ELLAINA Hindi ko akalain na sa gitna ng saya ng aming pamilya kasama ng mga kaibigan ay darating ang isang pagsubok, 'yun ay nang nawala sina Azzerdon at Danica sa cruise ship dahil sa kagagawan ng mga Villegas. Walang malinaw na report kung buhay pa ang mag-asawa ngunit naniniwala kami na hindi pa patay ang mga ito. Inanod lang marahil ng dagat at napadpad kung saan. Kaya hindi tumigil sina Jarred sa paghahanap sa mga ito. "Ilang isla na ang napuntahan ng mga tao ko pero wala sila roon," pagbabalita ni Chad. Nasa Villa ito kasama sina Angelo, Seb, Trixie, at Raiko na lahat ay nag-aalala sa sinapit ng mag-asawa. "Ako rin, Master. Marami na akong inutusan para mahanap sina Azzer, pero kahit isa sa kanila ay hindi natagpuan ang dalawa," wika rin ni Angelo. Nagtataka ako sa reaksyon ni J

