Jack Adii's POV* Kasalukuyan akong nakatambay sa bahay nila Theodor at nang hihingi ako ng advise sa Doctor na 'to kung pa-paano ako aamin kay Amazona na hindi siya nagagalit sa akin kaagad. Sh*t! Paano kung pagtawanan o ano pa sabihin nun sa akin na ikakasakit ng akin puso? iiyak na naman ako sa guwapo kong ito. "Sh*t! Ano naman sasabihin ko p-pre. B-baka tawanan ako nun?" Para kong nasisiraan ng ulo kakalakad at kakaisip kung paano. "Ikaw na ang nagsabi ‘di ba? na parang may nararamdaman din naman sa 'yo si Cassidy 'yong pangarap mo lang ah, iyong ipinagdadamot ka niya," napatingin naman ako sa kanya na para ba yatang hindi pa siya naniniwala na parang may gusto sa akin si Cassidy. Pag 'to pinatay ko dito o sapakin ko sa mukha. Comatose to 10 years, hindi niya ako makakalimutan. "Sas

