I Nang sumunod na araw ay nagulat si Theresa ng may dumating siyang bisita na di inaasahan. “Madre Superyora Rosa, napadalaw po kayo. Naku pasok po kayo.” Nataranta si Theresa ng nakangiting bumungad sa kanya ang Madre Superyora nila sa kumbento ng buksan niya ang gate matapos marinig na may nag-doorbell. “Noong isang araw pa sana ako pupunta Theresa, pero ngayon lang nagkalugar dahil medyo naging busy sa kumbento.” Sabi ng butihing Madre na pumasok na sa kabahayan nila Theresa. “Upo po kayo Sister at ipahahanda ko lang saglit po ang meryenda.” Kapagdaka ay sabi ni Theresa na halatang masaya. “Theresa, late man ay babatiin pa din kita. Congratulations kasi nahanap mo na ang mga kasagutan sa puso’t isip mo noon. Ngayon ay kasal ka na kay Rom at malamang sa mga susunod na

