Mabagal ang bawat hakbang ng kabayo, si Rannasha nasa unahan ni Khaki. Samantalang si Khaki naman ang may hawak ng rope at nag pagpapatakbo sa kabayo.
"Kuya Khaki, sa susunod na linggo na ang alis ko papuntang Amerika. Pa-utang naman ng isang million."
Aniya ni Rannasha dinadaan niya nalamang sa biro ang mga sinasabi niya, dahil masama ang kanyang loob. Malapit na siyang umalis at malalayo na siya kay Khaki. Maraming taon silang hindi magkikita at magkakasama.
"At bakit ka naman mangungutang? Wala ka bang pamasahe. Ang yaman ng umampon sa'yo. At isa pa mayaman rin ang totoong daddy mo. You are Reydon Scherrer's only child. So you will definitely inherit all his wealth. You are his only heir." Dagdag pa ni Khaki.
"Para hindi mo ako makalimutan at para lagi mo akong maalala. Diba, kapag may utang ang isang tao sayo ay hindi mo ito nakakalimutan. So ibig sabihin lagi mo ako maaalala kasi may utang ako sayo. I want you to always remember me, kuya Khaki."
Napailing naman si Khaki dahil sa mga pinagsasabi ni Rannasha.
"Ikaw? makakalimutan ko. That won't happen. Because you are the one I love." Mahinang bigkas ng binata.
"Hindi mo kailangan mangutang sa akin. Kahit malayo ka iisipin pa rin kita." Muling wika Khaki.
Dahil sa lawak ng Hacienda Rancho Del Valle ay nakarating na sila green falls. Hindi na nila namalayan na masyadong malayo na pala ang narating nila, takipsilim na rin kaya papadilim na ang paligid.
"Ito ba ang green falls? Napakaganda pala." Mangha na wika ni Rannasha habang nakatanaw sa falls.
Tahimik ang buong lugar tanging malakas na agos ng tubig mula sa mataas na talon ang naririnig rito. May mga insiktong humuhuni mula sa kakahuyan.
"Kuya Khaki." Mahinahon na tawag ni Rannasha sa binata.
"Hmmm...?
Tanging sagot ni Khaki habang pinapanood rin nito ang pagbagsak ng tubig mula sa talon.
"Hindi mo naman po ako kakalimutan, diba?" May pag-aalala sa boses ni Rannasha. Hindi mawala sa isip ni Rannasha na baka magkaroon si Khaki na bagong kaibigan na babae at kalimutan siya ng binata.
"Why would I forget you? Why would I forget the only princess in my life? No matter what happens, you are the only one in my heart, Rannasha. No woman can replace you in my heart. Remember that, my baby girl."
Aniya ni Khaki at sabay gulo sa buhok ni Rannasha.
"Kuya Khaki---" Mag rereklamo pa sana si Rannasha pero hindi na ito natuloy dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Ano ba yan, bakit biglang umulan. Ang ganda ganda ng panahon kanina." Aniya ni Rannasha.
"We have to go back. Baka lalong lumakas ang ulan." Saad ni Khaki at hinila na si Rannasha pabalik sa kabayo.
Basang-basa si Rannasha at Khaki ng makarating sa white house ng Rancho Del Valle. Doon sila pinatuloy ni Orion Del Valle. Sobrang laki at lawak ng white house, aakalain mo na isa itong palasyo sa laki.
"Susmeyo mga batang ito. Gabi na at basang-basang kayo. Saan ba kayo nanggaling? Yung mga kasamahan niyo kumain na ng hapunan." Aniya ng isang babaeng may katandaan na, may kasama itong isang binata. Nakatayo ang mga ito sa malaking pinto, at bahagyang binaba ang suot na salamin sa mata nito, upang titigan ng mabuti ang mukha ni Rannasha at Khaki.
"Ako nga pala si manang Merly, ang taga luto at pansamantalang mag-aasikaso sainyo dito." Pakilala ng babaeng matanda.
"At si Cloud ang apo ko." Dugtong pa ng ginang.
"Hmm, hello po manang Merly. Ako po si Rannasha. At siya naman po si kuy---"
"I'm Khaki Montenegro, I'm her boyfriend." Si Khaki na ang nagpatuloy sa huling sasabihin ni Rannasha.
Agad na binalingan ni Rannasha si Khaki, na puno ng pagtataka sa mukha nito.
"Ano daw? Totoo ba narinig ko? Boyfriend ko siya? Kailan pa naging kami?" Wika ni Rannasha sa isipan niya.
Sinabi ni Khaki ito dahil nahuli ni Khaki ang kakaibang titig ng apo ni Manang Merly kay Rannasha.
"Kung pwede lang ibulsa ang batang ito, ginawa ko na. Para wala ng ibang lalaking tumitig at makakita sa kanya." Wika rin ni Khaki sa kanyang isipan.
Gwapo itong si Cloud maganda ang kutis nito. Moreno pero makinis at mukhang may lahi dahil na rin sa magandang features ng mukha nito. Para itong isang latino.
"Mukhang nalalayo ang edad niyong dalawa. Pero may kasabihan nga na hindi sa edad nababase ang pagmamahalan ng dalawang tao." Turan ni manang Merly.
"Oh siya sige na, pumasok na kayo upang makapagbihis at makakain ng hapunan. Umakyat na kayo sa magiging silid niyo. Cloud, apo samahan mo sila sa magiging silid nila."
"Tara na." Tipid na sabi ni Cloud.
Nang makarating sila sa ikalawang palabag ay huminto sila sa isang pinto. "Ito ang magiging silid mo." Naka kunot noo na sabi ni Cloud at tinuro ang pinto ng magiging silid pansamantala ni Khaki.
"Ah, yung sa akin Cloud, saan ang magiging silid ko?" Nakangiting tanong ni Rannasha sa lalaki.
Agad nag bago ang reaksiyon ng mukha ni Cloud at matamis na ngumiti kay Rannasha. Nakita naman ito ni Khaki kaya agad siyang tumikhim.
"Alam mo bang karamihan sa mga tumititig kay Rannasha, ay nabubulag!" Seryosong wika ni Khaki.
"Bakit naman?" Mausisa na tanong ni Cloud.
"Dahil dinudukot ko mga mata nila! Kaya payo ko lang sa'yo. Don't stare at my girl!" Mariing wika ni Khaki sabay inakbayan si Rannasha.
"Nasaan ang magiging silid niya?" Tanong ni Khaki kay Cloud.
"Doon." Tinuro ni Cloud ang pinto na katapat lang ng silid ni Khaki.
"Alright, you can leave now." Taboy ni Khaki kay Cloud.
"Come on, baby girl, let's get dressed together." Nakangising sabi ni Khaki.
Malakas na siniko ni Rannasha ang tagiliran ni Khaki ng makarating na sila sa harap ng pinto.
"Anong, let's get dressed together? Gusto mo isumbong kita kay Daddy at papa." Nakataas ang kanang kilay ni Rannasha.
"Baby girl naman, nagjo-joke lang naman ako. Ito naman hindi ka na mabiro. Ikaw ha, namamana mo na ang pagiging bayolente ni ate Xyrish. Gangster ka narin ba? Masakit yung pag-siko mo ah."
"Eh, kasi naman. Bakit mo sinabi ang salitang iyon sa harapan ni Cloud. Baka anong isipin niya sa atin." Saad ni Rannasha.
"Hayaan mo siya mag isip, ng kung ano-ano. Ang importante ay hindi ka niya lalapitan at kakausapin." Sambit ni Khaki.
"Siguro ay sinasadya mo talagang sabihin ang salitang iyon sa harap ni Cloud."
"Yeah, admit, sinasadya ko talaga iyon. Pero huwag mong seseryosohin ang sinabi ko sayo kanina, na sabay tayong magbibihis. My respect for you is solemnity, like my love for you, Rannasha." Malumanay na wika ni Khaki.
"Hmmm. Eh, bakit papasok ka sa loob?" Nakapamewang na wika ni Rannasha.
"Diba, nasa bag mo ang damit ko. Kukunin ko lang." Sagot naman ni Khaki.
"Ay, oo nga pala. Sige kuya Khaki ako nalang kukuha. Diyan ka lang sa labas ng pinto."
Kinuha nga ni Rannasha ang kulay army green na t-shirt at kulay itim na cargo shorts ni Khaki. Hindi napansin ni Rannasha ang nalaglag na isang bagay na nakaipit mula sa t-shirt ni Khaki.
Bumalik siya sa pinto at inabot kay Khaki ang damit at shorts. Binuklat ni Khaki ang t-shirt kumunot ang noo niya ng mapansin wala roon ang nakaipit na isang bagay, ang kanyang brief. Tanging boxer niya ang natira roon.
"Wait." Wika ni Khaki.
"What?" Nagtatakang tanong naman ni Rannasha.
"Where is my brief ?"
"Your what?" Tanong ni Rannasha.
"My brief. Did you hide it?"
Uminit at namula ang buong mukha ni Rannasha dahil sa sinabi ni Khaki.
"What? No! Why should I hide your brief?" Hindi makapaniwalang sabi ni Rannasha.
"Aba malay ko, baka gusto mong isuot." Pang aasar pa ni Khaki kay Rannasha.
"Kuya Khaki naman eh, nang-aasar ka pa. Wala, hindi ko nakita. Baka naiwan doon sa bag ko, wait lang hahanapin ko."
Bumalik si Rannasha sa kama kung saan nakapatong ang leather backpack niya. Hinalungkat niya ito pero wala siyang nakita sa loob.
"Tsk! Baka kasi wala naman talaga siyang dalang brief." Mahinang wika ni Rannasha.
Bahagyang napayuko si Rannasha at doon niya nakita sa sahig ang hinahanap niya.
Pinulot niya ito at muling nag lakad balik sa pinto.
"Thank you baby girl, maligo kana at para magbibihis ka narin. Baka lagnatin ka." Aniya ni Khaki at kumindat pa kay Rannasha bago tumalikod.
Nang matapos maligo at makapag bihis si Rannasha ay lumabas siya ng silid. Nagtungo siya sa harapan ng pinto ng kwarto na tinutuluyan ni Khaki. Maka-ilang beses siyang kumatok bago bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Khaki. Basang-basa pa ang buhok nito at tumutulo pa.
"Tara kuya Khaki, sabay na tayong kumain." Yaya niya sa binata.
"Sure, baby girl."
Wika ni Khaki at lumabas na sa silid hinawakan niya ang kamay ni Rannasha at nag simula ng humakbang.
"Wait, basang-basa pa ang buhok mo hindi ka pa nag suklay. Teka lang."
Bumitaw si Rannasha sa kamay ni Khaki at muling pumasok sa loob ng silid. Nang bumalik ito dala na nito ang suklay at maliit na towel.
"Yumuko ka ng bahagya kuya Khaki."
Utos ni Rannasha kay Khaki. Sinunod naman ni Khaki ang utos ni Rannasha. Bahagya siyang yumuko upang maabot ni Rannasha ang ulo niya.
Inumpisahan ni Rannasha punasan ang ulo ni Khaki. Nang medyo matuyo ito ay sinuklay niya na ito.
"Okay, done." Usal ni Rannasha at muling umalis at bumalik sa silid.
"Napaka sweet naman ng batang iyon." Bigkas ni manang Merly.
Napalingon si Khaki kay nanay Merly at ngumiti.
"Hindi lang sweet, napakabait pa po niya." Saad ni Khaki.
"Kaya hindi ako magtataka na maraming lalaki ang magkaka-gusto sa kanya. Maganda at napaka bait pa."
Muling saad ni nanay Merly. "Nga pala bumaba na kayo dahil pinaghain ko na kayo ng makakain niyo. Yung mga basang damit niyo ako na ang bahala, lalabhan ko nalang." Wika ng ginang.
"Thank you nanay Merly."
"Walang anuman iho." Pumasok na si nanay Merly sa silid ni Khaki.
"Kumain ka ng marami. Ito, gusto mo ba?" Tanong ni Khaki kay Rannasha.
Pinagsasandok ni Khaki ng kanin at ulam si Rannasha. "Mukhang masarap, sige po kuya Khaki gusto ko yan."
Nilagyan rin ni Khaki ang mangkok ng soup, buti nalang at pinagluto sila mo nanay Merly ng soup, sakto sa malamig na gabi.
Masayang kumain ang dalawa nag ngingitian pa ang mga ito habang ngumunguya. Nang matapos na sila ay pareho na silang pumasok sa silid upang matulog. Tumila na rin naman ang ulan ngunit malamig pa rin.
Habang nakahiga si Rannasha sa kama ay tumunog ang cellphone niya, mula sa ibabaw ng bedside table. Kinuha niya ito at mula kay Khaki ang mensahe.
From Khaki: "Good night my princess. Dream of me, baby."
Rannasha smiled, and started typing on her cellphone.
"Good night to you too, kuya Khaki. I love you po." Rannasha replied
Simula bata pa ay nakasanayan na ni Rannasha ang mag 'I love you' kay Khaki. Kaya para sa kanya ay wala itong malisya.
Walang reply na natanggap si Rannasha kay Khaki. Siguro ay baka nakatulog na ito.
Ibinalik ni Rannasha ang cellphone sa bedside table. Makalipas ang sampung minuto ay tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napaupo sa kama at kinuha ang cellphone niya. Nadismaya siya ng makitang hindi mula kay Khaki ang message. Galing ito kay Vance.
From Vance: "Are you still awake?"
"Bakit naman kaya tinatanong niya kung gising pa ako. Ano kaya kailangan niya?"
"Yes, I'm still awake. Why kuya Vance?" Reply ni Rannasha.
From Vance: "Can we talk? I feel lonely and have no one to talk to. Can you join me?"
Hindi muna nag reply si Rannasha nag text muna siya kay Khaki.
"Kuya Khaki?"
Iyon ang ni-text ni Rannasha kay Khaki. Gusto niyang siguraduhin kung tulog na ba ito. Kapag nag reply ito sa text niya ay hindi niya pupuntahan si Vance.
Limang minuto ang lumipas ay walang siyang natanggap na tugon kay Khaki. "Tulog na siguro talaga siya. Wala naman sigurong masama kung makikipag-usap ako kay kuya Vance. Nalulungkot siya at kailangan niya ng kausap, kaibigan ko naman siya." Nag reply si Rannasha kay Vance.
"Okay, where are you? I'm going to see you."
From Vance : "I'm here in the garden, near the fountain."
Dahan-dahan lumabas si Rannasha sa pinto. Marahan lang kanyang bawat hakbang upang hindi makalikha ng kahit anong ingay.
Nang makababa si Rannasha sa hagdan ay nakasalubong niya si nanay Merly. Ngumiti ito sa kanya at tinanong siya nito.
"Saan ka pupunta, iha?" Tanong ng ginang kay Rannasha.
"Hmmm... Hindi po kasi ako makatulog nanay Merly pwede po ba ako maglakad-lakad sa labas?"
"Pwede naman iha, pero malamig at umaambon pa sa labas. Baka siponin ka tagnatin." Wika ng ginang.
"Parang hindi naman na po umaambon. Mabilis lang po ako nanay Merly, papasok po agad ako."
"O siya Sige iha, i-lock mo ng mabuti ang pinto, kapag pumasok ka na."
"Okay po nanay Merly. Thank you po."
Lumabas na ng pinto ng white house si Rannasha. Nangmakarating siya sa fountain ay nasipat agat ng kanyang mata si Vance. Naka white sando ang lalaki sa pang ilalim naman nito at black sweatpants.
Ang kaninang nalulumbay na mukha ni Vance ay biglang lumiwanag ng makita si Rannasha.
Nang makalapit si Rannasha ay bigla nalang siya niyakap ni Vance. Nabigla naman si Rannasha sa ginawa ni Vance.
"Kuya Vance..."
Mahinang usal ni Rannasha at bahagyang itinutulak si Vance. Ngunit bigo siya dahil masyadong mahigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.
"Thank you for being here, Rannasha." Malungkot na sabi ni Vance.
Nakaramdam ng awa si Rannasha, para kay Vance. Alam niyang may problema ang lalaki. Siguro ay wala itong mapagsabihan ng sama ng loob, kaya siya ang tinawagan nito.
"Okay ka lang, kuya Vance?"
Mahinahon na tanong ni Rannasha kay Vance. Marahang umiling si Vance at humiwalay ng pagkakayakap kay Rannasha.
Mahigit isang oras inabot ang pakikipag-usap ni Khaki sa cellphone. Si Orion Del Valle ang kausap niya mula pa kanina. Si Orion pala dapat ang isa sa mga ka-meeting niya ngayong araw pero pina-cancel niya ito. Buti na lang at nandito siya ngayon sa Rancho Hacienda Del Valle. Bukas ay tutungo siya sa mansion ng Del Valle.
Habang patuloy sa pakikipag-usap si Khaki kay Orion mula sa kabilang linya, ay nagtungo siya sa labas ng terrace.
"All right, Mr. Del Valle. Let's talk about that tomorrow."
Aniya ni Khaki habang nakikipag-usap ito kay Orion Del Valle ay inilibot niya ang kaniyang paningin sa ibaba ng malawak na garden ng white mansion. Patalikod na si Khaki upang bumalik sana sa loob ng kwarto, ng mahagip ng kanyang mga mata ang dalawang pigura doon sa fountain.
Halos magdikit ang kanyang mga kilay dahil sa pagkakakunot ng kanyang noo. Pinapanood ni Khaki ng maigi ang bawat kilos ni Vance.
Tumiim ang bagang ni Khaki ng biglang halikan ni Vance sa labi si Rannasha. Mariing napakuyom ang kanyang kamao.
"Mr. Del Valle, I will call you tomorrow." Bigkas ni Khaki at biglang pinatay ang tawag.
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag labas ni Khaki sa silid. Nang-gigigil siya ngayon at gusto niyang manapak ng tao.
Mabigat ang bawat paghinga ni Khaki labis siya kinakain ng selos. Hindi niya matanggap na may ibang lalaking humalik kay Rannasha.
Hindi nakapag react si Rannasha dahil masyado siyang nabigla sa ginawa ni Vance. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Rannasha, hindi dahil kinikilig siya. Kundi dahil sa kaba na nararamdaman niya. Hindi siya sigurado pero, parang nahagip ng kanyang paningin si Khaki na nakatayo mula sa terrace ng silid na tinutuluyan nito.
Pilit niyang itinulak si Vance at sa wakas ay nabitawan siya nito.
"Kuya Vance? Why did you kiss me?"
"I'm sorry Rannasha, I didn't mean to kiss you. Please, huwag mo akong iiwasan."
"Pero bakit mo nga ako hinalikan?" Naguguluhang tanong ni Rannasha.
"Kasi, mahal kita Rannasha. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para sayo." Deretsahan na sagot ni Vance sa dalaga.
"Pero, hindi iyan ang priority ko sa ngayon kuya Vance. Masyado pa akong bata para sa ganiyang bagay. Wala kang karapatan halikan ako. Kung hindi mo kayang pigilan nararamdaman mo, siguro, dapat na kitang iwisan."
"No! Please, Rannasha don't. Mag hihintay ako kahit gaano katagal. Hihintayin kita hanggang sa pwede na kitang ligawan. Mag hihintay ako hanggang sa pagbabalik mo." Wika ni Vance, ang mga mata nito ay puno ng pagsusumamo.
"Hindi. Huwag mo na akong hintayin kuya Vance. Kasi... Meron ng nagmamay-ari ng puso ko. Nangako ako sa kanya na kapag nasa tamang edad na ako. Siya lang ang mamahalin ko. Nangako ako sa kanya na, sa kanya lang ako. Mahal ko siya kaya, hindi ko tatanggapin ang pag-ibig mo."
Parang binagsakan ng malaking bato si Vance, dahil sa sinabi ni Rannasha.
Hindi niya lubos akalain na sa batang edad nito, ay may minamahal na ito.
"Who? Please tell me, I want to know, who is that lucky guy." Tanong ni Vance.
Mariing kinagat ni Rannasha ang ibabang labi niya bago muling nag salita.
"Si Kuya Khaki. Sa kanya ko ipinangako ang puso ko. Kaya siya lang ang lalaking gusto kong mahalin sa tamang panahon." Iba ang kislap ng mga mata ni Rannasha ng sinabi ang mga katagang iyon. Alam niya sa kanyang sarili na mahal niya si Khaki. Hindi niya lang ito inaamin sa binata, dahil masyado pa siyang bata para pasukin ang isang relasyon. Marami pa siyang dapat unahin. May kasabihan nga ang pagmamahal ay nakakapaghintay.
Hindi makapaniwala si Vance at napailing pa ito. "Ang swerte ng hayop!" Saad ni Vance habang umiiling-iling.
"I'm sorry kuya Vance, sa ibang babae mo nalang ibigay ang pagmamahal mo." Turan ni Rannasha.
