I Matapos makababa si Rom ay dumeretso muna si Theresa sa kuwarto ng ama para kamustahin sana ito. Subalit, tulog pa ang kanyang Papa kaya dumeretso na muna siya sa kanyang kuwarto. Naupo sa kama niya si Theresa na halatang may malalim na iniisip. Maya-maya ay nahiga ito sa kama niya at naisip si Rom at si Denice na malamang mamaya lamang ay magkasama na sa bahay nila Rom. Parang sinusuntok ang puso ni Theresa sa sakit. Ayaw niya mang aminin pero hindi niya kayang makita si Rom na may inaasikasong ibang babae. Kung selfishness man ang nararamdaman niya ay ihinihingi niya na ito ng tawad sa Dios. Muli ay napa-isip si Theresa. Isang Linggo si Denice kina Rom, mamasyal yung dalawa at hindi niya na alam kung ano pa ang pwedeng mangyari. Habang ang dalawa ay magkasama, siya naman ay nasa kum

