"DADDYYY!" Nagtakbuhan ang mga bata kay Kerkie nang makita siya ng mga ito. Mabilis na binuhat niya sina Nalena at Nathan nang sumugod sa kanya. Pinugpog niya nang halik ang kambal na ikinahagikgik ng mga ito. "Daddy, miss ka na po namin." malambing na sabi ni Nalena at hinalikan siya sa pisngi. "Oo nga, daddy! May pasalubong po ba kami?" ani Nathan. Ngumiti siya sa mga anak. "Oo naman. Kunin natin mamaya kapag naipasok na ni Manong." Tila kitikiti na naman ang mga ito kaya natatawang binaba niya. Nakatunghay naman sa kanya si Kerra kaya binuhat din niya ito. Hinalikan niya ito sa pisngi kaya kumunyapit naman sa leeg niya. "Daddy, bakit ngayon lang po kayo." malungkot na sabi nito. Hinaplos niya ang buhok nito. "Miss mo ba ko?" Tumango ito. Hinalikan niya ulit ito sa pisngi bago i

