Lori's POV "What are you doing here?" Tanong ko kay Andrea nang makita siyang kasama ni papa. Si papa ay dito magpapasko pero hindi ko inaasahang sasama si Andrea. Si Andrea ay anak ni papa sa ibang babae. May asawa siya pero naghiwalay rin sila pagkatapos ng ilang taong hindi siya mabigyan ng anak. "Is there a problem why I'm here?" "Tita Andrea! Hi!" Tumakbo si Kian papunta sa kanya at niyakap siya. "Hi! Namimiss mo ba si tita? May pasalubong ako sayo. Magugustuhan mo ito." "Pagpasensyahan mo na si Andrea. She's just lonely." "Alam ko. My bad for asking. Teka, pa. May ipapakilala ako." Sinenyasan ko si Kei na lumabas sa kusina at pumuntsa sa akin. Napangiti naman ako ng pumunta siya sa akin. "Pa, ito pala si Kei. Panganay namin." Nanlaki ang mata ni papa pero binigyan ko siya n

