MARCUS' POV Mahimbing na natutulog si Hallejah sa aking silid nang magpasya akong lumabas upang lumanghap ng sariwang hangin. Ilang beses may nangyari sa amin kanina noong nasa sasakyan pa kami at inulit ko rin iyon nang dumating kami pero nakapagtatakang hindi pa rin ako nakaramdam ng pagod. Bago ako nagpasyang agahan ang pagbabalik sa Villa Esciaver ay tinawagan ko si Daddy. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kay Hallejah at tulad ng inaasahan ay pinayo niya sa aking ibalik ko na ito sa mundo ng mga Diway. Mukhang naramdaman niya siguro kaninang buo na ang desisyon kong ipaglaban si Hallejah kaya sa bandang huli ay may sinabi siya sa'kin na pwedeng makatulong na ibalik ang nawawalang lakas nito. Nang sabihin ni Daddy na pwede kong ibahagi kay Hallejah ang enerhiya ng Deritos na nasa ak

