Finale:

1901 Words
5 years later… SIGURO nga ay totoo ang sinabi sa kaniya ni Martina noong huli silang magkita at magkausap na dalawa, na ang kalungkutan ay siya rin ngang depensa natin sa pakikipaglaban sa mga susunod na hamon ng buhay. Nalungkot man kasi si Grey sa pagkawala ng babaeng minamahal, hindi naging hadlang iyon upang magpatuloy siya, bagkus ay mas lalo pa niyang pinag-igi ang pagpapatuloy na mabuhay para sa naiwan na pamilya ni Officer Yanie Lachica. Oo, nang mawala ang huli ay siya na ang nagpatuloy ng mga naiwan nito. Pinag-aral niya ang mga kapatid nito at binigyan niya ng mapagkukunan sa araw-araw na gastusin ang nanay nito dahil nga wala na ang breadwinner ng pamilya. Pamilya na rin niya ang mga naulila ni Yanie bukod sa siyempre, hindi naman maglalaho ang mga Henson sa kaniyang tabi lalo ang kaniyang mga kapatid. May kaniya-kaniya na silang buhay. The irony of fate, kung gaano siya kababaero dati, ngayon naman ay allergic na siya sa babae. Kung noon ay cute na cute lang siya sa sarili niya at hinayaan niya lang na huminga siya nang walang ambag sa kaniyang pamilya at sa lipunan na kaniyang ginagalawan, ngayon naman ay naitatag na niya ang sarili niyang hotel and restaurant sa Tagaytay—pati ang bahay na para sana sa bubuuin niyang pamilya. Mabilis lumipas ang inog ng mundo kapag malungkot ka pala. Nakagulatan na lang niyang limang na taon na pala ang nakararaan. Mabilis ang inog dahil lahat ng kaniyang gusto ay na-accomplish na niya para lang huwag niyang maalala si Yanie. Ang pagtunog ng cellphone niya ang umudlot sa sandaling pagbalintataw niya sa harap ng Mayon. Naroon siya sa terasa ng bahay niya sa Tagaytay kung saan tanaw ang ganda ng bulkan. Naging habit na niya ang pagkakape roon pagkatapos niyang maligo. "Hey, what's up?" bungad niya kay Page. Nagtataka man siya na napapadalas ang pagtawag nito sa kaniya ay hindi na lamang niya iyon kinukuwestyon. Wala na rin namang rason para magselos si Blue sa kaniya at nasundan na ng triplets si Sky, aba. Napangiti siya nang maalala niya ang mga pamangkin. Pagkatapos ni Sky ay nagkaroon ng triplets sina Blue at Page na pawang mga babae, pinangalanan nito ang mga iyon ng Moonlit, Moonlight at Moonkiss dahil pawang pinanganak ang tatlo nang ang buwan ay pula na siyang kalimitan lang na maganap. Sina Red at Euna naman ay may dalawa na ring anak na babae na isinunod ng mga ito sa pangalan ng Uncle Vincent nila—sina Viancent at Viancey. "Where are you, Grey?" "Nasa bahay ko, saan mo pa ba gusto?" "Sa Tagaytay?" paniniguro pa ng hipag niya. Pagak siyang natawa. "But of course! Alam mong ang bahay ko sa Manila ay naibenta ko na." Iyong bahay kung saan sila nagsama sa iisang bubong noon ni Yanie ay naibenta na niya. Ang unit naman niya ay binigay na niya sa kapatid nitong si Yassi. "Kamatayan kasi ni Yanie bukas, aayain sana kita at may misa." May sinabi itong pangalan ng simbahan. "I'll try," tipid niyang tugon. Kada magpapamisa naman ang mga ito ay hindi siya pumupunta. Hindi siya pumunta noon sa libing ni Yanie. Sa loob ng limang taon ay hindi rin niya dinalaw man lang ito, ang misa pa kaya? Pero siyempre, alam naman niyang nag-a-attempt lang naman si Page na baka nais na niya. Hindi naman siya pinipilit nito. "Alright, ikaw pa rin naman ang baha—" Natawa siya nang maputol ang sinasabi ng kaniyang hipag. Inagawan na naman ito ng cellphone ng mga makukulit na anak. "Uncle Grey, napanaginipan kita, magkaka-jowa ka na, may gun siya!" excited na ani Moonkiss. "No, napanaginipan ko siya, may knife yung jowa niya," wika Moonlight naman. "Pareho kayong mali, ang napanaginipan kong kasama ni Uncle Grey ay isang gel na fwen ni Mommy," si Moonlit naman iyon na may mga salitang hindi pa mabigkas