"Anika... bakit ka umiiyak?" Suminghot-singhot si Anika pero hindi man lang tiningnan ang kaniyang yaya. Niyakap lang niya ang manikang si Dolly habang nakatingin sa bintana ng kaniyang kuwarto. "Anika..." hinawakan niya ang balikat nito pero napaigik ito sa sakit. Napakunot-noo si Mira. Kahit ayaw ni Anika, pinilit niyang tingnan ang likurang bahagi nito. At natakpan niya ang sariling bibig dahil puno ng pasa at sugat ang likuran nito. "Sino ang may gawa nito?" Hindi tumugon si Anika pero impit na napaiyak. Awang-awa na niyakap ito ni Mira. Ginamot na lang niya ang mga sugat nito sa likod at pati sa braso At doon sinabi ni Anika ang matagal nang ginagawa pala sa kaniya ni Janice. Pinapaso siya ng sigarilyo kapag nagagalit ito o kaya ay sinasaktan kapag nag-aaway silang mag-asawa. Pi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


