Chapter 52

2810 Words

GORGONS’ Temple. Umihip ang malakas na hangin at ang mga apoy mula sa torches na nakapa-ikot sa malawak na battle arena ay biglang nagliyab nang kusa. Hindi nga ito namamatay kahit pa lumakas ang bagwis ng hangin. Ngayon nga ay tumambad kina Laxus ang mga estatwa ng mga kung sino-sino na sa tingin nila ay mga players dahil sa itsura ng mga ito. Inokupa nito ang kalahati ng lugar at sa dulo ay makikitang may isa pang pataas na hagdan na sa pagtingin nila sa itaas ay makikitang may isang upuan na may nakaupong kung ano. Nasa likuran din nito ang dalawa pang kung ano, mga AI, na hindi nila maaninag dahil medyo madilim pa sa bahaging iyon. Ang palibot naman ng battle arena ay makikitang may isang malalim na hukay na may mga nakaabang na mga matitilos na tinik na kapag nahulog ang kahit sino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD