyapan niya pa ulit si Ella na parang kiti-kiti na roon sa sobrang gaslaw. Panay pa ang kuha nito ng mga stolen pics sa mga lalaki sa field kaya mas lalong na -stress si Ivy sa mga ito. ‘Gosh, these two!’ Napairap na lang siya at napahalukipkip. Tahimik na pinagmamasdan niya lang ang mga lalaking nasa field. Nasa iisang tao lang naman nakatutok ang kanyang tingin. Nakagat niya pa ang labi habang pinapasadahan ng tingin ang buong porma ni Eonren. She cannot believe that she’s seeing him right now. Hindi niya alam kung destiny o ano pero kasi parang kanina lang ay pinag-uusapan nila ito ng kuya niya tapos ngayon, nandito na nga ito at tanaw-tanaw na niya. A lot of questions suddenly flooded her mind, like kailan kaya ito nakauwi? Tapos na ba ito sa pag-aaral? Will he stay here for good? At kung ano-ano pa. It’s been years and ang huling balita niya rito na narinig niya lang naman sa chismis ng iba at sa TV ay nag-aral din daw ito ng master’s sa US, gaya ng kuya niya. Then iyon na iyon. Hindi na niya alam kung anong nangyari. ‘Gosh, bakit mas gumuwapo siya?! And ang mature niyang tingnan sa suot niya ngayon! Oh my gosh!’ Naka-all white na golf outfit kasi ang lalaki tapos ay naka-shades pa. Medyo hapit ang suot nitong pang-itaas kaya pag gumagalaw ang braso nito ay humuhulma ang toned nitong biceps at medyo nahahapit din sa katawan nito ang suot. Hindi alam ni Ivy kung bakit siya biglang nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. Parang gusto na lang niyang lamunin ng lupa at para siyang natuod sa kanyang kinalalagyan sa kaisipang namumula ang buong mukha niya ngayon. She took a deep breath multiple times para lang makalma siya at humupa na ang kanyang pamumula. Mahirap na at baka mapansin ng magagaling niyang kaibigan. Tumikhim siya at kunwari ay kinuha na lang ang kanyang in-order na juice sa kanilang center table. Kinagat niya ang labi at saka sumipsip na lang doon. Pinigil niya ang sarili na lumingon pa at baka kung ano na naman ang maramdaman niya. “Shet!” Muntik nang mapatalon si Ivy nang bigla na lang magtitili ang magaling na si Ella. Saktong umiinom pa naman siya ng juice kaya ang ending ay muntik siyang mabulunan. Agad niyang sinamaan ng tingin si Ella. “Ella, my gosh, dahan-dahan naman!” sita niya pero parang walang narinig ang kanyang kaibigan at nanatili ang tingin nito sa kung saan. Nang tingnan niya pa ang mukha nito ay parang tangang nakatitig sa kawalan ang gaga. Naningkit ang mga mata niya at binalingan si Wella sa tapat pero focused din ito sa cell phone na para bang may kinukunan ng picture. Mas lalo lang siyang nagtaka tuloy kaya sinundan niya ng tingin kung saan naka-focus ang phone nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang palapit sa kanila ang grupo ng fratmen at nangunguna lang naman sa mga ito si Eonren. Nakangisi ito habang kausap ang isang lalaki. Ang kaliwang kamay ay nasa bulsa nito at ang isa naman ay ang nakahawak sa club na nakapatong sa balikat nito. “s**t, Ivs…that’s Eon, o!” impit na bulong ni Ella na agad niyang siniko. Tumingin din sa kanya si Wella pero pinandilatan niya ito ng mga mata. Pilyang nagkagat-labi ang kanyang kaibigan at agad na lumapit sa kanya. Tumabi ito sa kanya at umangkla pa sa kanyang kamay. “s**t, they’re coming over here!” impit na sabi pa ni Ella sa kanila at hindi na mapakali sa kinauupuan. Natulala naman si Ivy habang nakatitig sa mga lalaking naglalakad palapit. Hindi niya alam pero kumakabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Parang tatalon na palabas ang puso niya sa sobrang kaba, e. Hindi niya maintindihan. Hindi rin naman niya alam kung saan papunta iyong mga lalaki, baka naman kasi feeler lang silang tatlo na papunta sa kanila. “Omg, let’s say hi,” sabi pa ni Ella kaya kinurot niya ito. “Ouch!” daing nito pero