"Oh My God!"
Natatarantang napabangon si Rannasha at tumalon pababa ng kama.
Alas nuwebe na ng umaga at naalala niya na meron silang usapan kagabi ng kanyang ama. Mamayang alas diyes kailangan niyang makipagkita sa isa sa mga kliyente ng kanyang ama. Natuon ang mga mata niya kay Khaki mahimbing ang tulog ng binata. Wala itong suot na damit pang itaas nanlaki ang mga mata ni Rannasha ng maalala ang nangyari kagabi.
Labis nag init ang buong mukha ni Rannasha sa kaganapan kagabi sa pagitan nilang dalawa ni Khaki. Muntik ng may mangyari sa kanilang dalawa. Maigi nalang at nakapagpigil si Khaki, dahil kung hindi baka warak na ang bulaklak na perlas. At isa pa hindi pa sila ni Khaki hindi pa nga ito nanliligaw sa kanya. Pangit naman kung mauna pa ang wrestling, bago ang ligawan. Mahal niya si Khaki kaya ni Rannasha ibigay ang buong pagkatao niya sa binata. Pero masyado pang maaga at tulad ng nasa isip niya. Hindi pa sila ni Khaki.
Mariing nakagat ni Rannasha ang ibabang labi niya. Lasing siya kagabi pero detalyado sa kanyang isip ang bawat mainit na paghaplos ng palad ni Khaki sa kanyang balat. Ang mainit na halik ni Khaki sa kanyang labi, ang pagdampi ng labi nito sa kanyang leeg na nagdulot ng kakaibang init sa kanyang katawan. Ang bawat pagbigkas ni Khaki ng pangalan niya na parang musika sa kanyang pandinig.
"Rannasha."
"Ay bakulaw!" Napatalon sa gulat si Rannasha ng marinig ang boses ni Khaki. Hindi niya napansin na gising na pala si Khaki at nakatitig ito sa kanya.
Biglang tinakpan ni Rannasha ang kanyang dibdib gamit ang dalawang braso niya. White T-shirt ang suot niya at medyo manipis. Bakat ang dalawang bundok niya kaya tinakpan niya ito.
Ngumisi si Khaki dahil sa ginawa ni Rannasha.
"Kung makapagtakip ka naman diyan. Nakita ko at napiga ko nayan kagabi, kaya anong dahilan para itago sa akin yan." Wika ni Khaki at lalong ngumisi.
Lalong uminit ang magkabilang pisngi ni Rannasha, dahil sa mga sinabi ni Khaki . Oo naalala niya ang ginawa niyang kagagahan kagabi. Naghubad siya sa harapan ni Khaki tamad na tamad na siyang kumilos kagabi. Ang bigat ng katawan niya at gusto na lang niyang humiga.
"Be thankful because I was able to control myself last night. Because if not. You might not be able to walk." Wika pa ni Khaki na halatang inaasar na lang si Rannasha.
Napatakip ng dalawang palad si Rannasha sa kanyang mukha. Nagpapa-padyak ito dahil sa kahihiyan. "Stop that, kuya Khaki." Wika ni Rannasha.
"What did I tell you last night? Stop calling me, kuya Khaki." Seryosong sabi ni Khaki.
"Bahala ka! Kapag hindi ka tumigil sa pang-aasar sa akin. Tatawagin kitang kuya." Nagmamaktol na sabi ni Rannasha.
"Hahalikan kita kapag tinawag mo ulit akong kuya. Ayaw mo naman sigurong madagdagan ang pamamaga ng labi mo." Saad muli ni Khaki.
Biglang tumakbo si Rannasha patungo sa banyo. Humalakhak nalang ng malakas si Khaki.
Sa harapan ng salamin ay sinuri ni Rannasha ang labi niya. Namamaga nga ito ay may maliit na sugat sa bandang gilid.
"Oh Gosh! Paano ako haharap sa kliyente nito." Bigkas ni Rannasha at napakamot ng ulo.
"Kasi Naman eh, nagkamali lang ako ng halik pinatulan niya naman agad. Basta talaga halik ang bilis-bilis niyang kumilos. Kung makahalik siya kagabi parang wala ng bukas. Ayan! Namaga tuloy ang labi ko, ikaw ba naman halikan hanggang madaling araw." Aniya ni Rannasha at naghilamos ng mukha.
