JARRED "Jarred!!!" Iyon ang malakas na atungal ni Azzerdon habang niyuyugyog ang magkabila kong balikat. Bago pa ito mapahagulgol ay ipinasya kong imulat na ang mga mata. "Azzer, tama na ang drama. Wala na si Ellaina," pabulong kong wika sa lalaki na ikinatigil nito sa pag-ngawa. Pagkuwa'y mabilis itong tumakbo sa bintana saka sumilip doon pagkatapos ay bumalik sa akin. "W-wala na nga ang malditang impaktita," sang-ayon nito saka ako tinulungan na makawala sa pagkaka-posas. Tiim ang aking bagang habang ginagawa iyon ng kaibigan. Hindi ko alam ang plano ni Ellaina pero natitiyak kong hindi ito titigil hangga't hindi kaming lahat napapahamak. Pasalamat na nga lang ako at nakakakilala pa ang asawa. Paano kung tuluyan na kaming mawala sa kanyang sistema? I love my wife, no questions ab

