ELLAINA Panay ang pag-iyak ni baby Jarella na nasa kanyang crib ngunit hindi ko ito magawang kalungin dahil sa sobrang pagkahilo na nararamdaman ko ng araw na iyon. Kung bakit naman kasi ang tagal makahanap ni Jarred ng tagapag-alaga sa bata? Hindi rin naman kasi ako masyadong marunong pa. Mas magaling pa nga sa akin ang asawa sa pagkalong sa anak namin. "Jarella, tumahan kana baby ko. Nahihilo si mommy. 'Pag kinalong kita'y baka sabay pa tayong matumba," kausap ko sa sanggol. As if naman maiintindihan niya ako. Saka naman dumating sina Raiko at Chad. Nakahinga ako nang maluwag. Sa wakas ay may tutulong sa akin. Agad nilang nilapitan ang sanggol. "Ellaina, anong ginagawa mo? Alam mo nang umiiyak ang bata tapos nakatanga ka lang d'yan?" pasita na tanong ni Raiko saka mabilis na kinarga

