I Mag-ala sais na ng umaga ng magising si Theresa. Himbing pa din na natutulog si Rom sa tabi niya sa kama. Napapangiting natitigan niya si Rom. Muntik na sanang masira kagabi ang boundaries na si-net niya, buti na lang nakapag-isip pa siya ng matino at napigilan si Rom. Kahit masama ang loob ay tumigil naman ang binata. Huminga lang ito ng malalim saka bumangon at pumunta ng comfort room. Matagal si Rom sa comfort room at nang lumabas ito ay natawa si Theresa dahil bagong paligo na ito. Nagshower pala kaya natagalan. Tumabi na ang binata sa kama at tinalikuran na si Theresa. Napa-arko ang kilay ng dalaga saka tumalikod na rin hanggang sa parehas na silang nakatulog. Habang tinititigan ang nobyo ay mas na-iinlove yata si Theresa. Kaguwapo pala ng kanyang nobyo at ka-macho pala talaga.