Tumitig si Vance kay Rannasha at ngumisi. "Hanggat hindi nagiging kayo ng gagong iyon, aasa pa rin ako. Liligawan pa rin kita, Rannasha at hindi mo ako mapipigilan. Aagawin kita kay Khaki!" Nakangising sabi ni Vance pero ang mga mata nito ay nakatuon sa likuran ni Rannasha, na parang may inaasar.
"Ang tindi mo rin, Gago ka! Who gave you permission to kiss my girl?!"
Napalundag sa sobrang gulat si Rannasha dahil sa nakakatakot na boses ni Khaki. Agad siyang humarap kay Khaki kita niya ang galit sa mga mata nito.
"Kuya Khaki, please, halikana pumasok na tayo sa loob." Niyakap nalang ni Rannasha ng napakahigpit sa baywang si Khaki upang hindi ito makakilos. Alam niyang hindi sapat ang lakas niya upang pigilan si Khaki kung sakaling sugurin man nito si Vance.
Dinuro at tinitigan ni Khaki si Vance. Titig na may halong babala.
Hinawakan ni Khaki si Rannasha sa braso at hinila papasok sa loob. Kulang nalang at kargahin nalang ni Khaki si Rannasha. Sa haba ng biyas ni Khaki ay hirap sabayan ni Rannasha ang bawat hakbang nito. Lalo ng nasa hagdan na sila ilang beses napatid si Rannasha, mabuti na lang ay hawak siya ni Khaki.
Sa tinutuluyan na silid ni Khaki dinala si Rannasha hindi maipinta ang mukha ng binata.
"Naku po, tiyak na pagagalitan na naman ako ng gurang na'to." Wika ni Rannasha sa isipan.
Nang maisarado ni Khaki ang pinto ng silid. Ay isinandig niya sa likod ng dahon ng pinto si Rannasha.
Itinukod ni Khaki ang mag kabilaang kamay niya sa dahon ng pinto. Upang ikulong sa kanyang bisig si Rannasha. Yumuko siya upang makita ang mukha ni Rannasha, pero nakayuko rin ang dalaga.
"Damn it Rannasha, look at me!" Ma-awtoridad na utos niya sa dalaga.
Agad naman tumingala si Rannasha at tumitig sa mga mata ni Khaki. Ilang beses si napapalunok si Rannasha dahil sa mga titig ni Khaki. Pati yata kaluluwa niya ay gustong humiwalay sa katawan niya at tumakbo papalayo.
"Ngayon sabihin mo sa akin. Bakit ka lumabas ng kwarto at bakit kasama mo si Vance?" Mahinahon na tanong ni Khaki kay Rannasha.
"Hindi lang ako nakapag reply sa message mo, nakipag kita kana kay Vance." Dagdag pa ni Khaki.
"Kasi, ano. Hmmm..." Hindi alam ni Rannasha kung paano uumpisa. Hindi niya alam kung ano ang ipapalusot niya.
"I'm sorry, kuya Khaki. Kasi---"
"I don't care what you do outside. Pero putangina! Rannasha! Why did you let him kiss you?!"
"Sorry kuya Khaki. Kahit ako, nabigla sa ginawa niya. Hindi ko naman alam na gagawin niya yun."
Kaunti na lang talaga ay iiyak na si Rannasha. May kasalanan naman siya kung naging maagap siya, hindi sana siya mahahalikan ni Vance.
"Mag pasalamat ka, dahil kinilig ako sa mga sinabi mo kanina. Dahil kung hindi, baka inilibing ko na sa lupa ang mukha ng gagong iyon!"
Napatanga si Rannasha. Narinig ni Khaki ang lahat ng mga sinabi niya kay Vance kanina?
"Narinig mo ang mga sinabi ko kanina?" Paniniguro ni Rannasha kay Khaki.
"Yeah, narinig ko, lahat. Malinaw pa sa future ng Vance na iyon. Totoo ba ang lahat ng mga sinabi mo kanina? Please... Rannasha sabihin mo na totoo lahat ng iyon. Kasi panghahawakan ko ang mga sinabi mo." Aniya ni Khaki.
"Hindi, sinabi ko lang iyon sa kanya para iwasan niya ako at hindi niya na ako kulitin." Pagsisinungaling ni Rannasha.
