Chapter 22

1699 Words
FLASHBACK CONTINUE~ Nagising ako na nasa isang magandang kwarto. Meron akong bandage sa ibat ibang parte ng katawan at may nakakabit na hose sa kamay ko papunta sa isang maliit na bag. Tiningnan ko ang kamay ko. Halos buto nalang naiwan. Tumayo ako. Masakit ang katawan ko sa sugat na natamo. Hindi ko alam kung saan galing ang sugat. Ano nga ba ang nangyari? Tama, tumakbo ako sa gubat. Pumunta ako sa CR at nagulat ako sa nakita ko sa salamin. Tumangkad ako pero napakapayat ko. Halos kita na lahat ng buto sa katawan ko. Ang ilalim ng mata ko ay nangingitim. Inalis ko ang kulay asul kong damit at tiningnan ang dibdib ko. Halos walang laman. Puro buto at balat. Isinara ko ang damit. Nakita ko ang gripo. Binuksan ko iyon at uminom ng tubig galing doon. Uhaw na uhaw ako. "Mia." Napatingin ako sa tumawag. Isang lalaki. "S-sino ka?" Sabay punas ko ng bibig. "S-si Sariel to." Nakita ko ang pagbuo ng luha sa mga mata niya. "N-nanay mo yung pumatay sa nanay ko diba?" Nanlaki ang mata niya at mas lalong umiyak. Malaki na siya ngayon. Ilang taon naba ang nakakalipas? "T-teka, tatawagin ko si dad." Umalis naman siya. Lumabas ako ng CR. Bat ba nandito ako. Inalis ko yung maliit na hose sa kamay ko at pumunta sa bintana. Binuksan ko iyon. Hanggang third floor ang taas. "Uhm... Mia?" Humarap ako sa kanya. "Kapag nahulog ako mamamatay ako." Pumikit ako at napangiti. Magkakasama na kami ni mama kung ganun. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog ngunit agad din itong natigil nang may huwak sa kamay ko. "Hindi! Hindi ako papayag! Not again!" Hinila niya ako pabalik. Hindi ko alam siguro masyado siyang malakas o masyado lang akong magaan kaya madali lang niya ako hinila pabalik. Agad niya akong niyakap at umiyak sa balikat ko habang nakaupo kami sa sahig. "H-hindi kita iiwan ulit! Kapatid kita! I'll protect you from now on! Don't do it again! I'm really sorry about Mercel and about our mother did. But dad and I are here now, so, please, trust us on protecting you!" They really did protect me from my mother. Beth. Di ko na nakita si Beth simula nung mangyari ang aksidente 5 years ago. Tama, nakakulong ako sa kwartong iyong limang taon. Ngayon ay nasa high school na ako. Laging pangaral ni dad, wag juna mag boyfriend, fine pag di ako nag boyfriend bente anyos na ako wala niyo akong lulitin, ah. Ang ginagamit kong pangalan na ngayon ay Loriana Athena Zambroso. Pinaaral ako ni dad habang pinoprotektahan ako laban kay Beth. I'm totally aware that my dad Quivan is not my real dad. Maybe that's why Beth is mad at me because I'm her daughter to his another man. Bunga ng pagkakamali kumbaga. Naikwento ni dad na nabuntis nga si mama ng ibang lalaki. Hindi siya nagalit kaya pinili niyang tanggapin ang pinagbubuntis ni Beth na ako. Si Beth galit at gusto akong ipalaglag pero nakiusap si dad na buhayin lang ako at ilagay lang ako sa ampunan. Pumayag naman si Beth at doon nga ako nakita ni Mercel. Alam kong nahihirapan si dad lalong lalo na dahil nakakatakot si Beth at maraming siyang koneksyon. Kaya nga minsan wala siya sa bahay para lang ma protektahan ako. Nakilala ko si Yuhan. Best friend ko siya. Hanggang sa... "I love you, Lori! Can I be your boyfriend?!" Sigaw niya. Natahimik ang lahat. Gulat akong napatingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? Namumula siya habang nakapikit. "Mr. Quentes, out!" Galit na sigaw ng teacher namin. Tumawa naman ang mga kaklase namin. "Bat mo ba sinabi yun?" Tanong ko sa kanya habang naglu-lunch kami sa cafeteria. "Sabi kasi nila gusto ng mga babae, ang mga lalaking matatapang kaya isinigaw ko ang pagmamahal ko sayo." "Sa gitna ng exam?" Taas kilay kong tanong. "Unbelievable." "But I love you! I really do!" "Well, I love you as a brother." "What the- i-is that a rejection?" Sabay tanong niyang naiiyak. "I think, and you already have a fiancee. Seira. My sister. Remember?" Sumimangot naman siya. "Kainis." Nang nag 14 years old na ako ay may sinabi si dad. "You know, I'm doing anything to protect you from your mother, right?" Tumango naman ako. Ramdam ko ang lungkot. "I don't want to say it but di kita mapro-protektahan lagi, Lori and I'm sorry." "It's fine, dad. I know you're doing your best for me." Umiling naman siya. "I'm useless father. I want to ask you something because I think this is the only way to make your mother stop." "What? What is it?" "You have to marry." "Who?" Nagulat siya sa sinabi ko. "I can do it, dad. If that's the only way. I don't want to see you suffering anymore. I-I can marry anyone-" "Kahit na bata ka pa. I want you to marry him as soon as possible, Lori." Tumango naman ako. "I'll do it." ------ "Sino ka?" Tanong ng isang lalaking kaedad ko lang na mukhang maangas pa sa aso. "Ikaw? Sino ka?" Sino ba to? Bat siya nandito sa bahay? "Mukha kang daga." Saad ko. "Anong sabi mo?! Gusto mong matamaan?!" Iniwas ko ang tingin. "Childish." Saad ko. "Ano?! Ikaw! Si Kiel lang ang may karapatang magsalita ng ganyan sa akin at wala ng iba!" Sino si Kiel? "Calm down, kids." Pumasok naman si dad sa kwarto at umupo sa tabi ko. Kasama niya ang isang matanda. Sino ba to? "Lori, this is Kyle Lucifer Verzosa. He's your fiancee." ----- "So, you're my fiancee? That means you're my girlfriend, right?" Tanong niya. Nasa garden kami. Kaming dalawa lang. Nakaupo kami sa bench habang nakapalibot sa amin ang puting mga rosas. "I don't know." "You don't know?! You looked smart to me. Pero di ka kagandahan-" "Anong sabi mo sa kapatid ko?" Singit ng isang nakakatakot na boses na parang nagbabanta. "S-sino ka?" Tanong ni Lucifer na halatang nagulat. "Si Lori ang pinakamagandang babae sa buong lupa! Lori, ako kaya pakasalan mo?" Malambing na boses na sabi niya. "Pakasalan mo kaya si Lucifer. Bagay kayo anghel at demonyo." ----- Ilang araw pang nakalipas ay bumalik na naman si Lucifer. I really can't forget his name. I forgot his nickname but I remember the Lucifer. "I'm here again!" Sabay ngiti niya. "Halata nga." Nagbabasa ako ng libro sa garden. Pumunta siya sa harap ko at biglang pinisil ang magkabilaan kong pisngi. "Hindi kaba ngumingiti? Ngumiti ka kaya? Sige, boyfriend mo naman ako, eh!" "B-boyfriend?" Nag iwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. "Oo! Fiancee kita kaya ibig sabihin girlfriend kita at boyfriend mo ako!" "G-ganun ba yun?" ------ "And there's snow too! It's pretty cold in america." "I wanna go." "Don't worry. Kapag naikasal na tayo, doon tayo magho-honeymoon." "H-honeymoon?!" Gulat kong tanong. "Oo!" Nagkatinginan kami. Agad niyang namalayan ang sinabi niya at pareho kaminh nag iwas ng tingin habang namumula ang mukha. "Anong honeymoon ang pinagsasasabi mo?" Mukhang lumamig bigla. "Brother Sariel." "Don't go near her, insect." Malamig na saad ni Sariel at tumingin sa akin bago ngumiti. Sinipa niya papaalis sa bench si Lucifer at siya ang pumalit nito. "Huwag kang makikinig sa dagang yun, Lori. Hindi siya nakakabuti sayo." Tiningnan niya si Lucifer. "Go away, insect. I don't want you bothering my princess." "What?! She's my girlfriend and soon to be wife! You're just her brother. Get your brother complex away from here, pervert." "I'm not the p*****t here! You are!" Natawa naman ako sa pagbabangayan nila. Natigilan sila at napatingin sa akin kaya nahinto ako sa pagtawa. "What?" Tanong ko. "You laughed. Since that incident happened I never saw you laughed like that." Saad ni Sariel. "You are more beautiful when you laugh." Napangiti naman ako sa sinabi ni Lucifer. Birthday ko na at sabay rin doon ang pag a-announce ng kasalan namin ni Lucifer next month. Ayos lang naman sa akin si Lucifer. Maayos siyang kasama. Nakakatawa siya, lagi niya akong pinapasaya. "I love you, Lucifer. I really do." Seryosong saad ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Then we both feel the same way." Napangiti naman ako. At least this marriage is not just for my salvation it's for love. But when my dad announced the big event coming next month. Lucifer was shocked about it. He didn't know about about the wedding next month at all. He declined the wedding. "I'm not ready to be tied yet! I'm just 15, lolo! Come on." Narinig ko silang nag aaway sa kwarto. "Please, Kyle. Can you do this? I beg you! Please!" Rinig kong pamamakaawa ni dad. Nanumig ang mata ko sa pagmamakaawa ni dad. "I'm sorry, sir, but I really can't. Find someone else! I'm sick of this!" "Please, Kyle! I beg you!" Lumabas si Kyle at agad niya akong nakita. Dinaanan niya ako. Sinundan ko naman siya. "Lucifer, wait!" Tinakbo ko siya habang hawak hawak ang palda ng long gown ko. "Lucifer!" Hinawakan ko siya. "What?!" "Do you really have to do this? Why won't you-" "Because it's crazy!" "Marrying me is crazy?!" "I didn't mean it that way! I don't want to be tied up yet!" "But I love you!" "And I love you too but this isn't right. I'm outta here." Sabay alis niya. "Lucifer! Lucifer!" Di na siya lumingon sa akin. Bumuntong hininga ako. Pumunta ako kung saan si dad. "I'm so sorry, Lori-" "I got plan B. Don't worry. Beth will know about this party soon or she knows already. She knows I'm here. Dad, I need to get out of here. Send me away! Don't contact me, don't do anything to find me." "B-but-" "It's no time, dad." "Tito, I know someone who can take care of her." Singit ni Yuhan. "Her real father." That's it. Si mamang Antonio ang naghatid sa akin sa tatay ko. Sa totoo kong tatay na nakatira lang kasama ang isa niyang anak na si Andrea. Kahit mahirap para sa kanila hindi ko sila pinayagang makita o makausap lang ako. Ngunit nakaligtas si Yuhan. Hindi siya nasususpektahan dahil magiging asawa niya si Seira at malaki ang tiwala sa kanya ni Beth kaya malaya siyang nakakabisita sa akin sa squater.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD