Nagising ako nang kay aga-aga para mabalitaan kay Mia na wala kaming pasok ngayong araw. Matutuwa na sana ko nang may sabihin na naman siya; at iyon ay mayroon daw kaming mahalagang lakad na pupuntahan. Hindi niya sinabi kung saan basta gumayak na lang daw ako.
Naiinis man ay sinunod ko na lang ang instruction ni Mia sa 'kin. Gaya ng sinabi niya, isinuot ko ang ipinadala niyang dress sa bahay namin at nag-ayos. Wala man akong ideya kung ano ba talagang okasyon, o kung anong plano sa 'kin ng kaibigan ko, e wala na 'kong pakialam. Nanghinayang lang talaga 'ko sa pera na ginastos ni Mia para lang may maipadala siyang dress sa 'kin, kaya nakokonsensya 'ko kung hindi 'ko gagawin ang gusto niya.
Well, gano'n akong kaibigan. Ayoko namang sayangin ang effort ng kaibigan ko para sa wala. I mean, nagsayang siya ng pera tapos mapupunta lang din sa wala, 'di ba ang sakit no'n? Parang inapakan ang ego mo no'n, gano'n!
Ngayon nga ay nakagayak na 'ko. Mahigit dalawang oras din akong nag-ayos dahil alam niyo naman, minsan lang sa buhay ko ang may mangyaring gan'to, at minsan lang din ako mag-ayos kaya itinodo ko na. Sana lang talaga maayos itong plano ng kaibigan ko. Baka kasi mamaya todo ayos ako rito tapos pupunta lang pala kaming karinderya para kumain, o kaya pupunta lang ng arcade para maglibang.
Aba, e baka mabugbog ko na si Mia at tuluyan ko nang kalimutan na magkaibigan kami.
Speaking of the devil, ito na naman siya't tumatawag sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa kama at sinagot ang tawag.
[Babae, nasaan ka na? Kanina pa kami naghihintay rito. Ikaw na lang ang kulang.] Bungad niya.
"Kung hindi ka ba naman engot, e. Bakit kasi hindi mo sabihin sa 'kin kung nasaan kayo? Anong balak mo, hanapin ko kung nasaang sulok kayo ng Pilipinas, gano'n?" sarkastiko 'kong sagot.
[Ang init naman ng ulo nito,]dinig kong reklamo niya sa kabilang linya. [Punta ka rito sa bahay namin, nandito kami. Ten minutes lang ang ibibigay kong oras sa 'yo para makarating, ha? Bilisan mo!] At ibinaba na niya ang tawag.
"Nahiya ka pang gawing five minutes," naiiling kong bulong sa sarili bago lumabas ng bahay.
Agad naman akong nagpaalam kay Nanay na may pupuntahan ako. Sa tingin ko naman ay aware na si Nanay na aalis ako, kasi mukhang naipagpaalam na ko ni Mia rito. Basta huwag lang daw ako magpapagabi ng uwi, kasi nga naman delikado rito sa amin kapag gabi. Maraming adik at tambay sa eskinita kaya delikado kung maglalakad ako nang mag-isa. Baka maulit na naman ang nangyari sa 'kin noon, nakaka-trauma na!
Hatid ako ng tricycle na napara 'ko sa may lugar namin patungo sa bahay nina Mia na hindi naman ganoon katagal lakbayin. Within five minutes lang yata ay nakarating na 'ko sa kanila at dumiretsyo na 'ko agad sa loob ng bahay nila.
"Nasaan po si Mia?" tanong ko sa isa sa mga kasambahay nila.
"Ahh, nasa garden sila. Samahan na kita, Brianna." Sagot nito sa 'kin at tumango na lamang ako bilang sagot.
Nang makarating sa garden ay naabutan kong walang tao roon, walang bakas ng anino ni Mia ang naabutan ko. Hindi ko mapigilang magtaka at magtatanong na sana 'ko sa kasambahay nilang si Ate Linda nang biglang makita ko siya na kumakaripas ng takbo papasok sa loob.
Kumunot ang noo ko, "Anong mayroon? Ang weird naman ni Ate Linda, parang may nakitang multo kung makatakbo." Iiling-iling na sabi 'ko.
I found a love for me
Oh darling, just dive right in and follow my lead
Naagaw naman ng isang lalaking naggigitara habang kumakanta ang atensyon ko. Napaikot naman ako upang tingnan kung sino 'yon, at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko siya.
"A-Axel?" bulong ko sa sarili.
Nakangiti siya ngayon habang umaawit at hindi ko maipaliwanag kung bakit gano'n siya kung makatingin sa 'kin. Feeling-era lang ba 'ko o talagang nagagandahan lang talaga siya sa 'kin kaya ganiyan ang mga titig niya?
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes, you're holding mine
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favourite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect today
Tapos na siyang kumanta pero ako, mukhang hindi pa 'ko tapos tumulala sa kaniya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko ngayon.
Mas mabilis pa ang pagtibok nito kaysa noong unang beses kaming nagkita. Mas d-um-oble ang bilis nito; ngunit sa iisang tao lang siya tumitibok nang ganito kabilis.
"I like your outfit today," aniya habang nakatitig pa rin sa akin. Naglalakad siya nang unti-unti patungo sa 'kin habang hindi bumibitaw sa pagkakatitig. "But I like the woman wearing that outfit more."
Napalunok ako, at hindi 'ko mawari kung saang direksyon ako titingin. Parang bigla 'kong nawalan ng choice na tumingin sa iba, kundi dapat kay Axel lang.
Bakit ba siya gan'to? Bakit ba kinikilig ako sa mga sinasabi niya? Bakit parang kakaiba na talaga ang nararamdaman ko? Bakit parang may kung anong insekto ang nasa tiyan ko? Bakit feeling ko, nag-iinit ang pisngi ko?
What was all of these mean? Do I really fell in love with him?
Am I In Love?
---