pinandilatan niya ulit ito. “Stop it!” bulong niya pa rito. Para silang mga sira roon na nagsisikuhan. “Ayan na, ayan na,” si Wella na niyuyugyog na siya. Mas lalong nagharumentado ang puso niya. Mas lalo pa siyang kinabahan nang parang hihinto ang mga ito at lumingon pa sa kanila. Hindi na alam ni Ivy kung ano na ang hitsura niya roon dahil talagang natuod na talaga siya. “Ivy? Hey, Ivy!” rinig niyang tawag ng isa sa mga iyon na hindi niya naman alam kung sino. Ni hindi na nga niya alam kung ano na ang nangyayari sa paligid niya dahil parang huminto ang kanyang mundo at nakatutok na lang siya kay Eon na noon ay hindi naman nakatingin sa kanila. “Ivs, Ivs!” Napakurap-kurap lang siya at nabalik sa reyalidad nang bigla siyang kurutin ni Wella. “Ano?!” inis na sigaw niya na sa kasamaang palad ay nakakuha ng atensyon ni Eon at ng iba pa nitong mga kasama. “Are you okay, Ivs?” tanong pa ulit noong tumawag sa kanya kanina. Lahat ng mga fratman at si Eon ay nakatitig na sa kanya. Kitang-kita niya pa ang nakakunot na noo ni Eon sa kanya. Gusto na lang niyang lumubog sa kahihiyan. ‘s**t! s**t! s**t! Ahh! Oh my gosh ka, Ivy!’ Hindi na niya alam ang gagawin at dahil sa sobrang pagpa-panic niya ay mabilis pa sa alas-kwatrong tumayo siya at nanginginig na itinapat ang cell phone sa tainga. “Yes? Oh, yes, po! Sige po!” At halos takbuhin na niya ang palabas ng tinatambayan nila para lang makalayo sa kahihiyang ginawa niya. ‘s**t, Ivy! Nakakaloka ka! Anong ginawa mo?! Talagang nahuli ka pang nagso-slow mo! Anong iisipin ng mga iyon?! Para ka pang timang na natulala! Oh my gosh, Ivy Joyce!’ *** “Baba na.” Agad na sinamaan ng tingin ni Ivy ang kanyang kuya. “Nagmamadali?” bara niya rito bago inayos ang bag. Inirapan lang siya nito. “I’m attending a meeting on Dad's behalf, Ivs. I’m gonna be late,” sabi pa nito. Ngumuso lang siya at saka sumimangot dito. “Fine! Bye! Thanks sa paghatid!” Bumeso siya sa kapatid bago nagmamadaling lumabas na ng sasakyan. Inayos niya ang kanyang bag at ID bago pumasok ng main gate ng school. Kagat-kagat niya ang labi habang nakatingin sa kanyang phone habang naglalakad sa corridor. She’s chatting her bestfriends at ayaw niyang maging loner pagdating ng first class nila. Pareho kasi sila ng course na tatlo. They are all taking up Business Administration at magka-blockmates din silang tatlo. Ivy: Where are you na? Ngumuso siya at binagalan ang paglalakad habang naghihintay ng reply ng dalawa. Kagat-kagat niya ang labi at ilang segundong paghihintay pa nang mag-reply si Ella. Ella: On my way na! Napabuga na lang siya ng hininga. ‘Oh, thank god.’ Ivy: I’ll wait na lang sa may building natin. Itinago niya ang kanyang cell phone at nakangiting naglakad na ulit papunta sa building nila. Nasa kabilang bahagi ng campus ang business building kaya maglalakad pa siya sa gitna ng field para makarating doon. She was already walking in the field when she noticed someone familiar from a far. Nasa may bukana ito ng building niya. She creased her forehead to make sure that it was indeed who she thought it was. Nang palapit na siya sa building ay mas naaninag niya ang nakatayong tao roon. Pakiramdam ni Ivy ay nawalan siya ng dugo sa buong katawan niya nang makilala iyon. Nasapo niya pa ang kanyang bibig at natigil sa paglalakad. ‘s**t. s**t. s**t! Is that him?! What is he doing here?! Oh my gosh! Oh my gosh!’ Bigla ay nataranta siya. Ang nakatayo lang naman sa harapan ng building nila ay si Eonren Legaspi. Bumalik na naman tuloy sa kanya ang kahihiyang nangyari sa kanya sa golf club noong linggo. ‘Oh my gosh! I had enough na! Ayoko na ng kahihiyan! I need to divert!’ Mabilis niyang inilibot ang mga mata sa buong paligid pero wala siyang makitang ibang daan papunta sa building nila. Mas lalo siyang naloka at nag-panic. ‘Oh god, oh god!’ Her heart was beating the hell out of it already. Parang lalabas na sa kanyang dibdib iyon at hindi na niya alam ang gagawin! “Ivy. Hey! You okay, sis?!” Halos mahigit niya ang hininga nang biglang may tumapik sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ito ay bumungad sa kanya ang gulat at takang mukha ni Ella. “E-Ella! Ha?” wala sa sariling tanong niya na mas nagpataka ng kaibigan niya. “What? Are you really okay? Omg are you sick?!” Nanlaki pa ang mga mata niya rito. “I’m not! I’m fine!” Umayos siya ng tayo at agad na umangkla sa braso nito. “Are you sure? You’re spacing out and you really look weird, sis,” sabi pa nito. Hindi niya naman ito pinansin at pasimpleng sinulyapan ang harapan ng building. Doon siya napahinga nang maluwag dahil wala na ang lalaki roon. ‘Thank god! s**t! Was that my imagination lang?’ Nasapo niya ang noo at napailing na rin. Hindi niya na tuloy alam kung anong anong nangyayari sa kanya at kung guni-guni niya lang ba iyon o ano. “Gosh, are you really okay ba? I’ll bring you to the clinic na,” sabi pa ni Ella. Nakagat niya ang labi at mabilis na umiling dito. “Let’s go na lang!” aniya at hinila na ito papunta ng building nila. Nagpahila naman ito sa kanya pero ramdam na ramdam niya ang titig nito sa kanya. She felt like that Ella wanted to say more pero pinipigilan lang nito. Nang tingnan niya ito ay nakatitig nga ang magaling niyang kaibigan. “What?” tanong niya pa. Umirap ito sa kanya. “Are you still haunted by your fake phone call last Sunday?” tanong pa nito. Nanlaki ang mga mata niya at agad na hinampas si Ella. Tumawa naman ang magaling niyang kaibigan. “Stop it! Binabaon ko na nga iyon sa limot!” Tumawa lang ulit si Ella sa kanya at umiling pa. She groaned in frustration. Naalala na naman niya iyon at gusto na naman niyang magpalamon sa lupa. Kasi naman, iyong ginawa niya noong Sunday ay wala na yatang mas nakakahiya pa. Nai-imagine niya pa lang niya iyong mukha niya noong Sunday ay ayaw na talaga niyang bumalik pa sa oras na iyon. ‘Ugh! Kainis! Kainis!’ Marahas siyang bumuga ng hininga at saka mas binilisan na lang ang lakad nila. Ang magaling niya namang kaibigan ay nang-aasar pa rin sa kanya habang papunta sa classroom nila. Napairap na lang siya rito bago sumalampak ng upo sa kanyang assigned seat. She heaved a sigh and closed her eyes while waiting for their professor. So much for a normal day in school, huh. *** “We’ll have this topic for the next meeting, so read your books. Dismissed.” Nakahinga nang maluwag si Ivy at saka napailing na lang. Mabilis na nagligpit siya ng gamit at saka sinukbit ang kanyang bag. “Let’s go na,” sabi niya sa dalawa na nagkukumahog na ring mag-ayos ng mga gamit. “Grabe, why are you in a hurry?” tanong pa ni Wella sa kanya. Humikab lang siya at saka umiling dito. “I’m famished na,” aniya pa at umalis na sila. Gutom na talaga si Ivy kaya nagmamadali na siyang lumabas ng building nila. Iyong dalawa naman ay halos tumakbo na rin dahil nagmamadali na siya. “Gosh naman, Ivy! Kaloka ka! Dahan-dahan!” sambit pa ni Wella. Tuloy-tuloy lang ang kanyang paglalakad papunta sa canteen nila. She shook her head. Nagliwanag lang ang mukha niya nang makita niya ang pinto ng canteen. “Gosh, finally,” bulong niya pa at mas binilisan ang lakad pero agad din siyang napatigil at muntik pa siyang mabuwal nang makita ang kapapasok lang sa canteen. “Ivy!” sita ng dalawa pero hindi na naman siya nakapagsalita. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumalikod. “Hey! Are you okay?” tanong pa ni Wella. Nahigit niya ang hininga at mabilis na umiling. “Tara na.” “Ha?” “Basta!” At nilagpasan na niya ito. “Oh my gosh, ang weird mo, sis!” Napapikit na lang si Ivy at napaungot. ‘Why am I seeing him everywhere?!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD