TININGNAN nang masama ni Hannah si Zack matapos nitong halikan ng binata ang tungki ng ilong niya. Dahil sa kapilyuhan nito, sigurado siyang nasaksihan iyon ni Alex na tumikhim upang kuhanin ang atensyon nila. Dammit, they were just caught in the act and she doesn’t know how long he’s been there! Marahas niya tuloy itong itinulak pagkakita sa abogado niya saka ito pinandilatan para tumigil na ng pang-aasar dahil imbis kasi na lumayo sa kaniya ay umakbay pa ito sa kaniya sabay pisil sa balikat niya. “Stop it or I’ll kick your balls!” mahina ngunit seryosong banta niya. Gigil niyang inalis ang pagkakaakbay nito saka bumaling sa noon ay papalapit na si Alex. “Hindi ka ba marunong kumatok o tumawag man lang?” mataray na tanong niya nang nasa tapat na ito ng hapag-kainan. “I apologize,” kim