"Totoo man o hindi, ang mga sinabi mo. Ang importante kinilig ako." Nakangising sabi ni Khaki.
"Halika mag toothbrush ka na." Aniya ni Khaki at marahang hinila si Rannasha patungo sa banyo.
"Kuya Khaki nakapag toothbrush na po ako, kanina pa."
"Mag toothbrush ka ulit! Hinalikan ka ng gagong iyon. Ayoko ng may humahalik sa labi mo." Saad ni Khaki.
"Pero kuya Khaki, nasa kabilang silid yung toothbrush ko."
Hindi na nakapag reklamo si Rannasha ng hilahin na siya ni Khaki sa loob ng banyo.
"Sayo naman itong toothbrush eh, tapos ipapagamit mo sa akin. Hindi ka ba nadidiri. Gagamitin ko ito, tapos gagamitin mo rin."
"Bakit ako madidiri? Nag kiss na rin naman tayo no'on, diba. Kaya walang kaso. Ang importante ay mawala yung rabies ng asong humalik sayo." Turan ni Khaki at nilagyan ng toothpaste ang toothbrush.
Namula ang buong mukha ni Rannasha dahil sa sinabi ni Khaki. Bakit kasi pinaalala pa sa kanya ni Khaki ang kiss nilang dalawa. Ayan nag init ang buong mukha niya.
"Bakit kasi hinalikan mo ako no'on."
Sambit ni Rannasha hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ni Khaki.
"Bakit kita hinalikan? Kasi mahal kita, Rannasha." Seryosong sabi ni Khaki.
Lalong namula ang buong mukha ni Rannasha. Hindi na siya mapakali sa kinatatayuan niya.
"Bago ka kiligin diyan, mag toothbrush ka muna. Baka malunok mo pa yung rabies ng asong iyon. Ibuka mo ang bibig mo ako na mag sisipilyo sayo." Wika ni Khaki.
"Kuya Khaki, kaya ko na po. Ako na."
Walang nagawa ang parereklamo ni Rannasha. Si Khaki ang nag toothbrush sa kanya, pati labi niya ay dinadaan ng toothbrush. Kulang na nga lang ang masugat ang labi niya.
Nang matapos mag mumog si Rannasha ay nabigla siya sa ginawa ni Khaki.
Bigla kasi siyang hinalikan ni Khaki sa labi. Mabilis lang naman, pero nawindang siya doon.
"Kuya Khaki, bakit mo ako hinalikan. Ang daya mo, lagi mo akong ninanakawan ng halik." Reklamo ni Rannasha.
"Para mamatay yung bad rabies at mapalitan ng good rabies." Nakangising sabi ni Khaki at lumabas na ng banyo.
Ilang minutong nakatayo si Rannasha sa harapan ng salamin ng banyo.
"Minsan ang weird niya talaga. Bigla-bigla nalang nagagalit. Pero ang bilis naman niyang kumalma. Ang bilis niyang magpalit ng mood." Mahinang sabi ni Rannasha.
"Tulala ka na naman. Ang talagal mo lumabas ng banyo. Ano, gusto mo bang matulog katabi ako." Biro ni Khaki kay Rannasha at ngumisi.
"Ayoko nga tumabi sayo. Lagi mo nalang akong hinahalikan." Saad ni Rannasha at mabilis na lumabas ng banyo.
Patakbong tinungo ni Rannasha ang pinto.
"Good night, baby girl." Kumaway pa si Khaki kay Rannasha.
"Good night, Kuya Khaki." Sambit ni Rannasha at lumabas na ng pinto.
Saktong paglabas niya sa kwarto ay nasa pasilyo si manang Merly. Nagkagulatan pa ang dalawa, pero si nanay Merly ang unang nakabawi.
"Susmaryusep! Na bata ka nagugulat ako sayo. Akala ko naroroon ka pa sa labas. Teka, anong ginawa mo sa loob ng silid na iyan?" Usisa ng matanda.
"Ah, hehehe, nakigamit po ako ng toothbrush kay kuya Khaki." Saad ni Rannasha habang tumatawa ng mahina.
"Sige po nanay Merly, good night po."
Mabilis nag paalam si Rannasha sa ginang at pumasok ng silid.
Napakamot nalang ng batok ang matanda at umalis na rin.