I Nang makarating ng Maynila ay agad nakapagcheck-in sa isang lodging house si Denice. Ayaw niya pang bumalik sa UK kahit medyo kapos na siya sa budget. Kaya instead na maghotel ay nagloding house na lang siya. Actually naghahanap siya ng studio condominium unit na mauupahan niya in one month. After magscroll-scroll online ng mga condo unit for rent sa may parteng Pasay City ay nakakita naman agad siya. Kaya’t two days lang siya nagstay sa lodging house at lumipat na sya sa condo unit na studio lang na narentahan niya ng sampung libong piso lang ang isang buwan. Sobrang tipid na yun para kay Denice. Nang dumating ang concert ng Filipino balladeer na si Clyde Tolemo ay maagang pumunta si Denice para manood. Abah, sayang din ng patron ticket niya na mismong bigay ng guwapong s

