"Uuwi na tayo." Mabilis akong kumawala mula sa yakap ni Ina nang sambitin niya ang mga katagang iyon. Umiiling na napahakbang ako paatras mula sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo. Nawala sa'kin ang ksnyang atensiyon at nalipat sa taong naramdaman kong yumapos sa'kin mula sa likuran. Marcus, piping usal ng aking isipan nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng mga brasong iyon. Malakas na singhap ang nanulas sa labi ni Ina habang puno nang pagkamanghang napatitig sa mukha ni Marcus. "Z-Zeur," di makapaniwala niyang bulalas na ikinagulat din ng mga Diway na nakarinig. Isang matandang Diway na may puno ng kaalaman ang kislap ng mga mata ang humakbang palapit sa kinaroroonan namin at sinuri si Marcus. "Ang propesiya, nangyayari na!" pasigaw nitong pahayag. Naging alerto ang la