nang ayos. Natawa na lamang siya. Nahawa na ang triplets sa mga magulang ng mga ito na walang tuksuhin na magkaroon ng jowa kundi siya. Maging ang salitang 'jowa' ay nakuha na ng mga ito sa mga baliw na magulang. "Hey kids, Uncle Grey need to hang up na, bye," paalam na lamang niya sa mga makukulit niyang pamangkin. Tumayo na siya pagkatapos magkape. Maghahanda na siya sa panibagong gabi nang pagtulog while trying to escape—sa reality na limang taon nang wala si Yanie. Magmula nang mawala ito ay wala na siyang naging girlfriend dahil mas nag-focus na lang siya sa sarili. Sa paglago ng kaniyang sarili na siguradong kung nasaan man ang babaeng astig na minsan niyang nakasama ay siguradong matutuwa ito. Nang matapos ang sigalot noon ay hindi naman na sila nagsampa ng reklamo kay Martina. In fact, nanatili pa itong sekretarya ni Blue. Fan ng second chance ang lolo nila kahit ganoon ito kasungit, wala silang magagawa sa bagay na iyon. Besides ay tama naman ito—kasalanan ng pagiging palikero niya ang nangyari. "Goodnight world," anas na lamang ni Grey sa sarili nang mailapat na niya ang katawan sa kama. Ganoon na lang parati ang senaryo niya. Iyong gasgas na nirereklamo niya, nangyayari sa kaniya ngayon kahit hindi niya pa mapaniwalaan. He's alone and lonely. Empty, while his pocket is full. Breathless, while he's still breathing. Nakakagulat din nga minsan, ni hindi niya nakita ang sarili na magpapaka-ermitanyo at magpapaka-celibate pero heto na ang nagaganap sa kaniya ngayon. Kung nakakapagsalita nga lang ang alaga niya ay baka minumura na siya. "Life is really full of surprises," wika pa niya kahit nakapikit na siya at unti-unting tinatangay na ng panaginip… IYON na ang pinakakuwelang panaginip ni Grey na ang bida ay siya at si Yanie. Sigurado siya. Paano ay sinisipsip ngayon ng huli ang pink na sawa niya na parati nitong hinahanap sa mga nakaraan niyang panaginip dito. Ang mas nakakatawa pa, alam niyang panaginip lamang iyon pero damang-dama niya ang init ng bibig ng babae. At dahil nga birhen si Yanie, hindi ito maalam sa ginagawa, napaigtad tuloy siya nang tumama sa ngipin nito ang galit niyang sawa. "Ouch," daing niya. "Sorry." Awtomatiko ang pagdilat ng mga mata niya. Sa mga nakaraan na mga panaginip niya ay hindi nagsasalita si Yanie! Mas lalong sa mga nakaraan na panaginip niya ay hindi ito umuungol na tila pusa habang isinusuot ang pink niyang sawa sa makipot nitong… "A—Anong—" Ganoon na lang ang gilalas ni Grey nang may mamataan siyang babae na nasa ibabaw niya! "Lexus Grey, 'wag kang masyadong magulo. Huwag ka ring bumangon, nahihirapan na nga ako…" N—Nahihirapan? Akmang babangon siya nang malakas at pabalya siyang itulak ng babaeng nasa kandungan niya. "Sinabi na ngang 'wag magulo!" Ang boses nito… Sa madilim niyang kuwarto ay nababanaag niya ang sexy na katawan ng isang babae na kumikiwal sa kaniyang ibabaw. Kumikiwal ito at nagpupumilit na isuksok ang sarili sa kaniya. Dahil siguro sa tagal nang walang aksyon ang sawa niya ay nakatindig iyon ngayon—tirik na tirik pa nga! Kusang gumalaw ang pang-upo niya paangat nang madama niya ang basa na kaselanan ng babae. "Hindi ko alam… hindi ko maunawaan, kung panaginip ito, so be it," ani Grey. Nang gabayan niya ang bewang ng babae ay mas nagulat siya—dama niya ang init ng katawan nito—tila nagbabaga pa nga! Nakapasok na siya. Walang kasing sarap iyon kahit masikip ang daanan. Walang kasing sarap dahil si Yanie ito… "Hindi ito panaginip, Grey Henson…" anang babae sa pahalinghing na paraan. Humiga ito sa ibabaw niya, inabot ang bibit niya na buong puso naman niya sinalubong. Damn! Mukha nga ni Yanie ang nababanaag niya! Ang magaganda nitong mga mata sa kabila ng matalim na tingin… Ang amoy ng shampoo nito… Napapikit siya at napamura sa isipan niya nang kumanyod ito sa ibabaw niya—kayas na kayas, damang-dama niya ang sensitive bud nito roon. f**k! Yanie let out a long 'ahhh', masarap pala ang ginagawa niya kahit hindi siya marunong at kahit nahirapan siyang ipasok ang pink na sawa sa kaniya kanina. Naramdaman niya ang bibig at dila ni Grey sa collarbone niya, papunta sa kaniyang dibdib… hindi niya iyon pinagkait dito. Nang bahagya siyang umangat para gabayan ito sa kaniyang dibdib ay hinabol naman nito ang kamuntikan nang maghiwalay nilang mga katawan. She chuckled. Nakakabaliw ang sarap ng pinapalasp sa kaniya ng lalaking nasa ilalim niya pero dapat na muna niyang buksan ang lampshade sa bedside table para malinaw siyang makita nito. "Hindi ka pa rin nagbabago, natutulog ka pa rin nang nakaroba at walang kahit isang saplot sa katawan. Natutulog ka pa rin nang wala kahit kapirasong ilaw, Grey Henson." Saglit na nasilaw si Grey sa biglaan na liwanag na nagmula sa lampshade na binuksan ng kaulayaw niya. Kumurap-kurap siya. Nakangiting mukha ni Yanie ang nakita niya. Iba na ang buhok nito, pambabae na ngunit may kulay na matingkad na blonde ang unahan… Mas kumurap pa siya. Mariin. Nang muli siyang magdilat ay napabangon na siya! "Araaaay!" "Y—Yanie? Officer?!" bulalas niya habang nakatanga siya sa babaeng ngayon ay hubot-hubad na nasa sahig, sapo ang sariling balakang. Nahulog lang naman ito mula kama nang bigla siyang bumangon kanina! "Ako nga, peste ka, Grey Henson! Kanina pa 'ko nagsasalita ah!" Hindi man siya makapaniwala ay agad niyang tinulungan ito na bumangon. "H—Hindi nga ako minumulto lang—ikaw nga, Yanie!" Sinunggaban na niya ito ng yakap nang maitayo niya. Ilang segundo silang nanatiling magkayakap lang. Ang unang kumalas ay si Yanie. Kumalas ito sa yakapan nila upang muling iayos ang sarili sa ibabaw niya… Sabay silang napaungol nang muling magkaisa ang mga katawan nila… "Masyadong matigas, nakakakiliti…" He chuckled. "Masyado kang eskandalosa." Pinatahimik niya ang bibig ni Yanie sa pamamagitan ng isang halik. Nanggigigil ang halik na binigay niya rito. Hindi niya tinigilan hangga't hindi nila kailangan ng hangin. "Pero masyado ka ring mapaglaro. Five years, Yanie! Saan ka nagsuot?!" Nag-form ng letrang 'O' ang maliit na labi nito, sadyang pinapakita nito iyon sa kaniya maging ang pagtirik nito ng mga mata. "Ang sabi ni Page ay ganito raw," ani Yanie. Tinulak na naman siya pahiga saka ito nagpaangat baba sa kaniya. Mahabang 'ohh' naman ang sumunod na sinambit nito nang paungol nang dunggulin niya ito paangat. "Ang pink na sawa, galit na galit…" "Hindi ka nakakatuwa, hindi ka pa sumasagot sa tanong ko." Dumilat ang babae. Hinalikan siya bago ito nagsimulang kumiwal na tila bulateng inasinan sa ibabaw niya. "Pasensya na. Part of the job. Kailangan kong tapusin ang limang taon na contract kong pirmado kay Doña Matilde. Dapat nga ay seven years 'yon. Pumayag na lang siya nang tumawad ako. Naawa rin daw siya sa 'yo, nalaman namin kay Page na binulok mo na ang pink na sawa mo." "Part of the job? Bakit kinailangan pa na magpanggap kang patay?" "Grey, gano'n talaga. Kung mamatay ako sa farewell job na 'yon ay nakahanda ka na—" Pinatigil niya ang bibig nito, sinalpak niya ang dila niya roon kasabay ng kaniyang pag-ulos sa ibaba nito. "Tumigil ka na sa pagsasalita. Kung puro patay rin lang ang sasabihin mo ay umungol ka na lang," gigil na anas ni Grey. "Much better. But before that, I love you, Grey Henson." "I love you fudging more, Officer." Iyon na ang huling salita nila sa bawat isa, naging abala na sila sa mga sumunod na sandali sa pag-abot sa glorya. ~Wakas~ ©LUNAMARGARET
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD