ELLAINA TINITIGAN ko ang dalawang kamay. Ano bang problema niyon at hindi makapag-pump nang maayos? Paano ako matututo sa CPR lesson ko kung iyon lang ay hindi ko pa magawa? Syempre importante iyon as being a nurse, pero mabigat kasi ang mga kamay ko. “Queen, are you okay?” Nilingon ko si Jarred. Katatapos lang nitong maligo at nakabihis na ng t-shirt na puti at short. “Iniisip ko lang kung bakit kay bigat ng kamay ko sa pag-CPR? I need to practice more pa siguro pero walang may gusto na mag-volunteer man lang,” sagot ko. Saglit naman itong nag-isip bago ngumiti ng tipid sa akin. “Alright, let me be your patient for this once,”he said na ikinatuwa ko. Napatayo ako sa sobrang galak. “Really? Are you sure?” “Yup. Hindi na naman ako busy bukas, so I will help you to your study.” “