Nakasimangot na binuksan ni Rannasha ang pinto. Sapo niya ang kanyang ulo dahil bahagya itong kumikirot sa loob. Pakiramdam niya ay puputok ang ulo niya dahil mas lalo itong sumakit ngayon.
Paglabas niya ng banyo ay wala na si Khaki sa loob ng kwarto baka lumabas na ito.
Tinungo ni Rannasha ang glass center table. Kung saan naroon nakapatong ang bag niya.
Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag at tinawagan ang kanyang ama. Nais niyang ipaalam na hindi niya masisipot ang kliyente nila mamayang alas diyes. Ilang sigundo ang tinagal bago sagutin ni Reydon ang cellphone.
"Yes, my beautiful daughter? Do you need anything? Are you going now to the place where you will meet Mr. Xavier?" Bungad sa kanya ni Reydon mula sa kabilang linya.
"Papa, yun na nga po ang problema ko ngayon. Hindi ko masisipot si Mr Xavier mamayang alas diyes. Kakagising ko lang at may hangover pa ako. I'm sorry po Papa."
"It's okay, darling. Magpahinga ka nalang muna diyan. Ako na ang bahala kay Mr. Xavier. " Saad ng kanyang ama at nawala na sa kabilang linya.
"Si Amella? Where did she sleep last night?"
Biglang naalala ni Rannasha si Amella. Nasaang kaya ang kaibigan bigla na lang kasi nawala si Amella kagabi.
Tinawagan ni Rannasha si Amella agad naman may sumagot sa kabilang linya. Pero hindi boses babae. Kundi isang lalaki, pamilyar sa kanya ang boses nito.
"Hey, little bunso."
Masiglang wika ng lalaki sa kabilang linya.
"Kuya Maverick?" Hindi makapaniwala si Rannasha. Paano napunta kay Maverick ang cellphone ni Amella. "Hindi kaya magkasama ang dalawa? Pero paano?" Mga tanong sa isip ni Rannasha.
"Kuya Maverick, magkasama kayo ni Amella?" Tanong ni Rannasha.
"Yup, pero nang magising siya kanina ay nagmamadali din siyang umalis. Naiwan ang cellphone niya dito sa bahay." Turan ni Maverick.
Naguguluhan si Rannasha at marami pang gustong itanong kay Maverick. Pero mas pinili niya nalang itikom ang bibig si Amella na lamang ang tatanongin niya mamaya. "Pwede ko bang daanan na lang diyan sa bahay mo ang cellphone ni Amella?"
"Sure, my little bunso." Saad ni Maverick.
Nang matapos magusap si Rannasha at Maverick ay lumabas na ng silid si Rannasha.
Habang pababa sa hagdan si Rannasha ay na langhap niya ang mabangong amoy ng pagkain na niluluto ni Khaki. Bigla tuloy kumalam ang sikmura niya at nakaramdam ng gutom. Napahimas siya sa kanyang tiyan.
Papunta na sana siya ng dining room ng may nag doorbell sa labas ng pinto ng penthouse ni Khaki. Nag madali siyang humakbang at hinayon ang pinto. Binuksan niya ito bumungad sa harapan niya ang sampung lalaki. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng itim na tuxedo. Matatangkad din ang mga ito. Pero natuon ang atensyon niya sa lalaking nasa unahan at harapan niya mismo. Naka-kunot ang noo at nakatitig ito kay Rannasha. May sinasabi ito pero hindi iyon narinig ni Rannasha dahil halos pabulong itong nagsasalita. Bigla din itong nag-iwas ng tingin na hindi niya alam kung bakit.
Ang ibang lalaki naman ay nanatiling nakatulalang nakatitig kay Rannasha na parang nakakita ng dyosa.
"Where are your eyes looking?" Seryosong boses ni Khaki mula sa likuran ni Rannasha at isa-isang tiningnan ng matalas ang mga tauhan.
Agad naman tumingin sa ibang dereksyon ang mga ito. "Oy, ang ganda ng halaman. Halatang alaga sa dilig."
Saad ng isang tauhan ni Khaki at kunwari ay sinusuri ang halaman at bulaklak na nasa labas ng gilid ng pinto.
"Ang ganda din ng pagkakapintura ng dingding na ‘to. Halatang mamahaling pintura ang ginamit napakakinis at pino." Turan naman ng isang lalaki at bahagyang hinaplos ang dingding.
"Putangina! Naka-apak yata ako ng tae!" Bigkas din ng isa pang lalaki at tumalikod ito at naglakad papunta sa Bermuda grass.
"Hoy! Gago! Hintayin mo ako, sasama ako." Humabol ang isang lalaki sa kasama nito.
"Boss naman, alam mo bang inabot ako ng umaga para lang hanapin si Miss Rannasha. Lahat yata ng bars and clubs ay napuntahan ko. Hindi mo manlang ako tinawagan na magkasama na pala kayong dalawa. Anniversary wedding pa naman namin ni misis kahapon. Nangako ako sa kanya na mag di-date kami kagabi. Sa sobrang pagmamahal sa akin ni misis ay pinagbalot niya tuloy ako ng damit at pinagbakasyon ng isang buwan." Wika ni Hernan at nilapag ang maleta.
Bumaling si Rannasha kay Khaki at pinaningkitan ang binata. "Seriously? Initusan mo siyang hanapin ako, tapos hindi mo manlang siya tinatawagan kagabi, upang ipaalam na magkasama na tayong dalawa. Look at him, bakas ang pagod at puyat sa kanyang mukha." Wika ni Rannasha.
"Oh, Fine. I'm sorry, okay? Kapag kasi ikaw ang kasama ko nakakalimutan ko na ang lahat. Even my name, I forget because of you. Your name is the only thing I can't forget." Bigkas ni Khaki.
"Hmnp! Huwag ka sa akin humingi ng paumanhin. Sa kanya. At isa pa huwag mo ako dadaanin diyan sa mga banat mo. Akala mo naman, kinikilig ako." Saad ni Rannasha pero ang totoo kinikilig naman talaga siya.
"Sorry huh, kung hindi ka kinilig. Hindi halatang namumula ang magkabilang pisngi mo." Nakangising sabi ni Khaki.
"Two million, for your tiredness all night. And I will also pay for the hotel where you want to date your wife. Is that okay with you?" Wika ni Khaki kay Hernan.
"Hindi na pala ako pagod at puyat. Biglang nawala ang sakit ng katawan ko. Kulang lang siguro ako sa vitamins. May iuutos ka paba, Boss?" Malapad ang pagkakangiti ni Hernan na parang nanalo sa Lotto.
"Tsk! Wala na. Umuwi ka na at suyuin mo ang iyong asawa bago pa tuyuin." Wika ni Khaki kay Hernan.
"Si Jovani muna ang isasama ko sa Boracay ngayon. Relax and enjoy your date with your wife." Saad muli ni Khaki.
"Oooy. . . Mag di-date sila ng asawa niya. Make good memories with her. Make the most of every time you two spend together. That is the most important thing. Enjoy your date with your wife." Nakangiting sabi ni Rannasha na may nanunudyo sa boses nito.
"Thank you, Miss Rannasha. " Wika ni Hernan.
"Ako rin napuyat at pagod na pagod. Grabe sumasakit ang katawan ko." Wika ni Jovani na halatang pinaparinggan si Khaki.
"Pagod ka? Pwede ka na mag resign sa trabaho mo. Para hindi ka mapagod. " Saad ni Khaki.
"Joke lang Boss." Turan ni Jovani. Nagtawanan naman ang ibang tauhan ni Khaki.
"At ikaw naman, pumunta ka na ng dinning room, mag usap tayo." Sabi ni Khaki kay Rannasha. Naka-kunot na naman ang noo nito.
"Masungit na naman po siya." Mahinang bigkas ni Rannasha at sumunod kay Khaki.
Nadatnan ni Rannasha si Khaki na naglalagay ng plato sa dining table. Nakasimangot si Khaki na parang hindi maipinta ang mukha. "What is his problem? Ang bilis niya talagang magbago ng mood." Mahinang sabi ni Rannasha.
Biglang nag angat ng tingin si Khaki agad naman yumuko si Rannasha. Hindi niya kayang salubungin ang nakakatunaw na mga titig ni Khaki.
"Why are you talking to my men, dressed like that? Did you forget that you are wearing thin clothes? The shorts you are wearing are too short." Galit na sabi ni Khaki.
"Ano bang mali sa suot ko?" Pagmamaldita ni Rannasha, naiinis siya masyadong seloso itong si Khaki wala naman siyang ginagawang masama.
Inilapag ni Khaki ang mga kutsara't tinidor sa plato ng malakas. Lumikha ito ng kaunting ingay. Mariing napapikit ng mata si Rannasha ng marinig ang mga yabag ni Khaki palapit sa kinatatayuan niya.
"You want to know what's wrong with what you're wearing." Saad ni Khaki at biglang isinandig si Rannasha sa dingding.
"You are not wearing a bra, baby." Bulong ni Khaki sa tainga ni Rannasha. Ngayon lamang napagtanto ni Rannasha na wala siyang suot na bra.
"Sorry."
Iyon nalang ang nasabi ni Rannasha.
"I'm not angry at you. Ayoko na mabastos ka. And I want to be the only one to see that. And no one else! Do you understand, baby?"
Tumango si Rannasha bilang sagot pero sumimangot ito ng husto. "Kung makapag demand ka dyan akala mo naman boyfriend kita." Wika ni Rannasha at inirapan si Khaki.
"Sagutin mo na kasi ako, para akin ka na." Nakangising sabi ni Khaki at kumindat pa kay Rannasha.
"Aba! Ano ka sinuswerte? Paghirapan mo ang matamis kong, OO. Magpapakipot ako, kasi maganda ako." Saad ni Rannasha.
"Hindi pa ba sapat, simula nung kinder at second year high school ka hatid sundo kita. Bata ka palang nililigawan na kita." Biro ni Khaki kay Rannasha.
"Hala! Hindi counted yun. Bata pa po ako nun. Mas matanda ka sa akin pero ginugulangan mo ako." Turan ni Rannasha. Humalakhak ng malakas si Khaki sa sinabi ni Rannasha.
"Joke lang. Ikaw pa ba. Kayang-kaya ko maghintay sayo Rannasha. Papahinugin pa kita hanggang sa sagutin mo ako."
"Papahinugin talaga? Anong akala mo sa akin prutas? Halikana nga kumain na tayo. Gutom lang yan." Aniya ni Rannasha at hinila na si papunta sa dining table.
"Coffee?" Alok ni Khaki kay Rannasha.
Tumango si Rannasha at kinuha ang tasa na hawak ni Khaki. Habang abala sa pag-nguya ng pagkain si Rannasha hindi niya alam na matamang nakatitig sa kanya si Khaki. Nag angat ng ulo si Rannasha at doon niya nahuli si Khaki.
"What?" Na-co-conscious na tanong ni Rannasha. Naiilang tuloy siya para hindi niya malunok ang pagkain sa loob ng bibig niya.
"Nothing. Iniisip ko lang kung ilan kaya ang magiging anak natin, in the future." Sabi ni Khaki.
"Grabe huh, ang layo ng nararating ng isip mo. Ang tanong, tayo kaya ang hanggang dulo?"
Kumunot ang noo ni Khaki sa tinuran ni Rannasha. Huminto siya sa kanyang nginunguyang pagkain.
"What do you mean?" Tanong ni Khaki, tumaas pa ang isang kilay nito.
"You know. Nothing is permanent in this world. Everything in this world is temporary. Sometimes, even a person's love has a tendency to disappear. Yung akala mo na, ako ang babae para sayo. Pero sa dulo hindi pala tayo nakatadhana sa isa't-isa. Paano kung may babaeng nakaalan para sayo, pero hindi pala ako ang babaeng yun."
Sandaling napa-isip si Khaki sa sinabi ni Rannasha. Nangalumbaba si Khaki at pinagkatitigan si Rannasha.
"Yes, you have a point. Nothing is permanent in this world. But my love for you is not temporary. My love for you is endless. Isipin mo, halos six years ka wala sa tabi ko. Kung may babaeng nakatadhana sa akin, bakit hindi siya dumating nung wala ka. Isa lang ang ibig sabihin, ikaw yung babaeng para sa akin. No matter what happens. My heart is still yours."
At dahil sa mga sinabi ni Khaki ay kinilig na naman si Rannasha. "Wag kang ganyan, baka bigla kitang sagutin." Turan ni Rannasha at muling sumubo ng pagkain.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani ng tumunog ang cellphone ni Khaki. Si Indigo ang tumatawag agad sinagot ni Khaki ang tawag.
"Yes?"
"Are you coming? Today is my birthday and I need someone to talk to." Saad ni Indigo.
"Oo, pupunta ako. At kung anuman ang problemang dinadala mo. Pagusapan natin yan mamaya pagdating ko dyan." Wika ni Khaki. Best friend niya rin si Indigo kilala niya ito kapag may problema. Dahil siya lagi ang kinakausap nito at pinaglalabasan ng sama ng loob. Mababakasan sa boses ni Indigo ang bigat ng problema na dinadala nito.
"Pupunta ka ng Boracay?" Tanong ni Rannasha kay Khaki.
"Hmmm . . . Yes, Today is Indigo's birthday."
"Can I come with you?"
"Call me by my name first, at isasama kita sa Boracay." Aniya ni Khaki. Kanina pa kasi napapansin ni Khaki na hindi siya tinatawag ni Rannasha sa pangalan niya. Siguro ay baka nahihiya ito, dahil nasanay ito noon na kuya ang tawag sa kanya.
"Kailangan talaga, may magic word? Eh, nahihiya ako." Sabi ni Rannasha. Hindi pa siya sanay tawagin ang binata sa pangalan nito.
"If you can't. Just kiss me." Wika ni Khaki at ngumisi. Sigurado siyang mas pipiliin ng dalaga na tawagin siya sa pangalan, kaysa halikan siya sa labi.
Pero nagkamali si Khaki dahil biglang tumayo si Rannasha mula sa pagkaka-upo, umikot ito papunta sa likuran ng inuupuan niyang silya. Dumukwang si Rannasha upang magpantay sila ni Khaki. Hinalikan siya ni Rannasha sa pisngi.
"I want a kiss on my lips." Panunukso ni Khaki sa dalaga.
Umupo si Rannasha sa hita ni Khaki at kinabig ang batok ng lalaki at sabay halik sa labi ni Khaki.
Hindi simpleng halik ang ginawa ni Rannasha, kaya mainit din na halik ang tinugon ni Khaki. Hinapit ni Khaki ang baywang ni Rannasha at mas lalong idiniin ang kanyang katawan sa katawan ni Rannasha.
"Hmmm!" Ungol ni Rannasha ng ipasok ni Khaki ang kamay nito sa loob ng t-shirt na suot niya. Bahagyang humahaplos ang mainit na palad ni Khaki sa tiyan ni Rannasha paakyat sa dibdib ng dalaga.
"Ah, dumaan lang sana ako dito para makikain ng almusal at maki-kape. At ibigay ang cellphone ni Amella. Pero, ibang breakfast pala ang aabutan ko."
Boses ni Maverick ang nagpatigil sa paghahalikan ng dalawa. Agad na umalis si Rannasha mula sa mga hita ni Khaki.
"Kuya Maverick? What are you doing here?" Tanong ni Rannasha kay Maverick.
"Dalaga ka na talaga little bunso. Ikaw naman, pare. Pwede naman sa kwarto bakit dito sa dining area. Ano plano nyo gawing kama ang dining table?" Nakangising sabi ni Maverick at naglakad palapit sa isang silya. Hinila ni Maverick ang silya at umupo roon.
"Gago! Anong ginagawa mo dito?." Inis na asik ni Khaki sa kaibigan. Hinubad ni Khaki ang itim na t-shirt na suot niya. Tumayo siya at isinuot iyon kay Rannasha.
"Ang galing mo ng humalik." Mahinang bigkas ni Khaki habang inaayos ang damit na isinuot niya kay Rannasha.
"I am a fast learner. And you are good at teaching." Nakangising wika ni Rannasha.
"Pwede na ba akong sumama?"
"Of course, after you kiss me." Wika ni Khaki.
Nalaman ni Rannasha at Khaki na pupunta din pala si Maverick sa Boracay. Pero nauna na itong umalis sa kanila. Nakikain lang ito ng almusal at umalis na.
"Mag aayos lang ako ng mga damit na dadalhin ko. Sigurado ka na dito ka lang sa sala? Pwede ka naman sumama sa kwarto ko." Wika ni Rannasha.
"It's okay, I'll just wait for you here. Mahirap ng magkasolo tayong dalawa. Baka hindi ko na mapigilan sarili ko." Sabi ni Khaki at naupo sa sofa.
Kinuha ni Rannasha ang maliit niyang maleta. Tree days and and two nights lang naman silang mag stay sa Boracay. Bibili nalang siya ng damit doon kung sakaling kapusin siya sa damit.
Syempre nagpaalam siya sa kanyang ama. Tinawagan niya din si Xyrish at Styles upan pinaalam na pupunta siya sa Boracay.
Habang naglalagay ng mga damit niya sa maleta si Rannasha ay napatingin siya sa bedside table niya. May notes na nakapatong doon galing iyon kay Amella.
"Nasa Boracay din pala si Amella? Sino ang kasama niya doon? Sana magkita kami ni Amella doon."
Pagkatapos mag impake ni Rannasha ng damit niya ay naligo muna siya.
Red Floral Backless Boho Maxi Dress ang isinuot ni Rannasha. Nakatalikod si Rannasha sa malaking wall mirror at inaayos ang tali ng dress sa likod niya. Hindi niya ito maitali ng maayos dahil nahihirapan siya.
"Pasok!" Sigaw ni Rannasha dahil wala na siyang oras para pagbukasan ng pinto ang taong nasa labas.
Bumukas ang pinto mula reflection ng salamin ay sinilip ni Rannasha kung sino ang pumasok si Khaki pala.
Lumapit si Khaki kay Rannasha at ito na ang nag ayos ng tali ng dress ni Rannasha.
"You are always beautiful." Mahinang wika ni Khaki.
Ang private helicopter na pagmamay-ari ni Khaki ang sinakyan nila papuntang Boracay. Saktong alas onse ay lumapag ang helicopter sa malawak na paliparan ng private resort dito sa Boracay. Ang resort na ito ay pagmamay-ari ni Aslan na pinsan ni Indigo.
Kahit mainit ay malamig at mahangin sa resort na ito. Medyo kasi nasa itaas na bahagi ang resort tanaw mula sa kinatatayuan ni Rannasha ang kulay asul na karagatan. May iilang yate siyang nakikita na nakadaong sa ibaba ng resort.
"Ang ganda!" Manghang wika ni Rannasha.
"Let's go, baby." Hinapit ni Khaki si Rannasha sa baywang nito. Ang mga maleta nila ay bitbit ni Jovani at Noel.
"Mabuti naman at may kaligayahan na si Boss. Hindi na tayo pagiinitan kapag mainit ang ulo niya."
Saad ni Jovani kay Noel. "Kaya nga, kasi kapag mainit ulo niya. Tayo ang binabalingan niya ng galit niya. At isa pa marunong na siyang ngumiti." Wika naman ni Noel.
"Pare. . . I thought you wouldn't come here." Sinalubong ni Indigo si Khaki at nakipag-manly hug.
"Pwede bang hindi? Ikaw pa ba." Aniya ni Khaki kay Indigo.
"So, kasama mo pala siya." Mahinang sabi ni Indigo habang nakatitig kay Rannasha.
"Of course." Sagot ni Khaki at ipinakilala si Rannasha kay Indigo.
"Where are the others?" Tanong ni Khaki kay Indigo.
"They are at the poolside." Sagot ni Indigo.
"Si Bellissa, is she here?" Pabulong na tanong ni Khaki sa kaibigan niya.
"She's not here. Bellissa and I are not okay. Hindi ko alam kung matutuloy ang kasal namin next month." Saad ni Indigo.
Gusto man i-comfort ni Khaki ang kaibigan pero hindi ito ang tamang oras. Kasama niya si Rannasha ngayon, siguro mamaya niya nalang kakausapin ang kaibigan.
"Nandito din ba si Ashlan?" Muling tanong ni Khaki kay Indigo
"He said he will arrive in ten minutes. So let's wait for him at the poolside area." Indigo said.
Nang makarating sila sa poolside area Nakangiting mukha ni Maverick ang sumalubong sa kanila. Naroon na rin ang iba pa nilang kaibigan.
"Hi little bunso. How was the trip?" Salubong ni Maverick kay Rannasha at niyakap ito.
Yumakap din si Rannasha kay Maverick. "Okay lang, I'm still a little dizzy from the hangover." Wika ni Rannasha.
Masamang tingin ang pinukol ni Khaki kay Maverick. Dahil sa paraan ng pagkakayakap nito kay Rannasha. Ngumisi nalang si Maverick at napailing kahit kailan talaga napakaseloso ni Khaki.
Katabi ni Khaki si Rannasha sa isang sofa. Si Rannasha ay abalang nakikipag-usap sa girlfriend ni Onyx.
Maya-maya ay dumating si Ashlan kasama si Amella. Napatingin naman si Rannasha sa dereksyon ng kaibigan.
