2:

2323 Words
"HEY, Grandpops, you can't be serious as hell. Lalaki ako at babae siya, sa tingin mo ba ay kaya niya akong protektahan?" pakikipagtawaran ang unang pumasok sa isip ni Grey na gawin the moment na nakaharap na niya ang lolo niya. Naroon nga siya sa opisina nito ngayon. Pinatawag kaagad siya nito matapos ibalita sa kanila ni Haya ang tungkol sa mga nalaman nito. Naroon siya sa opisina ng kaniyang lolo ngayon habang nandoon din ang babaeng pulis, nakatayo sa gilid ng lolo niya. Direstso ang tayo at tingin na animo walang alam pa nga sa pagpapatawag sa kaniya ni Don Vladimir. Tinignan siya ng kaniyang lolo sa bored na paraan. Lately ay sadyang reklamo na nito ang kabilaan niyang paglabas-labas kasama ang iba't ibang babae na nakukunan ng mga business journalist. Pero sa kanilang magpipinsan ay sa kaniya naman maluwag ang don dahil well, wala naman talaga siyang ambag sa kumpaya nila kundi ang ka-cute-an lang niya. Ehem. "Saka mo na husgahan ang lady bodyguard mo, Greyson," anang don. Ito lang ang tumatawag sa kaniya sa pangalan na iyon. "Besides, sa sobrang dami mong babae na inilalabas, malamang ay hirap na 'yang tuhod mo na makatakbo kung sakaling dukutin ka ng kung sino at putulin 'yan, tarantado ka. Kapag nagkataon ay tapos na ngang tunay ang kaligayahan mo." Impit na tawa ang maririnig sa likuran niya. Sila Red at Blue lang naman iyon. Nalingunan pa nga niyang sinisiko ang mga ito ni Haya na tila sinasaway. Bumuntonghininga siya. "Alright, alright, tatanggapin ko nang mula sa araw na 'to ay para akong asong susundan ng lady bodyguard mo." "Lady bodyguard mo," pagtatama pa ng don sa kaniya. Grey rolled his eyes. "Sige, lady bodyguard ko na." "Na malayo sa pagiging aso, Sir Grey," protesta ng babaeng pulis. "Fine," sumusuko na wika ni Grey. Tinapunan din niya ng naiinis na tingin ang lady bodyguard. "Pero Grandpops, magkalinawan lang, ikaw ang magpapasahod sa kaniya ha?" "Bayad na ang service niya ngayon pa lang na nag-uusap na tayo. Nabanggit ko na rin kasi dito kay Yanie na sobrang kuripot mo." Nakaingos na turan sa kaniya ni Don Vladimir. "Wow!" hindi makapaniwalang bulalas niya! "Bayad na siya, Grandpops? Really…" Nilinga niya sina Red at Blue, "Narinig niyo 'yon, guys? Bayad na raw si Ms. Lachica…" "May problema ba tayo sa bayad na ako, Sir Grey?" Lumipad ulit ang tingin niya sa babae na nananatiling nasa tagiliran ng kaniyang lolo at pormal na nakatayo roon or mas akmang sabihin niyang—aral na nakatayo. Ganoon kung tumindig talaga ang mga tulad nito. "Wala naman, Ms. Police Officer. Naalala ko lang 'yung ginawa mo sa amin na panggagantso ni Red noon sa Ilocos," sagot niya rito sa sarcastic na paraan. "Hindi po panggagantso ang tawag sa isang trabaho na nagawa naman nang ayos ayon sa bayad ng service niya," matapang na sagot ni Yanie. "Ah, oo nga naman, panggugulang nga pala ang tamang term. Hindi mo naman kasi sinabi sa amin na from the start, ang trabahong pinapagawa namin sa 'yo ay alam mo naman na pala dahil close friend mo si Page," mas sarkastikong ani Grey rito. "Hindi na niya pagkukulang ang tungkol doon, Greyson," singit ng lolo niya. "Kayo na ni Red ang nagkulang sa part na 'yan. Simula pa lang naman kasi ay sinabi na ni Officer Lachica na ang kaniyang serbisyo ay dapat na fully paid muna," pagdepensa pa ni Don Vladimir sa babaeng pulis. Itinaas ni Grey ang dalawang braso saka sarkastikong sinabing, "Oo na, sige na nga. Isa lang sana ang maihihiling ko sa nais mong 'to, Grandpops." Nagsalubong ang mga kilay ng don. "Ikaw na nga ang iniingatan sa pagkakaroon ng bodyguard ay ikaw pa ang may hiling? Hindi yata at hibang ka na, Greyson." Tinukod ni Grey ang dalawa niyang palad sa office chair ng kaniyang lolo. "Grandpops, gusto ko lang naman sabihin na ako ang bahala sa pagsasama namin sa iisang bubong ni Officer Yanie Lachica," aniya nang may ngisi sa kaniyang labi, tinapunan niya rin ng nakakalokong tingin ang binanggit na opisyal. Hindi nakaligtas sa kaniya ang paglunok ng babaeng pulis. Mas nagkasalubong naman ang mga kilay ng matandang don. "Nasa kasulatan namin ni Officer Lachica na kapag nilandi mo siya ay siya na ang kusang aalis sa trabaho niya sa 'yo." "What?!" hindi makapaniwalang sambit ni Grey, "Ikaw pa talaga ang may gana na mag-demand, samantalang bayad ka na?" Ang impit na tawa nina Red at Blue ay ngayon na natuloy. "Grandpops—" "Karapatan ng bawat tao ang mag-express ng mga gusto nila hangga't hindi iyon makakasakit sa kapwa ay ayos lang," matapang na sagot sa kaniya ni Yanie, pinutol ang sana ay sasabihin ng nagrereklamong apo ng don. Tumayo ang don mula sa kinauupuan nito. "Bukas pa naman magsisimula ang trabaho ni Officer Lachica sa 'yo. Maaari mo siyang sunduin sa mansion tomorrow, Greyson. For now, siguro ay puwede na muna namin kayong iwan na dalawa rito at nang makapag-usap kayo kahit sandali patungkol sa magiging set up niyong dalawa." "Kaya mo 'yan," biro ni Red kay Grey, tatawang tinapik ang balikat ng huli. "Mauna na kami, Officer Lachica," kaswal na paalam naman ni Blue. Tipid lang na tumango ang magiging lady bodyguard niya sa kaniyang mga pinsan. Ilang saglit pa ay naiwan na lamang sila roon ng babaeng pulis. Sinulyapan siya nito at saka umiling na tila sinasabi sa kaniyang hopeless case na siya kaya siya nakatanggap ng ganoong klaseng death threat. "Mauna na rin ako, magkita na lamang tayo bukas," ani Yanie sa kaniya sa kaswal na tono. Iiwan din siya sa office na iyon. Nang matapat ito sa kaniya ay agad niyang hinaklit ang braso nito sa mariin na paraan. "Ang sabi ni Grandpops ay mag-usap tayo, Officer Lachica. Oh, by the way, ano ba ang gusto mong i-address ko sa 'yo?" "Officer is fine. 'Yun din naman ang nakagawian nang itawag sa amin kahit separate kaming mga pulis sa military." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Grey. "Alright, Officer, kung hindi mo mamasamain ay maaari ko bang sabihin ngayon sa 'yo na nakakapagtaka 'yang emotionless facial expression mo. Kanina sa elevator ay ganyan ka rin habang kinakausap ako at sinisingil mo ako. Paano mo 'yan nagagawa?" "Hindi na kasama sa trabaho ko sa 'yo ang sagutin ko ang mga ganyang tanong," pasupladang turan ng officer sa kaniya. "Okay, sige, itatanong ko na lang sa 'yo kung sa tingin mo ba ay tatagal kang maging bodyguard ko? Sa sinabi ni Grandpops kanina ay para mo na ring ibinuko ang sarili mo sa 'kin." Naningkit ang mga mata nito. "Ano ang ibig mong sabihin?" "Landiin lang kita, aalis ka na sa service mo sa 'kin," malagkit na sambit niya habang malagkit din niyang pinagmasdan ang katawan ng kaniyang magiging bodyguard, partikular sa maumbok nitong pang-upo. "Your grandfather will automatically sue you kung gagawin mo 'yan sa 'kin. Iyon ang nasa usapan naming dalawa." Taas noo naman nitong sabi. Kumalas ito mula sa pagkakahaklit niya. "Magiging bodyguard mo ako kaya matuto ka sanang maglagay ng limits sa pagitan natin, Grey Henson." "Magiging bodyguard kita and yet, Grey Henson mo lang ako i-a-address?" Tumikhim ang babae. Tila napahiya rin naman sa kaniyang sinabi. "Then, ibabalik ko sa 'yo ang tanong, ano ba ang gusto mong i-address ko sa 'yo?" "Baby is fine." Ano raw?! "FEELING ko talaga ay planado mo ang lahat ng 'to." "Feeling mo lang 'yon," kaswal na tugon sa kaniya ni Yanie. Emotionless na naman ang mukha ng babae at sa totoo lang, sa mukha nitong iyon sila nagoyo noon nito kaya ba mas lalo siyang naiinis dito. Bumaba na ito ng sasakyan niya, binagsak ang pinto ng kotse niya na nasa gawi nito. Dahil bodyguard nga niya, naglakad-lakad muna ito sa paligid habang siya naman ay nagsimula nang buksan ang pinto ng bahay niya. "May bahay ka naman pala sa magandang klaseng subdivision. Mas okay rito. Mas safe sa 'yo, bakit pinipili mo pang sa condo tumira?" anang pulis. Kasunod na niya ito sa likuran niya. Napaingos naman siya. "Ang aksidente ay hindi mo masasabi." "Exactly. Kaya nga ang sabi ko ay mas safe ka rito. Bago makapasok ang kung sino man na nagbabanta sa 'yo ay daraan muna iyon sa security ng subdivision at sa seguridad na rin ng homeowners association," wika ng pulis—ng lady bodyguard na nga pala niya. “May security rin sa condo unit kung saan ako nakatanggap ng kung ano-anong regalo,” tugon ni Grey. Nagdiretso na siya sa loob ng kaniyang bahay. Dahil nga kinuha ng lolo niya bilang bodyguard niya si Yanie ay lumipat siya sa bahay niya sa subdivision na iyon na ilang metro lang ang layo sa condo unit niya. Wala naman kasing tutulugan ang pulis sa inalisan niyang unit. "What I'm saying is, hindi naman kasing higpit ng seguridad ng mga security rito ang security sa condo mo. As you can see, nakapuslit ang mga gulay without any evidence kung paanong nangyari." “Hindi pa rin talaga ako naniniwalang may magtatangka sa buhay ko.” “Sa p*********i mo,” paglinaw pa ni Yanie sa sinabi niya. Sumunod na ito sa kaniya sa loob ng bahay. "Magkaiba ang dalawang 'yon." Nilingon niya ito, kaso ay abala na ang babae sa paglilibot ng mga mata sa loob ng bahay niya. Kung naiba siguro ang sitwasyon nila ng babaeng pulis ay bibilib siya rito. Bukod kasi sa matalas ito ay talaga naman na propesyunal ang kilos at wala itong kaarte-arte sa katawan. Iisang backpack nga lang ang bitbit nito, to think na 24/7 ang trabaho sa kaniya. “Kahit pa ba.” Narinig niyang nagbuga ng hangin ang babae. “Pinagdaraanan naman ang denial stage, lalo at wala ka naman talagang kilala na kaaway mo o nakaalitan.” Muling nagkibit ng mga balikat si Grey saka naipilig na lang ang sariling ulo. Maaga siyang gumising kanina upang puntahan ang lolo niya at heto nga, umuwi siya na bitbit na pauwi ang pulis na kiniinisan niya ang pagiging tuso kaya ngayon pa lamang sya magluluto ng kaniyang kakainin. Dumiretso siya sa kitchen. Naramdaman niyang sumunod na naman ang lady bodyguard sa kaniya. “Wala nga pala akong kasamang kahit na kasambahay rito. Hindi ako sanay na mayroon and besides dagdag gastusin lang." "Nabanggit ni Don Vladimir na makunat ka." Grey grimace. "Nagtitipid lang. Hindi ako basta-basta humihingi ng kahit anong tulong sa mga pinsan ko at sa lolo ko." "Nasabi na rin niya 'yan sa 'kin. Ang tingin mo raw kasi sa sarili mo ay mahina. Na ikaw ang pinakawalang ambag sa pamilya niyo, sa kumpanya niyo." Sinasabi iyon ng babae nang chine-check nito ang fridge niya kaya hindi nito napuna ang pag-igtingan ng kaniyang mga panga nang dahil sa mga sinabi nito. "Matagal na ba nang huli kang tumira dito?" "Nagtatrabaho ka sa isang private investigation and security agency and yet, hindi mo man lang ba inaral ang bio ng magiging kliyente mo? Lahat ng information na binanggit mo ay galing pa sa lolo ko," sarkastikong saad ni Grey, hindi niya pinansin ang tanong ng babae. Nag-uunab na siya ng bigas na pinauna na niya sa bahay na iyon kahapon. Umayos ng tayo ang opisyal at sumandal sa ref, nag-cross arms. "Inaral ko. Alam na alam ko ang lahat ng tungkol sa 'yo sa paraan na ikagugulat mo." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Talaga ba?" "Alam kong kaya wala kang ambag sa kumpanya niyo, 'yon ay dahil lumaki ka sa pangangalaga ng namayapa mong lola. Ikaw ang bunso sa magpipinsan. Ikaw rin lang ang walang magulang sa kanila." Grey froze and gritted his teeth. That was foul. Pero iyon na nga mismo ang totoo. "Si Haya ay anak ni Vlast Henson kay Celeste Gandiola, Si Red ay anak naman nina Victory Henson at Zen, samantalang si Blue na palaki ng mga magulang ni Red ay anak ni Don Vladimir sa bastardo niya. And you, up until now, napakalabo sa 'yo ng sagot sa kung sino ang parents mo. Ang panganay naman ng don na si Vincent Henson ay baog, malabong 'yon ang tatay mo." Wow, imbestigador nga ang isang ito. Nakakabilib! Marahas na buntonghininga ang sunod na pinakawalan ni Grey bago niya lingunin ang opisyal. "Hindi ko babayaran ang mga information na mga pinagsasasabi mo Agent Canny." Of course, kahit siya ay may alam dito. Iyon ang code nito sa agency kung saan ito nagseserbisyo. Canny, nababagay sa pagiging tuso nito. Anyway, tingin naman niya ay binabagay naman yata talaga ang mga code ng mga tulad nito na nasa ganoong field sa personalidad nila. "Pero salamat sa effort mo sa pag-alam niyan. Hayaan mo, kapag sapat na ang ipon ko ay kukunin ko ang serbisyo mo para malaman ko kung sino ang mga magulang ko." Tinalikuran na niya ang babae. Dapat na siyang tumalikod dito at baka mapagsalitaan niya pa ito ng hindi kaaya-aya. Ngunit bago siya tuluyan na makalabas ng kusina ay nagsalita na naman ito, "Tutulungan kitang alamin kung sino. Ipinapangako kong magagawa ko 'yan dahil expertise ko ang paghahanap sa mga nawawalang tao." Nilingon ito ni Grey nang may nakakalokong ngisi na nakapaskil sa labi. "I know. Alam ko rin na kaya ka nagpumilit sa trabahong ito dahil pumalpak ka sa huling assignment mo. Ibang baby ang binigay mo sa kliyente mo. Which is, wait, hindi ba alam ni Grandpops ang tungkol do'n at bilib na bilib siya sa 'yo?" "Alam niya ang tungkol do'n." Kuyom ang mga kamao na tugon ni Yanie sa pinakahambog talagang apo ni Don Vladimir. "Alam din niya ang tungkol sa istorya ng pangyayaring 'yon." "Nice," ani Grey sa sarcastic pa rin na tono. "Sige, maiwan na kita, Officer, pakihintay na lang ang pagkain natin mamaya. Hindi kita pipilitin na kumilos dito para sa kakainin natin, sa damit naman at tagalinis ay may nagse-service sa 'kin twice a month. Welcome sa bakasyon mo sa bahay ko, sana all." Bakasyon? Aba't!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD