ELLAINA Nang gabing iyon ay hindi ko inaasahang pupuntahan ako sa Villa ni Raiko. Tsismoso talaga. Tulog na si Magi at Aling Meding ng mga sandaling iyon at kami na lang ng binata ang nasa sala. "Inaantok na ako, Raiko. Wala naman akong nasagap na balita sa mag-asawang iyon dahil pinauwi agad ako ni Azzer," salaysay ko sabay hikab. "Gano'n ba? Ahmm, iba naman ang sadya ko rito, Ellaina," anito. Napatingin ako kay Raiko nang makitang bigla itong nagseryoso. "A-ano 'yon?" tanong ko. Ewan ko ba pero bigla akong nakadama ng kilabot sa hitsura ng lalaki. Saglit itong nag-isip na tila nag-aalangan kung sasabihin sa akin ang sadya o hindi. "Baka tawanan mo ako, eh." "Ano nga 'yun? Kung nakakatawa, eh, 'di tatawa ako." Napabuntong-hininga ito. Saka iginala ang tingin sa paligid ng

