Chapter 19

1601 Words
Leo's POV It's bugging me for a days now. Kung ano man ang sinabi ni Yuhan noong mga nakaraang araw ay hindi ko pa naitatanong kay Lori. Nandito ako sa garden at may bench dito. Ang bagong bahay ay di pa ako masyadong makapaniwala. I'm imagining a commoner house but this is a total different to what I imagined. This is more elegant that our house. May karapatan ba akong magtanong tungkol sa kaibigan niyang nagbigay ng bahay? At tungkol doon sa kanila ni Kyle? At kung ganuon nga? Paano niya nakilala si Kyle? Alam ba ni Kyle? Alam ba ni Kyle hanggang ngayon pero di lang niya sinasabi? This questions make my head spin. "Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Lori. She's smiled. "Yeah." Now that I think of it. I don't know anything about her. "Lori, sino nga ulit yung nagbigay sayo ng bahay?" Nawala naman ang ngiti niya at mag iwas ng tingin. Ilang segundo ang nakalipas ay ngumiti siya at niyakap ako. "I already told you. It's a friend." Sabay palibot niya ng kamay sa leeg ko. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. "Who?" "Don't ask anymore questions." Bulong niya. Ayon sa boses niya, di siya masaya sa tanong ko. "Lori, I trust you." Kinuha ko ang kamay niya sa leeg ko at tiningnan siya sa mata. "I hope you trust me too." ------- Lori's POV "I hope you trust me too." That's what he said earlier. I trust Leo because I love him that's why I should keep it to myself. I don't want him to know that I am a Zambroso. I'll do everything to keep it from him. I'll do everything to protect them. I said I trust him and he just smiled. I know it isn't enough. I know it's bothering him but I can't help it. I don't want him to know. I don't want her to know about him or Kian. Papunta ako sa bahay ni Josephina. Nasa taxi na ako. I asked Yoyo to do the investigation for me and he said yes. This is the result. I can trust Yoyo like how can I trust my love ones. I know I can trust him with this one. I'm glad he didn't ask who's Jennette, It will be a pain if he ask me about her. "Dito na po, manong." Binigyan ko ng pera ang driver at lumabas na. Nandito na ako sa isang subdivision kung saan nakatira si Jennette. Naglakad na ako papasok sa subdivision at hinanap ang bahay. Nakita ko naman ito di kalayuan sa gate. Agad akong kumatok. Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang isang magandang babae na kasing edad ko lang. "Joshepina? Am I right? Daughter od Jennette?" Tanong ko agad. "Ah, Oo! Ako nga. M-may kaylangan ka?" Nahihiya niyang tanong. "Gusto mong pumasok? Pasok ka." Pumasok naman ako sa maliit nilang bahay. "Ah, upo ka. Anong gusto mo? Juice? Water? Teka, wala pala kaming juice. Ice tubig lang. Gusto mo?" Halatang kabado siya. Nakakatakot ba ako? Ngumiti naman ako para mawala ang takot niya at mukhang nagtagumpay ako kasi ngumiti rin siya. "Tubig nalang." "Sige! Teka lang." Umalis naman siya at bumalik siya na may tubig. Umupo siya sa katabing sofa. "Sino ka?" Tanong niya. "I'm sorry. Ako pala si Lori Rizano." Sabay lahad ko ng kamay. Tinanggap naman niya ito. "Ah... ako si Josephina Elaine Loreto." Loreto? So, dinadala niya ang apilyedo ng nanay niya? "Uhm... Miss Rizano... N-nandito ka ba dahil sa boss ko?! Promise hindi ako ang nakabasag sa vase niya! Cross my heart! Actually, mukhang may daga akong nakita run sa vase." Bulong niya sa huling pangungusap. "Pero promise di ako nakabasag nun! Please, sabihin mo kay boss na huwag akong esesante!" Ano bang pinagsasasabi niya? "Babayaran ko lang yun! Huwag niyo lang akong tanggalin sa trabaho!" Uminom naman ako ng tubig at nag iwas ng tingin. Kung alam mo lang na makakakuha ka ng limpak limpak na pera at makakabili ka ng isang daang vase pamalit sa nasira mo. "Please, may pamilya akong binubuhay-" "May asawa kana?!" Tanong ko. "Uh... uhm... may nanay ako sa probinsya. May sakit siya! Kaylangan ko siyang mapagamot!" Sabay fake niyang iyak. Alam mong fake yun. Napagdaanan ko na yang ganyan na method. Napabuntong hininga naman ako. "Kilala mo si Demetrio Verzosa?" Tanong ko nalang. Natigilan naman siya ng ilang segundo. "Uhm... oo." Sabay iwas niya ng tingin. "Alam mo bang tatay mo siya?" Nanlaki ang mata niya at gulat akong tiningnana. "Paano mo nalaman?" Salamat naman di itinago sa kanya ang katotohanan tungkol sa ama niya. "Well, this is your lucky day. Your father wants to meet you." "Weh?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Yun? Hahanapin ako? Imposible." Sabay tayo niya. "So, hindi ka naniniwala sa akin?" "Imposible kasi. After 28 years, why now?" Malungkot niyang tanong. Yeah, I know right! You're father is a total scumbag and also jerk! I want to tell her that but I can't. I'm not in the position to say such things. "He's dying. He wants to see you." Saad ko. Napatingin naman siya sa akin na para bang di makapaniwala. "T-talaga? Kaylan daw siya mamamatay?" "Ewan ko, mukhang malusog pa naman siya." "Malusog pa naman pala siya. Kunin mo nalang ako rito kapag oras nalang ang bibilangin." Sabay pasok niya sa kusina. Napahawak naman ako ng ulo. Wow. Sumakit ulo ko dahil sa kanya. I need to take her to his grand- I mean father! Bumuntong hininga ako. "Nakabasag ka ng vase diba? Siguradong sisingilin ka ng pera ng boss mo, may ikakabayad ka ba?" Sabay taas ko ng kilay. Lumabas naman siya bigla sa kusina. "Di ako ang bumasag dun! Ang daga! Bwesit na dagang yun!" "Sa opisina may daga?" "Oo! Di mo alam ang mga daga ngayon, minsan nga makikita mo nalang sa bag mo." Eww... anong meron sa bag niya? Bat dinadaga? "May CCTV. Siguradong titignan nila yun." Nanlaki ang mata niya at unti-unti ko ng nakikita angbpanic sa mukha niya. "Ano?! Patay!" "Kung wala kang ikakabayad. Humingi ka sa tatay mo." Napaupo naman siya at bumuntong hininga. "Sige na nga! Makikipagkita ako sa kanya pero hindi dahil gusto kong humingi ng pera! Makikipagkita ako sa kanya kasi tatay ko siya." Saad niya na sa iba nakatingin. Bumintong hininga ako at binigay sa kanya ang number ko. Kinuha ko rin ang number niya bago kami umalis. ----- Nakarating na kami sa hospital. Kumatok muna ako sa kwarto at pumasok habang hila hila si Josephina. "Hey." Saad ko sa matanda. "Ito na siya." Nagulat si Demetrio sa nakita niya at halos di makapagsakita. "She's your daughter. Josephina Elaine Loreto." Lumapit ako sa matanda. "Now, give me my money." "What?" Lito niyang tanong. "Listen, old geezer. May pamilya akong binubuhay. Kaylangang bayaran mo ako sa effort ko." Bumuntong hininga naman siya. "Manghingi ka kaya sa pamilya mo?" "Kung putulin ko kaya tung makinang bumubuhay sayo?" Pananakot ko sabay pakita sa mga wire. "How much do you want?" "3 million." "3 million?! Ano ka sinuswerte?" Wala talaga akong mapapala sa matandang ito. "Sige, 500 thousand nalang." Binigyan niya ako ng cheque na may halagang 500 thousand. I think this is good enough. "Bye, old geezer. I hope I won't see you anymore." Sabay alis ko, di man lang tiningnan si Josephina "Bigyan mo ako ng pera!" Yun lang ang narinig ko nang makaalis ako sa kwarto. Gaano ba kamahal ang nabasag niya? Tumunog naman ang cellphone ko. It's Sariel. "What do you want?" Tamad kong sagot. Bat ba siya tumatawag? Nakapagpasalamat na kaya ako. "T-that's how you greet your brother?! Wala man lang 'I missed you brother!'" Ginamit pa niya ang malambing niyang boses. "What do you want?" "Kainis ka talaga! Oh, well. Nevermind. I just want to tell you that the color theme is dark blue." Anong pinagsasabi niya? "You should wear long gown. Do you want me to choose a gown for you? It will be my honor. We could make it a couple gown you know. Me and you matching design of clothes." "What are you talking about? What's with this gown and color coding? May patay ba?" "What the! You already forgot about it?! Alam ko namang makakalimutin ka, Athy, pero di ko inaasahan na makakalimutan mo ito. Pasalamat nalang ako na di mo pa nalimutan ang pangalan ko! Birthday ni dad next week! I already told you that!" "Ah... I won't come." Simpleng sagot ko. "What the! You told me that you'll come! And we will reveal your identity!" "Really? I said that?" "Yes! How can you forgot about it, idiot! Alam ko namang medyo may pagkaepal ka pero sana wala kang sakit na amnesia!" Sigaw niya. Nilayo ko naman amg cellphone sa tenga ko. Grabe ang lalaking ito. "Ipapakita natin sa mga Verzosa na isa kang Zambroso! Ipapakita mo na ang sarili mo kay dad kasi 14 years na siyang naghihirap dahil sa pag alis mo! Ipapakilala kita sa lahat para malaman ng lahat na ang tunay na nagapagmana ay dumating na!" "I don't know what you're talking about. Seira is the heir not me and if mother finds out. She'll kill me. You know how she hates me, right?" Iba kami sa ibang pamilya. Kasi ang tagapagmana sa amin ay hindi lalaki kundi ang panganay na babae. Ang pamilya Zambroso ay masyadong sinusunod ang tradisyon at para sa kanila ang babae ay mas nakakatataas sa lalaki. "But, Lori. You're a Zambroso. You can't run again this time. You are already 29 years old, I think you are big enough to go against her." ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD