"Sorry, I didn't mean to kiss you."
Mahinang wika ni Khaki habang nakayakap rin kay Rannasha. "Okay lang po kuya Khaki, kasalanan ko naman po." Sagot ni Rannasha.
Tumunog ang cellphone ni Rannasha si Styles ang tumatawag. Agad sinagot ni Rannasha ang tawag.
"Hello daddy."
[ Where the hell are you, young lady? Alam mo bang nanggaling ako sa Anderson, para sunduin ka sana. Umalis ka raw sabi ng mga security guard. Are you with Khaki? ] Matigas na tono mula kay Styles.
"Y--yes po Daddy, I'm with kuya Khaki." Kabadong sagot ni Rannasha.
Malalim na hininga ang narinig ni Rannasha mula sa kanyang ama sa kabilang linya.
[ Today is your birthday, don't you remember? We have a family dinner. We are here now at the Kingston hotel, we will wait for you here. ]
Turan ni Styles sa kabilang linya ngunit bakas sa boses nito na parang galit ito.
"Alright, daddy, I'm on my way." Pinatay ni Rannasha ang tawag at tumingin kay Khaki.
"Kuya Khaki-"
"Ihahatid na kita." Putol ni Khaki sa sasabihin ni Rannasha.
Mabilis ang naging byahe nila Rannasha patungo sa Kingston hotel. Sa bilis ba naman mag maneho ni Khaki, na kulang na lang ay liparin nila ang kalsada.
Hanggang sa labas ng lobby ng hotel ay hinatid ni Khaki si Rannasha.
"I'm leaving Rannasha, enjoy your family dinner. Happy birthday again, you are growing now, like a beautiful flower. No, you're more beautiful than this flowers." Bigkas ni Khaki at pinatakan ng pinong halik sa noo si Rannasha. Binigay niya sa dalaga ang bouquet of flowers na hawak niya.
"Go inside, they are waiting for you. Enjoy this beautiful day, enjoy your day, baby girl." Nakangiting turan ni Khaki at tumalikod na.
"Kuya Khaki." Pigil ni Rannasha kay Khaki. Hinawakan niya ang dulo ng coat ni Khaki.
"I will only be happy when you are here by my side. Please kuya Khaki, come inside with me."
Bumaling si Khaki sa dalaga na may ngiti sa labi.
"Please.... Kuya Khaki." Nagpapa-cute na sabi muli ni Rannasha.
"You are my princess, so you will be obeyed. Your wish will be followed. Come on, let's go inside." Inakabayan ni Khaki si Rannasha at pumasok sa loob ng lobby ng hotel.
Sa second floor nagpunta ang dalawa dahil iyon naman ang sabi ni Styles sa message niya kanina. Pagpasok nila sa restaurant ay hindi naman ganun karami ang tao rito. Agad na tanaw nila Rannasha sa ang mahabang table kung saan naka-puwesto sila Styles. Hindi lang pala ang mommy at daddy niya ang naririto. Pati ang lolo at lola nila na mga magulang ni Styles. Naririto rin sila Ellieoth at Angelecca, ganun rin sila Ella at Finyx.
"Hi mommy, daddy." Humalik si Rannasha sa pisngi ng mga magulang.
"Hello my baby brother." Niyakap ni Rannasha si Rain at hinalikan rin ito sa pisngi.
Dumapo ang mga mata ni Styles sa bulaklak na hawak ni Rannasha.
"Naalala ko dati tuwing birthday ni Rannasha ay laruan or barbie doll ang binibigay mo. Ngayon, bouquet of flowers na. Tapatin mo nga ako Khaki, plano mo bang ligawan si Rannasha?" Seryosong sabi ni Styles kay Khaki.
"Sus naman kuya Styles, anong gusto mong ibigay ni Khaki kay Rannasha, cotton candy? Hindi na bata si Rannasha, dalaga na yan. Naglelevel- up ang age, so dapat naglelevel-up rin ang gift. Napaka possessive daddy mo naman." Pangbabara ni Ella kay Styles.
Napakamot ng batok si Styles, simula ng makilala nito ang asawa ni Finyx ay lagi talaga siya nitong binabara.
"Styles!" Saway rin ni Xyrish sa asawa.
"What? I'm just asking, Eve. Kung ano ba talaga ang intensyon niya sa anak natin. Pinoprotektahan ko lang ang anak natin. She is still young." Medyo galit na wika ni Styles.
"Daddy---" Hindi na naituloy ni Rannasha ang nais niyang sabihin ng magsalita si Khaki.
"You don't have to worry, kuya Styles. Because I consider Rannasha as a younger sister. That's all." Khaki said that no emotion would be seen in his eyes.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Rannasha, matapos marinig ang mga binigkas ni Khaki.
"Excuse me po, I need to go to the washroom. Biglang po kasing sumakit yung tiyan ko." Paalam ni Rannasha sa lahat at pilit na ngumiti. Nilapag ni Rannasha sa table ang mga dala niya at tumalilis na papunta sa Washroom area.
Nang makapasok si Rannasha sa washroom ay ni-lock niya ang pinto at sumandal roon sabay tingala. Bigla na lang tumulo ang luha ni Rannasha, hindi niya ito nabigilan.
Gamit ang kamay ay pinaypayan niya ang kanyang mga mata. "Bakit ba ako umiiyak? Oo crush ko si kuya Khaki, pero hindi naman ganun kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero masakit lang kasi malaman na nakababatang kapatid lang pala ang turing niya sa akin. Kung sabagay, isang batang babae ang tingin sa akin ni kuya Khaki. Sino nga naman na lalaki ang magkaka-gusto sa akin, sa isang batang katulad ko. Masyadong malayo ang agwat ng edad namin, isa pa para ko na siyang tito dahil pinsan ito ng tinuturing kong ama. Bakit ba ako nasasaktan dahil sa mga sinabi ni kuya Khaki, para naman akong sira nito." Kausap ni Rannasha sa sarili.
"Rannasha, sweetheart. Can you open this door, let's talk." Boses ni Xyrish at marahang kinakatok ang labas ng pinto ng washroom.
Mabilis naghilamos ng mukha si Rannasha, kinuha niya ang panyo sa bulsa ng kanyang skirt at pinunasan ang mukha.
Itinali ni Rannasha ang kanyang mahabang buhok at nag apply ng lip tint sa labi. Sinuri niya muna ang kanyang sarili bago buksan ang pinto ng washroom.
"Mommy." Wika ni Rannasha. Pumasok si Xyrish sa loob at niyakap si Rannasha.
"Ikaw nga ay umamin sa akin Rannasha. Do you like Khaki? You cannot hide the pain from your eyes. I saw in your eyes how hurt you were because of what Khaki said." Turan ni Xyrish at pinagkatitigan si Rannasha sa mga mata nito.
"Mommy, hindi ko po gusto si kuya Khaki. Nasasaktan lang po ako, kasi inaaway ni Daddy si kuya Khaki." Palusot ni Rannasha.
"Hmmn.... I won't force you if you would rather not tell me. But if you have a problem and want someone to talk to. I'm just here." Nakangiting sabi ni Xyrish sa anak.
"Thank you po mommy." Mahigpit na niyakap ni Rannasha si Xyrish.
"Let's go, the food is ready."
Habang naglalakad pabalik si Rannasha sa table kasama si Xyrish ay nahuli ni Xyrish ang pasimpleng pagtingin ni Khaki kay Rannasha, napangisi si Xyrish.
"He likes you too." Mahinang usal ni Xyrish.
"Ano yon mommy?" Tanong ni Rannasha. "Nothing sweetheart." Xyrish reply.
Natapos ang dinner naging maayos naman ang lahat. Nagpaalam na rin sila Ellieoth at Angelecca kay Rannasha matapos ibigay ni Angelecca ang regalo niya para kay Rannasha.
"Happy birthday again, beautiful young lady. I hope you enjoying this night, kahit nagsusungit ang daddy mo." Saad ni Angelecca.
"Thank you po tita Angelecca."
"Aalis na rin kami iha, happy birthday. This is my gift to you, I hope you like it." Wika ng ina ni Styles na sa Carrina .
"Thank you po mamita." Marahang hinaplos ni Carrin ang balikat ni Rannasha.
Nang umalis si Khaki ay hindi na ito nag paalam kay Rannasha. Umalis na lang ito bigla na wala manlang pasabi. Naiintindihan naman ito ni Rannasha dahil sa mga sinabi ng Daddy niya kay Khaki.
~~~~~
Lumipas ang tatlong araw ay hindi sinundo ni Khaki si Rannasha. Kahit ganun ay umaasa si Rannasha na isang araw ay makikita niya uli si Khaki sa garahe o labas ng kanilang gate na hinihintay siya.
"Good morning po nanay Lily..." Masiglang bati ni Rannasha sa ginang at niyapos niya ito mula sa likuran.
"Naku, itong alaga ko talaga masyadong sweet. Baka mamiss kita sa pag-alis mo, ilang taon ka pa naman doon sa america." Wika ni nanay Lily.
Nawala ang ngiti sa labi ni Rannasha dahil sa narinig. "Ano pong ibig mong sabihin nanay, aalis ho ako?"
Humarap ang ginang kay Rannasha na nagtataka rin. "Hindi mo ba alam iha? Iyan ang narinig ko na pinag-uusapan ng daddy at mommy mo kanina, habang kumakain sila ng agahan. Ipapadala ka nila sa america upang doon mo ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Hindi ba nila na banggit sa'yo?" Saad ng ginang.
"Ah, oo nga po pala nasabi rin nila kagabi sa akin. Nawala sa isip ko." Kunwari na sabi ni Rannasha.
"Sige po, nanay Lily aalis na ho ako." Paalam niya sa ginang.
"Sandali iha, hindi ka manlang mag-aalmusal?" Wikang tanong ng matanda.
"Doon na lang po sa school, PE kasi namin ngayon kailangan maaga ako roon." Aniya ni Rannasha at tumalikod na.
Nag-umpisang bumagsak ang butil ng luha ni Rannasha sa kanyang pisngi.
"Aalis ako? Isa lang ang ibig-sabihin nito, mapapalayo ako kay kuya Khaki." Saad ni Rannasha sa kanyang isipan.
Pagkalabas ni Rannasha sa pinto, ay nakayuko lang siya habang naglalakad. Hindi niya nga napansin kung sino iyong taong nalampasan niya.
"Rannasha..."
Napahinto si Rannasha ng marinig ang boses ni Khaki. Bahagya rin siyang napaatras ng pamansin niyang humakbang si Khaki palapit sa kinatatayuan niya.
"K-kuya Khaki, ikaw pala. A-nong ginagawa mo dito?" Casual na tanong ni Rannasha sa lalaki.
Napansin ni Khaki ang pamumula ng mga mata ni Rannasha. Nakita niya rin ang basa sa pisngi ng dalaga.
"Are you crying?" Tanong ni Khaki.
"Hmmm, hindi po. Napuying kasi ako, ang hapdi nga e." Tumatawang sabi ni Rannasha.
"Sige po, kuya Khaki aalis na ako." Nagmamadaling nagtungo si Rannasha sa itim na sasakyan. Pagbubuksan na sana siya ni Tom ng pinto ng magsalita si Khaki.
"Ako ang maghahatid sayo Rannasha." Mahinahon na sabi ni Khaki.
"Hmmm, kasi kuya Khaki may dadaanan pa ako. Matatagalan ako doon. Kaya ko na rin naman po ang sarili ko."
"Saan? Maghihintay naman ako kahit gaano kapa katagal." Seryosong turan ni Khaki, ngunit parang may laman ang mga sinabi nito.
"S-sa bahay ni Atarah ako pupunta kuya Khaki. Sabay kami papasok." Muling sabi ni Rannasha.
"Really? Sa pagkakaalam ko kasi, nasa bahay ni Maverick si Atarah. Hindi ba't doon nakatira ngayon si Atarah, dahil namamasukan siya bilang katulong doon. Magkikita rin naman kayo sa school. So you don't need to go there to Maverick's house. Bakit hindi mo na lang ako deretsuhin, na ayaw mo akong makita at makasama." Mababakasan ng sakit ang tono ng boses ni Khaki dahil sa mga inaasal ngayon ng dalaga.
Yumuko si Rannasha at napapikit nakalimutan niyang sa bahay ni Maverick nga pala ngayon umuuwi si Atarah. Pero hindi iyon ang inaalala niya ngayon, kundi ang huling katagang sinabi ni Khaki. Bakit parang pakiramdam niya nasasaktan si Khaki. Tumingin siya sa lalaki, nakatitig lang rin sa kanya si Khaki.
"Ku--kuya Khaki, hindi naman po sa ganun, kasi--"
"You don't need to explain yourself, Rannasha. I have to go." Putol ni Khaki sa sasabihin ni Rannasha.
"Kuya Tom, ikaw ng bahala maghatid kay Rannasha." Wika muli ni Khaki at tumalikod na.
"Kuya Khaki..." Mahinang usal ni Rannasha, nang sumakay ang binata sa kotse nito at mabilis na pinaharurot palabas ng malaking gate ng mansyon.
"Mukhang mananalo ako sa pustahan namin noon ni boss." Mahinang usal ni Tom.
Narinig ito ni Rannasha. "May sinasabi ka po ba kuya Tom?" Tanong niya kay Tom.
"Wala, ang sabi ko para kayong may LQ ni sir Khaki. Sige na, sumakay ka na at para maihatid na kita sa school." Saad ni Tom kay Rannasha.
"F--ck! F---ck! F--ck! Damn it!" Sunod-sunod na mura ni Khaki at pinaghahampas ang steering wheel ng kotse niya.
Inihinto muna ni Khaki ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi pa siya nakakalabas ng subdivision. Maya-maya pa ay dumaan ang kotse kung saan nakalulan si Rannasha.
Agad ni-start ni Khaki nag engine ng sasakyan at sinundan ang kotse. Inaamin ni Khaki sa kanyang sarili na nasaktan siya. Pakiramdam niya ay iniiwasan siya ni Rannasha.
Hanggang sa labas lang ng gate nag pahatid si Rannasha, hindi niya na pinapasok sa loob ng Anderson ang sasakyan. "Salamat po kuya Tom." Kumaway si Rannasha kay Tom.
"Tawagan mo lang ako mamaya kung magpapasundo kana ha." Saad ni Tom.
Sa loob ng sasakyan ay pinagmasdan ni Khaki ang pagpasok ni Rannasha sa sa loob ng gate ng Anderson University. Nang mawala sa kanyang paningin si Rannasha ay umalis na rin si Khaki.
"Bakit hindi nakarating sa'min ito! Muntik ng malagay sa piligro ang buhay ni Rannasha. Anong nangyari kuya Xyndrix? Bakit hindi mo ito alam, ikaw ang namamalakad rito." Frustrated na sabi ni Xyrish sa nakakatandang kapatid.
"Hindi ko rin alam. Wala naman akong natanggap na report mula sa mga security guard dito sa campus. Ngayon ko lang rin ito nalaman." Sagot ni Xyndrix.
"Iharap niyo sa akin ang Khaki Montenegro na iyon! Hindi puwede itong ginawa niya sa anak ko. Hanggang ngayon unconscious ang anak ko sa hospital. Hindi na siya nakuntento sa pangbubogbog niya sa anak ko dito sa loob ng campus. Pinadukot niya pa ang anak ko at saka binugbog ng walang-awa!" Sigaw ng isang babae sa opisina ni Xyndrix.
Bigla nalang kasi ito sumugod sa opisina ni Xyndrix Anderson at nagrereklamo sa ginawang pangbubugbog ni Khaki sa anak nito.
"Mrs. Cortesa. Nakita mo naman sa CCTV ang dahilan kung bakit binugbog ni Khaki ang anak mo. Muntik ng baboyin ng manyak mong anak, ang anak namin. So, nararapat lang diba? Mag pasalamat ka nga, at hindi ako ang nakakita ng pangyayari na iyon. Dahil kung ako mismo ang nakahuli sa anak mo. I swear to god. Your son will not make it out alive of this university. There are rules that must be followed in this university. When you break the rules. You'll die." Seryosong wika ni Xyrish.
Ilang beses napalunok si Mrs Cortesa. Dahil sa nakakatakot na titig ni Xyrish.
"Magsasampa ako ng kaso laban sa university na ito, at pati na rin sa Khaki Montenegro na iyon!" Sigaw ni Mrs. Cortesa.
"Then let's go, sasamahan pa kita, Mrs Cortesa. Kung tutuusin kami ang may mas karapatan mag sampa ng kaso laban sa anak mo. Hindi mo naman siguro maaatim na makulong ang anak mo, habang unconscious pa. Huwag mo ng tangkain na kalabanin kami at ang mga Montenegro. Masisira ang buhay mo!" Matigas na sabi ni Xyrish.
"Mga mamatay tao kayo! Pamilya kayo ng mga criminal! Pagbabayaran niyo itong ginawa niyo sa anak ko! Mga cri--"
Slap!
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Mrs Dolores Cortesa mula kay Xyrish.
"Umalis kana kung ayaw mong totohanin ko iyang mga sinasabi mo!" Pagbabanta ni Xyrish sa babae.
Tumalilis palabas ng opisina ni Xyndrix si Mrs. Cortesa. Sa hallway habang naglalakad si Rannasha patungo sa room, ay may naririnig siyang bulong-bulongan ng mga estudyante.
"Rannasha." Tawag ni Brent kay Rannasha. Huminto naman si Rannasha at pumihit paharap kay Brent.
"Ano iyon Brent, may kailangan ka ba?" Nakangiting tanong ni Rannasha sa lalaki.
Nagulat si Rannasha ng bigla siyang yakapin ni Brent.
"B-Brent bakit?"
"I'm sorry Rannasha, kung wala ako nung oras na kailangan mo ng tulong." Saad ni Brent.
"Ha? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Rannasha.
"Kalat na sa buong campus ang ginawa ni Matteo sa'yo nung nakaraan. Lahat ng mga estudyante ay ikaw ang pinag-uusapan." Saad ni Brent.
Bahagyang tinulak ni Rannasha si Brent palayo sa kanya. "Ano ka ba Brent, walang nangyaring masama sa akin. Dumating si kuya Khaki nung mga oras na iyon, iniligtas niya ako. At isa pa wala akong pakialam kung anuman ang pinag-uusapan ng ibang estudyante tungkol sa akin." Wika ni Rannasha.
"Halika na pumasok na tayo sa room." Pagyaya ni Rannasha sa kaibigan.
"Nalaman na kaya nila mommy at daddy?" Tanong ni Rannasha sa sarili.
Alas-tres ng hapon ay labasan na ng ibang estudyante, biyernes ngayon kaya maaga pinauwi ng kanilang guro sila Rannasha. "Rannasha, sabay tayo papuntang parking lot. Susunduin kasi ako ni Kuya Maverick, pupuntahan kasi namin ngayon si lola sa ospital." Usal ni Atarah.
"Ganun ba, puwede ba ako sumama?"
"Oo naman, pero baka sunduin ka ni kuya Khaki." Aniya ni Atarah.
"Hindi ako masusundo ni kuya Khaki ngayon, busy iyon sa pag-te-trainig niya sa kanilang kompanya." Wika ni Rannasha.
"Ganun ba, sige sumama ka sa'amin gusto ka narin makita ni Lola. Hindi mo na daw kasi siya nadadalaw." Anang ni Atarah.
Sabay na lumabas ng locker room sila Atarah at Rannasha.
Nang malapit na sila ng parking lot ay nagsalita si Atarah.
"Akala ko ba hindi ka masusundo ni kuya Khaki? Eh, ayon siya oh, kausap ni kuya Maverick." Saad ni Atarah at sabay turo nito sa puwesto kung saan nakatayo si Khaki at Maverick.
Biglang nagtago si Rannasha sa likod ng isa sa mga sasakyang nakapark rito. Bigla kasing lumingon si Khaki sa dereksiyon nila ni Atarah.
"Haist! Nakita kaya niya ako. Bakit kaya nandito si kuya Khaki. Diba galit siya sa akin, dahil tinanggihan ko siya kanina, na ihatid ako. Ang akala ko ay hindi niya ako susunduin ngayon."
"Oh, bakit ka nagtatago riyan? Halika na puntahan na natin sila kuya Maverick." Sambit ni Atarah.
"Ah, kasi.... may nakalimutan pala ako sa locker room. Babalikan ko lang sandali, sige na mauna kana Atarah. Saka hindi na pala ako makakasama, bukas ko na lang dadalawin si lola Erlinda sa ospital, total sabado naman bukas." Biglang sabi ni Rannasha sa kaibigan.
"Ha? At ano naman nakalimutan mo sa locker room? Besty magtapat ka nga sa akin. Iniiwasan mo ba si kuya Khaki?"
Umiwas ng tingin si Rannasha sa kaibigan sabay iling. "Naku hindi ah, sadyang may nakalimutan lang ako. Sige na puntahan mo na si kuya Maverick, baka naghihintay na iyon sayo."
"Okay, sige ikaw bahala." Turan ni Atarah pero ang mga mata nito ay nakatuon sa likuran ni Rannasha.
"Bye, ingat ka sa pag-uwi Rannasha. Text mo ako kapag naka-uwi kana." Kumaway si Atarah at patakbong umalis.
Nagpakawala ng malalim na hininga si Rannasha. Hindi niya kayang harapin ngayon si Khaki.
"Are you avoiding me, Rannasha?"
"Ay putangina ka!" Napamura si Rannasha dahil sa sobrang gulat, humarap siya kay Khaki.
Biglang tinakpan ni Rannasha ang kanyang bibig. First time na nakapag mura siya sa harapan ni Khaki.
"Natututo kanang magmura ngayon ha, minumura mo ba ako Rannasha?" Seryosong sabi ni Khaki.
"Hindi po kuya Khaki, nagulat lang ako sorry po, hindi ko sinasadya."
Humakbang si Khaki palapit kay Rannasha, panay urong naman si Rannasha. Napapikit siya ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang likod sa sasakyan. Napalunok si Rannasha ng magdikit ang kanilang mga katawan ni Khaki.
"What are you doing here? Are you hiding from someone?" Tanong ni Khaki, pero ang mga mata nito ay deretsong nakatitig sa mga mata ni Rannasha.
"Ah, kasi may hinahanap ako kuya Khaki." Kabadong turan ni Rannasha.
"Like what ?" Usisa ni Khaki..
Matagal nag isip ng palusot si Rannasha pero wala siyang maisip. Kaya natameme na lang siya at napatingala sa mukha ni Khaki. Matangkad si Khaki kaya, halos tumingala si Rannasha. Hindi naman kasi gaano katangkaran si Rannasha, lalo na sa edad niya.
"Alam mo bang nasasaktan ako, dahil sa ginagawa mo Rannasha. Did I do something wrong? Para iwasan ako? You are torturing me, baby girl." Mahinang usal ni Khaki at hinaplos ang pisngi ni Rannasha.
Nangatog ang magkabilang tuhod ni Rannasha ng dumampi ang daliri ni Khaki sa labi niya.
"Answer me, did I do something you didn't like?" Muling tanong ni Khaki.
"N-no." Parang hangin na lang ang lumabas sa bibig ni Rannasha. Itinukod ni Khaki ang isang kamay niya sa bubungan ng kotse, at bahagyang yumuko at bumulong sa tainga ni Rannasha. Bahagya pang dumampi ang labi ni Khaki sa tainga ni Rannasha.
"You're shaking, baby girl." Anas ni Khaki sa tainga ni Rannasha at ngumisi.
"Oh my god! Is that Khaki Montenegro?" Gulat na sambit ng isang college student na babae.
Mabilis na kinabig ni Khaki ang batok ni Rannasha, upang itago ang mukha ng dalaga sa dibdib niya.
"s**t girl, siya nga, ang gwapo niya talaga. Pero sino kaya iyang babaeng kasama niya? Parang highschool student." Malungkot na saad ng isang babae.
Nang umalis ang tatlong babae ay nag salita si Khaki.
"Let's go, may pupuntahan tayo." Hinawakan ni Khaki ang kamay ni Rannasha. Walang nagawa si Rannasha kundi ang sabayan ang bawat hakbang ni Khaki.
"Saan tayo pupunta kuya Khaki?" Tanong niya sa binata. Khaki didn't answer her at nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil si Khaki sa harapan ng isang mamahaling big bike. Kinuha ni Khaki ang isang kulay pink na helmet at sinuot kay Rannasha. Nagsuot na rin siya ng helmet. Buti na lang at naka-PE jogging pants si Rannasha ngayon.
Sumakay na si Khaki sa motor pero si Rannasha ay nanatiling nakatayo.
"Sumakay kana Rannasha." Nilahad ni Khaki ang isang kamay niya. Hinawakan naman ito ni Rannasha at umangkas sa likuran ni Khaki.
"Kuya Khaki hindi ba ako mahuhulog nito?" Medyo kabadong sabi ni Rannasha.
"Hindi ka mahuhulog kung yayakap ka sa baywang ko." Nakangising sabi ni Khaki.
Dahan-dahan kumapit si Rannasha sa baywang ni Khaki. Lumawak ang pagkakangisi ni Khaki ng maramdaman ang panginginig ng kamay ng dalaga. "Why are you shaking, baby girl?" Tanong ni Khaki.
"Kinakabahan lang." Sagot ni Rannasha.
Ni-start ni Khaki ang motor at pinatakbo na ito. Nang mapadaan sila sa malaking gate ay sumaludo pa kay Khaki ang dalawang security guard. Tinanguan lang ang mga ito ni Khaki at medyo binilisan ang pagpatakbo sa motor, kaya mahigpit na payakap si Rannasha sa baywang ni Khaki.
"Kuya Khaki, baka mahulog ako."
"Don't worry, I will catch you Rannasha. You can only fall for me." Mahinang sabi ni Khaki.
~~~~~~~