Natapos ang buong araw ay pagod na pagod si Jack sa kakalaro kay Maria at pati na rin si Sherlyn. Maasahan naman pala mag-alaga ang arte-arte pa, buong araw silang naglalandian at nagkikilitian. Kahit ako ay minsan ginugulo nilang tatlo, buti na lang napagod sila at busy talaga ako kumapit ng mga mission ngayon at idagdag mo pa na kailangan ko na din mahanap ang katanungan sa aking isip kung sino ba talaga si Sherlyn. Kaya hindi ko na malayan ang oras sa sobrang busy ko sa mga ginagawa ko. Nakita ko na lamang na nakahiga na din si Jack katabi ni Maria at katabi naman nito sa kabila si Shelyn na tulog din. Tahimik na natutulog si Maria ganoon din si Sherlyn, samantalang si Jack niya'y nakaka-nganga pa habang naghihilik. Napapailing na lamang ako kanina lamang mag-kaaway ngayon naman, magka

