"HEY, Kerk. Are you listening?"
Napalingon si Kerkie nang marinig ang boses ni Dunhill. Hindi niya napansin na nahulog na pala siya sa malalim na pag-iisip.
"Yeah." Maikling sagot niya. Nagtuloy ang meeting nila. They are talking about the new project. His team are working very well with the plan. Bukod sa hawak niya ang Finance Department ay nagha-handle din siya ng ilang Business Development Projects para ma-consider niya kung hanggang gaano kalaking gastos ang need nila ilabas. Pagkatapos ng meeting ay nagsilabasan na ang lahat. Naiwan silang apat sa loob ng conference room. Napalingon sa kanya ang mga kaibigan.
"What is happening to you, bro?" sita ni Wade.
Umiling siya. "Family problem. Just don't mind me."
"Family problem? Kailan pa na-involve ang family problem mo sa trabaho? You're a focused and proactive person Kerkie, especially at work. Alam mo kung kailan ihihiwalay ang trabaho sa problema. What is really happening?" Litanya ni Dunhill.
Napabuntong-hininga siya. Kilala talaga siya ng mga ito. Wala siyang maitatago kahit gustuhin niya.
"She's with Mom right now and it bothers me."
"She? Sino?" Takang tanong ni Daniel.
"Don't tell me it is... "
Tinignan niya si Wade. "Yes, it is Sabrina. She came back like there's nothing happen."
Pumalatak si Daniel at napailing si Dunhill.
"What's your plan?" Tanong ni Dunhill at lumapit sa kanila.
"Nothing." Tinitigan niya si Dunhill. "I'm not you, I'll never hurt the woman I love. I'll never get even and hurt her."
Tumiim ang bagang nito.
"Kerkie, what Dunhill meant is what are you gonna do now? Hahayaan mo lang siya mapalapit sa stepmom mo nang ganoon? Paano kung saktan ka niya or her mom?" salo ni Wade.
Siya ang unang nagbawi ng tingin. Sa totoo lang hindi niya gusto ang plano ni Dunhill to make Joanna or Anna suffer. He has seen the woman at the Pleasure Club and he feels sorry for her and pities her. Kahit sino ay hindi gugustuhin ang ganoong klase ng trabaho. They were his friends but he is not helping them to the extent of someone else misery.
Isa pa itong si Wade, he was playing with fire. The next thing he knows, he will burn with it. Ang una at huling tulong na ginawa niya ay ang tulungan si Wade mabuksan ang phone na kinuha nito sa nangangalang Kara-- Joanna's friend, Dunhill love of his life. After that, he never does anything. Hinayaan na lang niya si Wade kung saan nito idawit ang pangalan niya basta he was out there.
Hindi niya gets kung bakit kailangan maghiganti. Para saan kung mahal mo ang tao?
"She forgives mom. Masaya ko dahil nagawa niya after all these years."
"And you forgive her that easy? Kerk, sinaktan ka niya ng sobra. We are there and see everything you had gone through. Hindi madali yon, lalo't bumalik siyang parang walang nangyare." Piyok ni Daniel.
Napabuntong-hininga siya. He had gone through enough pain. Bukod sa mga ito ay tinulungan siya ni Samantha her girl now. Lalo nang dumating si Kerra-- the angel of his life. Gusto niya maging mabuting tao sa batang iyon. She deserves the world. Somehow, she brings the old him again. Pero hindi pa ang buong siya. He still felt incomplete
Hindi niya nilingon ang pinto nang lumabas si Dunhill doon. Bumalik ang tingin ng dalawa sa kanya.
"Maybe you're not Dunhill but both of you still love the woman who had hurt you bad. Siya hindi niya lang alam kung paano i-handle ang feelings na meron siya. He's keeping his heart for breaking and that is understandable.
Ikaw naman, lunod ka pa rin sa pagmamahal mo sa kanya. That may end badly, it may hurt you again. Careful, Nash Kerkie. Sabrina hurt you because of your family history. Hindi imposibleng ulitin niya 'yon."
Maybe Wade is right but he will give it a shot again. Dahil mahal pa rin niya si Sabrina. Sobra pa rin...
---
"ANO pa po ba ang gusto nyo, Mom?" nakangiting tanong ni Sab habang nakatingin sa ina na kakatapos lang kumain.
Kasalukuyang kasama niya ang ina sa silid nito. Umuwe na ito sa bahay ng mga ito. Nang um-okay na ang pakiramdam into pinayagan na ito ng doktor into manatili sa bahay. She's taking care of her for a meanwhile. Hindi pa kasi dumarating ang personal nurse nito na saglit na umuwe dahil may emergency diumano sa bahay nito. Siya muna ang nag-boluntaryo na magbantay sa ina.
Isang linggo na mula nang magkausap sila at maging okay. Araw-araw ay pinupuntahan niya ito para bisitahin. Hiling din nito ang palagi makita siya. Kahapon, pumunta ang kuya Aldrin niya kasama ang ama sa mansyon ng mga ito. Ganoon rin ang kuya Alden niya at ang fiancee nitong si Barbara ay sumunod para makita ang ina nila. Ang ibig sabihin niyon ay hindi nakatiis ang kuya Alden niya sa nalaman ng kalagayan ng ina at ang makita ito.
But still may sama pa rin siya ng loob sa ama. Pero hindi na siya galit rito. Ayaw na niya manisi. Nadala na siya ng huli. Tama na iyon.
Umiling ito. "Wala na. Masaya ako na nandito ka at kasama ko, bunso."
Parang lumubo ang puso niya sa narinig. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya magtanim ng galit sa ina gayong palagi naman pinapaalalahanan siya ng ama na huwag magalit rito. Siguro dahil makasarili siya noon at immature kaya wala siyang inisip kundi ang galit at ang sarili niya. Kung noon pa man ay tinanggap na niya ito sa buhay niya ay sana matagal na silang masaya. Baka hindi pa niya nagawa saktan si Kerkie.
Hindi niya agad napansin na tinatawag siya ng ina.
"Sabrina, may problema ba anak?"
"Po?"
"I know that your relationship with Nash wasn't smooth sailing." Ani ng kanyang ina.
Tinignan niya ito.
"But I want you both to be happy." Ngumiti ito sa kanya. "When I found out that you are Kerkie's love of his life I asked myself with my decision why I married his Dad. Ayoko na ako ang maging dahilan para hindi ka maging masaya."
Napalunok siya. "You shouldn't regret it, Mom. Hindi naman po natin alam na magkakaganito. You were happy with them and you love him."
"We have this special bond that we two understand. I know that you and Nash knew that." Paliwanag ng ina.
"You don't love Dad anymore and I do not blame you. I never blame you anymore for what happens, Mom."
"And I'm thankful for that, anak."
"Puwede ba ko humingi ng pabor sa'yo." Ginagap niya ang kamay nito at tumango. Ibibigay niya ang lahat ng hihilingin nito sa abot ng makakaya niya. "Si Kerkie. Puwede mo ba siya tawagan para sa akin?"
Ngumiti siya. "Sige po. Aalis lang ako sandali." Paalam niya.
Nakangiting sumandal ito sa headboard ng kama at pumikit. Saglit na iniwan niya ang ina para bumaba at kunin ang numero ni Kerkie sa ama o kung sinuman ang may alam ng numero nito. Hindi pa man siya nakakababa ay nakita niya agad ang batang babae na tumawag ng Daddy kay Kerk. It was his child.
Ngumiti siya sa bata nang tumingin sa kanya.
"Hi tita! Kumusta po?" Magalang na tanong nito.
Tuluyan na siyang bumaba at sinalubong ito. "How's your school?"
"It was great po. Daddy will be very proud if he sees these." Pinakita nito ang kamay na puno ng mga stars. "Very good. I'm sure he's very proud of you."
She felt a tingle of jealousy toward this child. Mabuti pa ito mahal na mahal ni Kerkie samantalang ang mga anak nila... But who's to blame? It was all her fault.
Napabuntong-hininga siya. Alam niya na kasalanan niya kung bakit nasaktan sila parehas. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para makabawi sa rito.
"Do you have your Dad's number? Gusto niya makausap ang Daddy mo."
"Yayooo!" tawag nito sa kasambahay na kasama nito. Lumapit ito sa kanya at binigay ang kailangan niya.
Mabilis naman na tinext niya si Kerkie. A minute later, he was calling.
"H-hello?"
"Yes, Sab? " kaswal na tanong nito.
"Mom wants to see you. Makakauwe ka ba agad?"
Nakagat niya ang ibabang labi nang hindi ito sumagot agad. Nilayo pa niya ang cellphone sa tainga sa pag-aakala na naputol ang linya.
"Wait me there. I'll be home at 3pm." Sagot nito at pinatay ang tawag.
Napatitig siya sa screen ng cellphone niya. She hopes it was fine for him that she was there.
"Tita, are you gonna upstairs po kay lola 'di ba? Sama po ako." Ang maliit na boses ng bata ang pumukaw sa kanya.
Ngumiti siya. "Of course. Let's go na."
Hinawakan niya ang maliit na kamay nito at sabay silang umakyat. Nang malapit na sila sa kuwarto nito ay bumitaw na sa kanya ang bata at tumakbo sa silid. Naabutan niya ang mga ito na masayang nagkukuwentuhan. Ang saya-saya tignan ng mommy niya.
Sana ay dumating ang araw na maipakilala rin niya ang mga anak nang wala ng masaktan.
----
"TAKE CARE of my daughter, Nash. Mahalin mo siya tulad dati kahit nasaktan ka niya." Ginagap niya ang kamay ng stepmom nang iabot nito sa kanya iyon. "Sorry that I'm the cause of your pain."
Pagdating niya ay umalis na rin si Sab. May lakad diumano ito at hinintay lang siyang dumating. Pero sa tingin niya ay naiilang itong magkasama sila.
"Ma, wala kayong kasalanan sa nangyari noon." Hindi tumitingin na sabi niya. He was guilty. Nandoon ito kapag kailangan niya ito. Pero siya ba? Wala siyang isinukli rito kundi paninisi. There are time he blame her for everything. Kapag naaalala niya iyon ay nagagalit siya sa sarili.
Naramdaman niya na hinaplos nito ang mukha niya. "Nasaktan kayong dalawa dahil sa akin. Hindi ko alam kung paano ko gagawing tama ang lahat para sa inyo. Alam ko, kayo ni Sab ang para sa isa't-isa. Nakita ko kung gaano ka kasaya ng minahal mo siya. Walang karapat-dapat sa anak ko kundi ikaw lang."
Kitang-kita niya kung paano tumulo ang mga luha sa mata ng stepmother niya. Imbes na isipin lang nito ang anak ay iniisip din nito ang nararamdaman niya. Nagkagalit sila ng ama dahil sa paninisi niya rito na kung tutuusin ay hindi naman nito kasalanan. Muntik pa umabot sa punto na putulin niya ang koneksyon sa mga ito. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon noon? Kahit ngayon na ayos na sila ay hindi pa rin niya maiwasan mainis sa sarili sa ginawa noon. Paano niya nagawa sisihin ito gayong tama ito na wala itong kasalanan sa kanya? Wala itong ginawa noon kundi ang mahalin at alagaan siya.
Naramdaman na lang din niya ang pagpatak ng luha. Napapikit na lang siya.
"I know you still love her. Ipaglaban mo. Huwag mo isuko ang nararamdaman mo sa kanya. Gusto ko maging masaya ka." He felt it. Gusto niya ulit talaga subukan. "You both deserve to be happy with each other."
---
"HELLO! Are you not happy to see me?" tanong ni Ricky na kumaway-kaway pa sa mukha ni Sabrina na malalim ang iniisip. Ilang araw na ang lumipas nang huli siyang pumunta sa ina.
Nasaktan na niya ito ng husto at tama na iyon. Mas mabuti nga siguro kung hindi na sila magkikita ni Kerkie pero bakit kapag naiisip niya ang bagay na iyon ay nasasaktan siya. Parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib niya. Hirap siya huminga.
Naramdaman niya na may humawak sa kamay niya.
Nilingon niya si Ricky. "May problema ba?"
"Huh?"
"Kita mo na, hindi ka nga nakikinig sa akin. Kanina pa ko salita ng salita at parang hindi ka namin kasama. Ang lalim ng iniisip mo."
Napabuntong-hininga siya. 'I'm sorry. Medyo space-out lang."
"Gusto mo pag-usapan?" tanong ni June.
Kapagkuwan ay nagkuwento na siya sa mga kaibigan. Ang guilt at ang sakit na nararamdaman niya noong nalaman niya ang sakit na naidulot niya kay Kerkie. Isipin pa lang niya ay parang may pumipitpit sa dibdib niya.
"Mahal mo pa ba?" tanong ni June. She was caught off guard. Sinubukan niya kalimutan ito dahil sa bagay na nagkokonekta sa kanila. Pero hindi niya nagawa...
Sobra. "Sa kanya lang ako naging masaya ng ganito. Hindi ko siya dapat mahalin, alam ko ang bagay na 'yon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko."
Nasa tapat lang niya si Ricky at tinitigan nang maigi ang mga mata niya.
"Masyado na siyang nasaktan sa'kin. Kahit gaano ko siya kamahal kung wala naman akong ibang ginawa kundi ang saktan siya ay mas mabuti na itigil ko na ito." Katwiran niya.
Isa pang bumibigat sa dibdib niya ang katotohanan na stepbrother niya si Kerkie. "At isa pa, mali ito. Stepbrother ko na siya."
"It's a new era, dear. Hindi naman kayo blood related so it is legal. Hindi naman kayo parehas ng apelyido and raise as step-siblings."
She sighed.
"Mahal mo siya at may anak kayo ni Kerkie. It is all matters." Ani June.
Hindi lang niya masabi sa mga ito na hindi na siya mahal ng lalaki. He had a child already.
"Kung palagi mo iisipin ang iba paano ka naman. Hindi ka magiging masaya kung wala kang ginawa kundi isantabi ang sarili mo." Napabuntong-hininga na sabi ni Ricky sa kanya. "Kung tungkol naman ito sa pamilya mo. I'm sure they will understand. Mahal ka nila Sab at sigurado ako na ang maging masaya ka ay ang number one priority nila kaysa sa kung anuman."
"Set aside everything and be happy. Huwag mo hayaan na pigilan ka ng takot. Hayaan mo ang sarili mo maging masaya. Admit him about the existence of the kids." Pinisil ni June ang kamay niya. "Everyone deserves it. Grab it. And never let go of your happiness. I'm sure kapag nalaman niya ang tungkol sa kambal magiging masaya siya."
"Pero may anak na siya. Baka hindi na niya kailangan ang mga anak ko.
"But the twin needs him, Sabrina." Ani Ricky. "Please don't overthink. Mas masasaktan siya kung sa iba niya malalaman ang tungkol sa mga anak n'yo."