"Oh, ayan na pala si Ashlan." Bigkas ni Onyx.
Si Maverick at Khaki ay napatingin sa dalawang taong naglalakad papunta pwesto nila.
Mababakasan sa mukha ni Maverick ang pakabigla ng makita si Ashlan at Amella na magkasama. Agad naman binalingan ni Khaki si Maverick at hinawakan ito sa balikat.
"Amella, here!" Kumaway si Rannasha kay Amella. Ngumiti si Amella kay Rannasha. Nahuli ni Rannasha ang pasimpleng pagsulyap ni Amella kay Maverick. Nagpaalam naman si Amella kay Ashlan, tumango lang ang lalaki.
"You're here too." Bigkas ni Amella pero halatang sa tono ng boses nito ang pangamba.
"Hi Amella, habang tumatagal lalo ka yatang gumaganda." Bati ni Jinia kay Amella.
"Hello Jinia, mas maganda ka." Aniya naman ni Amella.
Bahagyang umusog si Rannasha upang makaupo si Amella sa tabi niya.
"Honey, pwede mo ba akong samahan sa loob? May kukunin lang ako sa kwarto natin." Boses ni Onyx.
"Sure, Honey." Wika ni Jinia at nagpaalam kay Rannasha at Amella.
Nang makaalis si Onyx at Jinia ay dumating naman si Indigo. "Ashlan." Tawag ni Indigo sa kaibigan.
Nang makita ni Amella si Indigo ay napansin ni Rannasha na hindi mapakali si Amella sa inuupuan nito.
"s**t! Why is he here?"
Iyon ang salitang narinig ni Rannasha mula kay Amella. "Amella, you alright?" Nagtatakang tanong ni Rannasha sa kaibigan.
"Hmmm, Rannasha, alam mo ba kung nasaan ang washroom dito? Bigla kasi sumama ang tiyan ko."
"I'm not sure, but it seems to be there." Turo ni Rannasha sa bandang dulo ng poolside area.
"Gusto mo samahan kita?" Tanong ni Rannasha kay Amella. Tumango lang si Amella at mabilis na tumayo.
Nangmakarating sila sa labas ng pinto ng washroom ay nagpaiwan si Rannasha sa labas.
"Wow! Ang ganda talaga." Bulalas ni Rannasha at pumikit. Nilanghap niya ang sariwang hangin. Naririto siya ngayon sa likod ng washroom area. Tanaw mula rito ang malawak na karagatan.
Ilang sandali ay may narinig si Rannasha na boses ng lalaki at isang babae. Sumilip si Rannasha nakita niya si Amella at Indigo. Hawak-hawak ni Indigo ang braso ni Amella. Halatang may namumuong komusyon sa pagitan ng dalawa.
"You slut! It's your fault why Bellissa left me! Malandi ka! Hindi ka na nakuntento kay Ashlan. Umamin ka ikaw yung babaeng pumasok sa kwarto ko nung gabi yun diba! Sinira mo ang lahat!" Galit na sabi ni Indigo.
"Gago ka ba!" Pigil na sigaw ni Amella at sinampal ng malakas sa pisngi si Indigo.
"Ni katiting wala akong pagnanasa sayo! Hindi ako puta! Para landiin ka. Hindi ako ang babaeng pumasok sa kwarto mo!" Asik ni Amella kay Indigo.
Malakas na itinulak at sinandig ni Indigo si Amella sa labas ng dingding ng washroom. Akmang lalapitan sana ni Rannasha si Amella dahil nag aalala siya baka saktan ni Indigo si Amella, pero may biglang humawak sa braso niya.
Bumaling si Rannasha sa taong may hawak sa braso niya.
"Khaki."
"I've been looking for you for a while. Nandito ka lang pala.Why are you hiding here, who are you looking at over there?" Tanong ni Khaki kay Rannasha.
Muling sumilip si Rannasha pero wala na si Amella at Indigo.
"Nothing. I'm waiting for Amella. Pero baka umalis na siya." Wika ni Rannasha.
"Ganoon ba, so, let's go?" Yaya ni Khaki kay Rannasha.
"Saan?" Tanong ni Rannasha kay Khaki.
"In the place where you will like it."
Saad ni Khaki at matamis na ngumiti kay Rannasha at bahagyang kinurot ang pisngi ng dalaga.
~~~~~~