Chapter 1

2635 Words
♫Too much love will kill you If you can't make up your mind Torn between the lover And the love you leave behind You’re headed for disaster Cos you never read the signs Too much love will kill you Every time♫   DINUTDOT ni Karen ng tinidor ang nag-iisang maliit na hiwa ng hinog na papaya sa kanyang platito. Wala siyang ibang kinain sa buong araw kundi hinog na papaya. Iyon kasi ang payo ng katrabaho niyang doktor na mabisang pampapayat. Lalo lamang niya naiisip ang kabiguan dahil sa pinapatugtog ng katrabaho niya na si Lily sa cellphone nito. “Ugh! Buwisit!” aniya nang matapos lunukin ang natitirang papaya. “Hoy!” bulyaw sa kanya ni Lily. Kanina pa ito nakapasid sa kanya habang nagmemeryenda sila sa canteen ng ospital na pinagtatrabahuhan nila sa Talisay City Cebu. “Bakit? Pangit na ba ang figure ko? Isang layer pa lang naman ang bilbil ko, ah. Mukha na ba akong may sampung anak? Tell me, Lily! May isang kilo na ba ang eye bags ko para magmukha akong stress at bibitayin?” palatak niya. “Gaga! Tumahimik ka nga! You’re not going to suffer from depression. Hindi biro ang depresyon, buang ka! Mag-move on ka na nga kay Ian, eight years na siyang wala at si James, hindi naman siya seryoso sa ‘yo, kaya ka nga iniwan,” ani Lily.  Oo nga naman, ang tagal nang wala si Ian sa buhay niya. Twenty eight years old na siya at kung tutuusin ay kailangan na niyang mag-asawa pero nabigo pa rin siya sa ikalawang lalaki na minahal niya. Inalog niya ang mesa nila. “Bakit gano’n? Ibinigay ko naman ang lahat, iniwan pa rin ako!” hinaing niya. “Aray!” daing niya nang biglang kurutin ni Lily ang pisngi niya. “Alam mo, kumain ka pa ng isang sakong hinog na papa nang mapispis ang bilbil mo. Nang dahil lang sa bilbil iniwan ka ni James? He doesn’t deserve you. Isang taon pa lang kayo nagsawa na kaagad siya. Hm! Okay pa sa case ni Ian kasi talagang ang laki ng investment mo sa relasyon ninyo,” litanya ni Lily. “Hindi naman… siguro dahil sa bilbil ko. Baka-baka nga talagang hindi niya ako minahal at mahal pa talaga niya ang ex niya,” sagot niya. “Bakit ba ang malas ko sa lalaki? Palagi na lang akong iniiwan,” maktol niya. “Mag-move-on ka na nga. Mas mukha ka pang pasiyente sa hitsura mo, zombiekoy!” Tumayo na si Lily. “Let’s go back to work,” anito saka iniwan. Idinaan na lamang niya sa pagbaliw-baliwan ang sakit na nararamdaman niya. Akala niya ay si James na ang lalaking papalit kay Ian sa buhay niya pero ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang babaeng matagal na nitong gusto. ‘Tapos bigla na lang itong nakipaghiwalay sa kanya na ang dahilan ay hindi siya nito kayang mahalin nang tapat. Ang dami nitong dahilan. Hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang totoo. “Move on? Oo nga, kailangan ko nang mag-move on. Kakarmahin din ang mga lalaking manloloko!” aniya saka siya bumalikwas ng tayo at sumunod kay Lily.   Alas-otso na ng gabi nang umalis sa ospital na pinagtatrabahuhan niya si Karen. Dumiretso kaagad siya sa bahay ng pinsan niyang si Martina, upang pagbigyan ang imbitasyon nito sa kaarawan nito. Kahit stress at gusto na niyang matulog ay pumunta pa rin siya sa bahay ng mga bampira. Oo, bahay ng mga bampira. Magmula nang mabunyag kung anong klaseng nilalang ang asawa ni Martina na si Dario, ay naging normal na sa kanyang sistema na may bampira-na totoo ang mga ito. Hinimatay pa siya noon sa gabi ng kasal ni Martina nang magsilabasan ang mga bampira at nasaksihan niya ang pagpalit ng anyo ni Dario at ng mga kasama nito. Ngayon ay parang ordinaryong tao na lamang sa kanya ang mga ito. Pagdating niya sa malawak na sala kung saan ginaganap ang munting salo-salo ay natigilan siya nang makita roon ang ilang alagad ni Dario, lalo na ang unang lalaking nag-ignora sa kanyang kamay noong gusto niyang makipagkilala-si Trivor. Hindi niya makalimutan ang asal na ipinakita nito sa kanya noong bisperas ng pasko na pumunta sila sa bahay ng lola nila. Napa-throwback tuloy ang isip niya…   Nagningning ang mga mata ni Karen nang makita ang tatlong nagguguwapuhang lalaki na bisita ng lola niya. Hindi niya akalaing matatagpuan niya roon ang pinakaguwapong doktor na nakilala niya. Si Dr. Dario Rivas. Ipinakilala naman siya nito sa dalawa pa nitong kasama na hindi ata naturuan ng mga magulang na ngumiti. “Hi! I’m Karen Lorenzana, pinsan ni Martina,” pakilala niya una sa dalawang lalaki na nangangalang Erron. Kinamayan naman siya nito at sandaling nginitian. Pagkuwa’y binalingan naman niya ang isa pang lalaki na nangangalang Trivor—na tila naligaw. Lamay ata ang pupuntahan nito dahil sa itim na kasuutan nito mula ulo hanggang paa. “Hi, pogi! I’m Karen,” nakangiting pakilala niya rito sabay alok ng kanang kamay rito. Nangawit na ang kamay niya maging ang bibig niya sa kakangiti ay tila wala pa rin itong balak na daupin ang palad niya. “Hello!” sabi pa niya habang pinapaypayan ng palad ang tapat ng mukha nito. Nakatitig lamang ito sa direksiyon ng pinto. “Aba, bulag ata itong isang ‘to,” aniya. Ibinaba na lamang niya ang kamay. Inirapan niya ito saka iniwan. “Suplado por que guwapo,” nagmamaktol na sabi niya. Pagsapit naman ng alas-dose ay nagyaya na ang lola niya na kumain na sila sa likod ng bahay kung saan nakahain ang noche buena nila. Kahit hindi siya pinapansin ni Trivor ay nilapitan pa rin niya ito at inalok ng fruit salad. Umupo siya sa tabi nito. Kanina pa kasi niya ito napapansin na hindi kumakain. “Gusto mo ng salad?” tanong niya rito. “Sa’ yo na itong dala ko, hindi ko pa naman nagagalaw,” aniya sabay alok dito ng salad na nakalagay sa ice cream bowl. Hindi ito umiimik. Nakatingin lang ito sa kawalan. “Hoy!” Dinutdot niya ng hintuturo ang pisngi nito. Saka lamang ito gumalaw at marahas na humarap sa kanya. “KSP ka ba?” masungit na tanong nito. Ganoon na lamang ang agarang pag-init ng bunbunan niya. “Ako KSP? As in—kulang sa pansin?” Napamata siya. Umiling ang lalaki saka tumayo. “Ask yourself,” sabi lang nito saka siya iniwan. Napanganga siya. Wala pa siyang nakilalang lalaki na ganoon kung makitungo sa katulad niyang maganda. Yeah, it’s not bad to be self-proclaim because she’s beautiful naman-according to her parents. Halos lahat na lalaking nakikilala niya ay mabilis na nahuhumaling sa kanya. Nakadama siya ng labis na pagkapahiya. Naiinis siya. Ang taas pa naman ng paghanga niya sa lalaking si Trivor, at aminado siya’ng narauyo siya sa s*x appeal nito. Pero laking disappointment para sa kanya ang asal na ipinakita nito sa kanya. May araw ka rin sa akin Trivor; the Lord of s**t! Nawika niya sa sarili.   NAKATIKWAS ang isang kilay ni Karen habang rumarampa sa gitna ng malawak na bulwagan patungo sa hilira ng mga pagkain. Natatanaw na niya si Martina kasama ang asawa nito at panganay na anak na lalaki. “Hi, Karen! Alam ko hindi ka tatanggi sa imbitasyon ko,” bungad sa kanya ni Martina pagkatapos silang mag-biso-biso. “May fruit salad ala-papaya kamo, eh,” nakangising wika niya. Mahilig talaga siya sa salad, actually, iyon ang habol niya sa mga handaan. “Happy birthday, cousin!” pagkuwan ay bati niya rito. “Ganyan ba ang brokenhearted?” tudyo naman sa kanya ni Dario na hawak ang baso ng red wine nito-O mas tamang sabihin na baso ng blood juice. “Obviously, pinansin mo na naman ang isang kilong eye bags ko, Dr. Rivas,” aniya sabay irap sa guwapong doktor niyang bayaw. Tumawa ng pagak si Dario. “Maganda ka pa rin naman kahit mukhang wala ka nang dugo. Mag-convert ka na kasi as vampire,” ani Dario. “Ha-ha! Mas gusto ko maging zombie, brain feeding. Kakainin ko lahat na matatalinong utak sa mundo upang maging pinakamatalinong babae ako—na hindi na nagiging sawing-palad at tanga,” sabi niya. Sabay na tumawa si Martina at Dario. But deep inside, inggit na inggit siya kay Martina. “I guest, Tita Karen, Tito James was happy now,” sabad naman ng sampung taong gulang na si Devey, ang anak ni Martina. Binalingan niya ang bata. “Stop calling him Tito, Devey. He’s out of my life now,” aniya. “But you—” Hindi na naituloy ni Devey ang sasabihin nang takpan ni Martina ng palad ang bibig nito. “Devey, hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang makisawsaw sa usapan ng matatanda?” saway ni Martina sa bata. “I’m sorry, Mom,” ani naman ni Devey at tumakbo na palayo sa kanila. Sinundan ni Karen ng tingin si Devey na lumapit kay Trivor-na abala sa paghihiwa ng dalawang layer na chocolate cake. May kung anong mainit na hanging humampas sa mukha niya nang masilayan ang lalaki na sinusuklay ng kamay pataas ang ilang hibla ng buhok nito na tumakip sa mukha nito. Hindi niya maintindihan bakit bigla itong uminit sa paningin niya. She can’t deny that he looks hot and seductive while hand-combing his hair backward. Mabilis lamang ang pangyayari ngunit paningin niya’y slow motion ang pagkakasuklay nito sa buhok. Natitigilan siya at pakiramdam niya’y sandaling bumagal ang oras. Lalo lamang siyang natulala nang masilayan sa unang pagkakataon ang matamis na ngiti ng lalaki—habang inaabutan nito ng nahiwang cake si Devey, na inilagay nito sa platito. Hindi niya namamalayan na nakaawang na pala ang bibig niya. Ni hindi niya magawang umilag ng tingin nang batuhin siya ng tingin ni Trivor. Hindi niya alam kung gaano katagal na nagtama ang mga paningin nila. Kumislot siya nang may sumubo ng kung anong bagay sa bibig niya na maalat-alat. Namataan niya si Martina sa harapan niya na humahagikgik. Mariing kumunot ang noo niya. “Kailan ka pa naglaway kay Trivor, huh?” natatawang tanong ni Martina. Inalis niya sa bibig ang isinubo ni Martina na pritong hita ng manok. “Umiiwas ako sa meats at ma-cholesterol na pagkain ngayon,” aniya. “Pero ang lalaki hindi mo maiwasan,” tudyo naman nito. Inirapan niya si Martina. Inilagay niya sa plato ang fried chicken. “Tama na si Ian at James,” walang siglang sabi niya. Her voice was flat and with a hint of bitterness. “Hindi mo pa pala nakakalimutan si Ian,” seryosong wika ni Martina. Matiim na natitigan niya si Martina. Walang pangyayari sa buhay niya na hindi alam ni Martina. Best friend niya ito since birth kasi halos ito na ang palagi niyang kasama habang lumalaki siya. Ito ang tumatayong ate niya since nag-iisang anak lamang siya. “First love never dies. Totoo pala iyon. Hindi napapalitan pero nadadagdagan,” aniya. Ngumisi si Martina. “Hindi ka lang maswerte sa love. Dakila ka… dakilang iniiwan.” Kumuha siya ng salad bowl saka sinalinan ng fruit salad. “Wala, e. Galit ata sa akin si kupido,” aniya. Kumuha na rin si Martina ng pagkain nito. Ang asawa naman nito ay kausap na si Trivor. “Siguro dahil hindi ka para sa tao. Zombie ka kaya maghanap ka ng lalaking kauri mo,” biro ni Martina. Nakangising hinarap niya ito. “Mag-aasawa rin ako ng bampira katulad mo gano’n? No way!” protesta niya. “Paano kung kasing guwapo ni Trivor?” usig nito. Awtomatiko ay hinagip niya ng tingin si Trivor. “Aanhin ko naman ang guwapo kung ‘sing tigas ng bakal ang puso? Baka nga hindi iyan marunong humalik, eh,” aniya sabay baling muli ng tingin kay Martina. Tumawa si Martina. “Don’t judge him.” “Sa sobrang seryoso ni Trivor baka manigas ako sa kama, hindi pa niya ako magawang galawin. Alam mo naman ang gusto ko, maginoo pero medyo bastos,” sarkastikong sabi niya. Napalakas ang tawa ni Martina dahilan upang mabaling sa kanila ang atensyon ng lahat na bisita. Hindi na lamang siya umimik nang mapansing pinagtitinginan sila ng mga bampira. Oo, mga bampira lahat ng bisita nila. Silang dalawa lang ni Martina ang taong naroroon kung tutuusin dahil hybrid na ang anak nitong si Devey. “Let’s eat!” sabi na lamang niya sa pinsan.   MAKALIPAS ang isang linggo. Kahit apat na oras lang ang naitutulog ni Karen ay hindi pa rin siya lumiliban sa trabaho. Kapag hindi kasi siya pumasok at nasa bahay ay lalo lamang siya nade-depress. Isang minuto na siyang late kaya patakbong pumasok siya sa ospital. Ngunit napahinto siya sa pasilyo nang masalubong niya ang dating nobyo na si James, at may kasamang babae na namumukol ang tiyan. Alam na this! Ganoon na lamang ang agarang pag-init ng ulo niya. Ang dami nitong dahilan, ‘yon pala ang totoo, may nabuntis na ito. Nagulat din ang lalaki ng makita siya. Napahinto ang mga ito. “Ah, kaya pala nag-resign ka na sa akin, nagbunga na pala ang kagaguhan mo, James,” Matapang na kausap niya kay James. “Kailan naman manganganak ang misis mo? Kaya mo ba ako iniwan dahil hindi mo makuha sa akin ang s****l needs mo? O baka dahil nakabuntis ka na ng babae mo?  O baka naman ako ang lumalabas na babae mo?” mataray niyang wika ngunit nanatiling mahinahon ang tinig. “Sino siya, Babe?” nalilitong tanong ng babaeng kasama nito. Hindi pa man nakakasagot si James ay pumalatak na siya. Nilapitan pa niya ang mga ito. “Ako nga pala si Karen, ang former girlfriend ni James, at orihinal niyang babae. O puwede ring sabihin na—ako ang kabet ng iyong asawa. Nakakalito ‘di ba?” aniya. “Karen, huwag kang mag-eskandalo,” wika pa ng walanghiyang lalaki. Pumalakpak siya. “Okay, ah. Parang eksena lang sa pelikula. Ako ang kontrabida at kayo ang api? O come on, James, kumita na ito. Ngayon, sabihin mo, sino sa amin ng babaeng iyan ang orihinal? Iba pa ‘yan sa dati mong ex na mahal na mahal mo ‘di ba?” Kilala kasi niya ang ex nito na nauna sa kanya. Nurse rin iyon na nagtatrabaho sa private hospital. Hindi nakaimik ang lalaki. “Ako ang asawa ni James!” giit sa kanya ng walang alam na babae. “Oh, talaga? Pinakasalan ka, ‘te?” aniya at lubhang tumaas ang isang kilay niya. Hindi nakapagsalita ang babae. “O, kita mo? Hindi ka rin pala pinakasalan. Nabuntis ka lang, asawa na kaagad? Well, pareho lang naman tayong hindi pinakasalan kaya pareho tayong nga-nga. What if may pinakasalan pala talaga itong kumag na lalaking ito? E ‘di pareho tayong matatawag na Kereda?” aniya. Pumalatak na siya. “Karen, shut up!” singhal sa kanya ni James. “You shut up, James! Pinaniwala mo ako na mahal mo ako, iyon pala panakip-butas lang ako! Ang galing mong mangloko, pre. Puwede nang pang-Oscar award ang acting mo. Walang kang kuwentang nilalang, alam mo ba ‘yon? You’re an alien,” puno ng hinanakit na buwelta niya rito. She was trying to ignore her sudden emotion but she failed. Her tears ran from her eyes. “Wala akong magagawa, Karen. Kailangan kong panagutan si Kate,” sabi lang nito. Aba’t litrang ‘K’ rin ang first litter. Ang hilig pala talaga nito sa ‘K’. Ang ex nitong nauna sa kanya ay Karla ang pangalan. Ayos, ah, nakakabuwisit. Pakiramdam niya’y nilaslas ng kutsilyo ang puso niya. Ngunit pilit niyang maging mahinahon dahil nasa publikong lugar sila. Mabuti wala masyadong tao sa kinaroroonan nila kung hindi ay maeskandalo talaga sila. Pinigil niya ang kanyang pagluha. “Okay. Kuntinto na ako sa sagot mo. Malinaw na sa akin ang lahat,” aniya sa garalgal na tinig. “At least, mas maluwag na akong makakapag-move on. But then, good luck and wait for your karma,” kalmado pa ring wika niya. Hindi na nagsalita ang lalaki. Nagmadali nang umalis ang mga ito. Pagdating niya sa palikuran ay saka lamang siya humagulhol. Halos hindi na siya makahinga buhat sa labis na paninikip ng dibdib niya. Mas masakit pala kapag natuklasan na ang tunay na dahilan bakit nakipaghiwalay sa kanya si James. Pakiramdam niya’y muling nasugat ang sugat na iniwan ni Ian noon sa puso niya-na dapat ay magaling na. But pain suddenly living in her heart. She doesn’t know how to start a new life without pain bothering her. Yeah, nagbibiro siya, tumatawa, ngumingiti ngunit hindi ibig sabihin niyon ay masaya siya, it’s opposite. Saklap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD