BELLA'S POV'
Nasa stage na ang BTS. Green Screen at puro ilaw ang makikita sa stage. Ngayon lang sinabe saakin ni Sejin Oppa na para sa MTV Show pala 'tong performance nila kaya bongga.
Nakakamiss mag perform. Hindi ko pa pala naikwento sainyo na performer din ako sa Philippines dati, madami na akong naka tambay na kanta sa song book ko at sana mabigyan ako ng opportunity para makapag record para sa portfolio ko.
I always dreamt of being a soloist kpop idol. Pero sa trabaho ko ngayon, hindi ko alam kung matutupad pa iyon. Gustuhin ko man pero mukang malabo na.
SUGA. Tama! Oo nga pala! May duet kami ni Suga! Sana ma push through kahit na walang makaalam ng recording namin sobrang dream come true na saakin yun para maka duet ang isang Min Yoongi. Idol s***h producer s***h rapper s***h dancer. Ugh! San ka pa?
Natapos ang shooting ng BTS na nakanganga ako. One word. WOW.
Sobrang lakas talaga ng energy nila. Hindi nauubusan ng lakas sa katawan. Nakakapanibago talaga ang itsura ni Taehyung, napakalaki talaga ng itsura niya sa dati, alam ko namang hindi siya nagpagawa sa mukha niya. Puberty lang talaga.
Si Kookie naman, grabe parang siya pa pinaka matured sa kanila sa sobrang ganda ng tikas. Bagay talaga ang center sa kanya.
"Bella!" Napatingin naman ako kay Jimin na tinawag ang pangalan ko habang nasa stage saka niya sinenyas na kailangan niya ng pamunas at retouch kaya naman agad kong kinuha ang pamunas sa bag niya. Umakyat ako sa stage para punasan siya ng bigla akong napatigil.
Napatingin ako kay Jimin na titig na titig sakin. "W-wae?" Tanong ko.
Umiling siya. "Wala lang, di lang talaga ako makapaniwala na ganyan ka kaganda." Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya napaiwas agad ako ng tingin. "Pffft. Cute." Lalo akong namula kaya naman bumaba na ako sa stage. Baka hindi ko na makayanan at mahimatay nalang ako bigla sa stage, eksena pako dun.
"Bella? Anyare sayo? Bat namumula ka? May sakit ka ba?" Tanong ni Jin.
"Hahaha a-aniyo." Kumunot noo naman siya saka umiwas ng tingin. Bwisit talaga tong mga Bangtan na to. Hindi nako magtataka someday sila dahilan ng pagkawala ko sa mundo na to sa sobrang kilig.
"Hi." Nagulat ako ng biglang magsalita si Jungkook na nasa likod ko kaya agad akong humarap sa kanya. "Bakit ganun, ako naman una mong nakita pero parang ako pa yung huli mong makakausap haha."
"H-ha? Hindi ah. Nahihiya lang talaga ako kasi ayoko ng issue alam mo naman kayo ang pinakamalaking fandom sa buong mundo. Ayokong sirain 'yung image niyo." Nag pout naman siya. Ang cuteee!
"I really don't care my image. I just want to be friends with you that's all. Well kung talagang fans naman namin sila they will trust us diba? And tao lang din naman kami we have the right to like and love a girl some day." Tama naman sila. Napaka swerte ng mga mapapangasawa ng Bangtan someday. Well I was a lucky girl when I was inlove with Taehyung, but right now I just want to think about my future and my dream to be a soloist.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya. "Cause if not, pwede ka sumama saamin mamaya after shoot. We'll be having our dinner at Jin's restaurant." Am I allowed to join them?
Sasagot na sana ako ng bigla siyang magsalita. "Don't worry about that, I know what you're thinking. It's okay. It's just us Bangtan and the driver."
"Arraseo." Nginitian ko naman siya saka ako yumuko. "Jungkook."
"Hmm?" Tanong niya habang nakatingin siya sa stage.
"N-never mind hehe." Tumingin siya saakin. "Why do all of you look at me like that?"
"Like what?" Tumaas ang kilay niya habang nakangiti.
Napangiti ako ng malapad saka umiling. Napansin ko ang pagtulo ng pawis niya sa noo kaya naman agad kong kinuha ang extra towel sa bag ko saka ko siya pinunasan sa noo dahilan ng pagkatigil niya.
"JUNGKOOK!" Napataas ang balikat ko sa sobrang lakas ng sigaw sa mic. Saka kami sabay napatingin ni Jungkook kay Taehyung na sobrang sama ng tingin. Lagi nalang high blood to. Nag away na naman kaya sila ni Jennie?
"Wae?!" Sigaw naman ni Jungkook.
"Umakyat ka nga dito. Ikaw lang ang wala dito." Masungit na sabi ni Taehyung sa mic saka nito hinagis ang mic sa isang staff kaya napatawa si Jungkook.
"See you later?" Tumango naman ako kay Jungkook.
Time Check 7PM.
Nagising ako sa tapik ni Jimin saakin. Nakarating na pala kami sa restaurant ni Jin malapit lang pala siya sa Lotte World at Seokchon Lake Park kaya mahaba haba ang byahe. Nagtataka kayo bakit nakasakay ako sa van ng BTS ngayon. Ayun sabi ni Sejin Oppa nakiusap saakin na simula daw ngayon lagi na daw ako sa van ng Bangtan sasakay delikado daw.
Grabe ang ganda ng restaurant ni Jin! Napanood ko lang 'to minsan sa isang sikat ng reactor sa Youtube nung na meet niya yung kapatid ni Jin and I can't believe na nandito ako ngayon sa restaurant ni Jin. Mukang mapapadami kain ko pero syempre diet ako. Sad huhu.
"Close your mouth Bella." Sabi ni Jimin kaya napatawa silang lahat. Sumimangot naman ako. Bakit ba? Hindi niyo kasi alam feeling ng isang fan girl na gaya ko ang kumain dito sa restaurant kasama ang Bangtan.
Natapos ang dinner na puro tawanan at asaran ang nangyare. Walang away na ganap sa wakas. First time din namin nagkausap ni Taehyung ng walang awkwardnees, puro tawanan lang. Pero ewan ko ba tuwing mag uusap kami ni Taehyung natatahimik si Jimin at Jungkook. May alam kaya sila?
Nakarating na kami sa apartment ng biglang mag ring ang business phone ko kaya napatingin si Jimin saakin.
Unknown number?
"Yeoboseyo?" Rinig ko ang pagsabi niya ng 'yes' sa kabilang linya kaya napakunot noo ako. "Who's this?"
"A-ah B-Bella? This is Yeonjun. You're wondering now kung kanino ko nakuha number mo. Kay Sejin Oppa, sinabe ko kasi may naiwan kang gamit sakin pero ang totoo I just want to know your number. You know, I really want to be your friend." Pahina ng pahina ang boses niya na parang nahihiya. Isa pa 'to eh. Napaka cute! Hindi talaga ako nagkakamali ng bias sa mga idols.
Nakakunot noo si Jimin saakin kaya nginitian ko nalang siya at tinuloy ang lakad ko papunta sa room ko.
"A-ah. Really? O-okay. I'll save it."
"Jinjja?! Gomawo. Nakauwi ka na ba? If not, just tell me where you are I'll fetch you." Teh, haba ng buhok ko teh!
"A-ah, nakauwi na ako don't worry. Kayo ba?"
"Nasa company pa, practice." Rinig ko ang pagtawag sa kanila ng choreo nila yata yun. "Bella, I'll talk to you tomorrow. Pahinga ka na ha? Bye."
"Eo, annyeong." Saka ko binaba ang phone at hinanap ang susi ko.
"Was that Yeonjun?" Tanong ni Jungkook kaya naman napatingin si Jimin at Taehyung saakin.
"Eo." Sagot ko saka pumasok sa loob ng apartment ko. I'm tired. i just want to sleep all day pero syempre hindi pwede at 6am ako kailangan sa company bukas. Napakadaming schedule ng Bangtan. Nagtataka ba kayo kung bakit ako badtrip?
Hindi naman ako ganun ka badtrip haha medyo lang.
Pano kasi may awards pala sila na pinaghahandaan, nandun ang Blackpink. I know I'm not ready pero sino ba ako para mangielam. I'm just Taehyung's ex na kinalimutan na niya.
Ang aga pa pala. Ituloy ko nalang yung kantang ginagawa ko.
Kinalikot ko ang bag ko. O___O Wala ang song book ko!
Nasaan na 'yun? Alam ko hindi ko dinala sa company 'yun eh.
*ringgggg*
Sejin Oppa Calling...
"Oppa?" Masigla kong bati.
"Eo, Bella. How are you?"
"Okay naman ako Oppa, ikaw po?" Rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
"I'm good also, I'm sorry to disturb you at this hour Bella but I need to ask you something and I'm very sorry about this." Medyo kinabahan ako ate sis.
"S-sige po."
"I was roaming around and saw something. A notebook to be exact. Actually the guard handed it out to me. It's a good thing na ako ang nakakuha not someone else. I saw your songs. I like the lyrics, are you a former producer or composer?"
O___O
O___O
Nakita ni Sejin Oppa ang mga gawa ko? Nakakahiya!!!!
"A-ah. Composer and performer po."
"Do you mind playing it by tomorrow? Pdogg and David Stewart will pass by at our company. Come to work tomorrow at exactly 5am. Let me hear your song Blueming, okay? I think you have potential. Be ready and you can do it! We'll be cheering for you. Goodnight." WHAT???
Is this real? Am I going to perform my song Blueming to Sejin Oppa and other producers?!!!
OMGGG!!!!
JIMIN'S POV'
"What? Bella can sing?" Tanong ni RM hyung.
"Jinjja?" Sabi naman ni Jhope.
"Wow." Hirit naman ni Jungkook.
I'm surprised too. Bella's the type of girl that always read books and just sit at home watch movies, but I was way more surprised that Sejin Oppa said that she have an amazing voice.
"I heard her sing." Biglang singit ni Suga habang nag cecellphone.
"Jinjja?" Tanong naman ni Jhope ulit.
"Yeah. She has an angelic voice. Way way better than any other girl group main vocals." Wow. Hindi sana ako maniniwala kung hindi si Suga ang nagsabi pero knowing Suga, minsan lang mag compliment. When she really liked a song she will brag about it.
Nagtataka ba kayo pano namin nalaman? Tinatanong kasi kami ni Sejin Oppa, kung kasama pa namin si Bella then he said that he has Bella's song book.
So she's a singer plus a composer?
"I they will let Bella sing tomorrow kaya pinapapunta siya ng maaga bukas sa company." I don't know but I'm like her boyfriend who's really proud of her. Wished I was hahaha.
NEXT DAY...
BELLA'S POV'
Time Check 4AM.
Nandito na ako sa malaking room na may mga drums, gitara at kung ano ano na pang perform. Nandito na din ang BTS at TXT. Si Sejin Oppa at Bang PD nim nandito din kaya kung alam niyo lang ang kaba ko grabe. I feel ko daw na parang nag peperform na ako para makita daw nila kung may potential daw ako.
Inayusan din ako ng makeup artist ni Jungkook since hindi daw ako pwede magpagod. Jusko, mag mamake up lang sa sarili mapapagod na ba ako nun? Pero ang bait talaga ni Sejin Oppa, no wonder bakit naging successful ng sobra ang Bangtan dahil super friendly ng environment ng Big Hit.
Napaka biglaan nito para saakin ni hindi man lang ako nakapag rehearse kaya dinaan ko nalang talaga lahat ng ito sa dasal. Bakit parang sobra kaba ko? Pero para sa pangarap ko gagawin ko lahat, aalisin ko lahat ng hiya sa katawan ko kahit na nandito pa si Taehyung.
Nagtayuan naman kaming lahat ng biglang dumating ang dalawang producer na makikinig daw saakin. Grabe biglaang audition talaga 'to mga ate sis. Hindi man lang ako ininform na mag suot ng maayos ayos. Naka sweater lang ako ngayon at take note ivivideo daw nila ito at kapag nagustuhan may chance na ipopost daw sa 1theK.
"Bella are you ready?" Tanong ni Sejin Oppa.
Huminga naman ako ng malalim. "Ne Oppa." Nginitian niya ako saka tinuro ang lugar kung saan ako magpeperform.
"Just be yourself Bella and feel the music." Dagdag naman ni Pdogg-nim ang producer ng Fake Love. "Ready? In 3..2..1.."
NARRATOR'S POV'
All eyes on Bella...
Hindi sila makapaniwala kung gaano ito kagaling kumanta at mag perform. Na para bang matagal na itong nag debut.
"Grabe, si Bella ba talaga yan?" Tanong ni Jhope.
"I know right?" Dugtong naman ni RM.
"That's my girl." Napatingin naman silang lahat kay Jimin na nagsalita habang ngiting ngiti itong nakatitig kay Bella.
"Tss." Napainom si Taehyung saka nito nilukot ang plastic cup na walang laman.
Hindi din makapaniwala si Taehyung, sa tinagal tagal ng relasyon nila ni Bella hindi niya akalain na may talento pala ito sa pagkanta.
"What do you think Pdogg-nim?" Tanong ni Sejin.
"She has potential, I like her stage presence. She also look good on camera, she's born to be a singer." Napatango tango din si David Stewart and producer ng Dynamite.
Natapos ang kanta ni Bella ng palakpakan at hiyawan ang maririnig sa buong studio.
"WOOOOOW!" Sigaw ni Jhope saka ito tumayo at pumalakpak.
Lubos ang ngiti ni Bella sa kanyang labi at hindi niya namalayan na umiiyak na pala ito sa sobrang saya.
"We'd like to work with you Bella." Sabi naman ni Bang PD nim habang malapad na nakangiti kay Bella.
Lumapit naman agad si Jimin kay Bella saka ito bumulong. "I'm so proud of you. You're really amazing Bella."
"Thank you Jimin." Nagulat ang lahat ng bigla siyang yakapin ni Jimin kasabay nito ang pag walk out ni Taehyung.