Fulvia Smith's POV* "Kamusta naman si Cassidy? wife." baling nasabi sa akin ng asawa ko, habang nagbibihis siya galing trabaho. Masyado siyang naging busy at lalo na sa pagpapaliwanag sa kaibigan niyang si Jack na nilamon na nang galit. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong ginawa kundi isisi sa pinsan ko ang lahat. Habang ang pinsan ko'y wala sa sarili at nalilito kung ano ang nangyayari sa kanya. Napatingin ako sa bintana at ngumiti ng mapait. Hindi ko masabi sa asawa ko na masyadong naapektuhan si Cassidy at naghihirap ang puso nito sa ngayon ay nilalamon din ng sariling pighati, galit, at puot. "Nasaktan siya nang sobra at apektado ang mga team ni Sonia sa mansyon." Napabuntong hininga ako at umiling at napahawak ako sa akin sentido at agad na lumapit ang asawa ko para hilutin ang m

