TWENTY-FIVE

2139 Words
"DID Nash text you if he's on the way?" Nilingon ni Sabrina ang Daddy ni Kerkie. Kakahatid lang niya sa mga bata sa kuwarto ng mommy niya. Iba ang excited ng mga bata pagkakita sa lola nila. Sinuway pa nga niya ang dalawang bata dahil baka mapagod agad ang mommy niya. Kaka-recovered lang nito at isa ang mapagod sa iniiwasan nila. Tinignan ulit niya ang cellphone niya. Walang kahit na anong mensahe kay Kerkie. Galit pa rin siguro ito sa kanya. "Huwag ka na mag-alala, hija. I'm sure he's on his way na." Nakangiting sabi nito. She felt the guilt again. "I'm sorry po, kung ngayon ninyo lang nakilala ang dalawa. Kasalanan ko kung bakit ngayon lang. Sorry po talaga." Ngumiti ito ulit pero hindi na umabot iyon sa mga mata nito. "Nangyare na ang mga nangyare. I can't blame you or anyone. Ang mahalaga lang ay nandiyan ang mga bata. Your mom will love the twins more than her life. Sigurado kong gugustuhin niya mabuhay ng matagal dahil nandiyan ang mga anak n'yo." Tinapik nito ang balikat niya. "Get the kids and your mom. Kakain na tayo." Tumango siya at pumanhik para kunin ang mommy niya at ang mga bata. Nang makarating sa hapagkainan ay ang mommy pa niya ang nag-asikaso sa mga bata at tinulungan niya ito. Napapangiti siya nang makita na may kulay na ang mukha nito. Tama nga ang desisyon ni Kerkie dahil ang mga bata. Naging maingay ang mga ito habang kumakain. Nagkaroon ng ingay ang kabahayaan dahil sa mga bata. Nasa kalagitnaan sila nang pagkain ng dumating si Kerkie. Tumakbo si Nathan patungo sa ama na mabilis na binuhat nito. Hinalikan nito ang pisngi nang bata na ikinahagikgik nito. Saglit na tinapunan siya ng tingin bago hinarap ang mommy niya at daddy nito. Hinalikan rin niya ang noo ng mga anak nilang babae. "Daddy, si Mommy po walang kiss?" Inosenteng tanong ni Kerra. She bited her lower lips. Nagiging makulit na rin si Kerra. "Oo nga po, Daddy. Kiss mo rin si Mommy." Nathan spoke. "Kiss mo na si Mommy, dali." Nalena teased. Nagkatingin sila ni Kerkie. Nahigit niya ang hininga nang dumukwang ito at hinalikan siya sa pisngi. Ang bilis ng t***k ng puso niya dumoble iyon nang maramdaman ang mainit na labi nito sa pisngi niya. Nang tumingin siya sa mga magulang ay may tipid na ngiti ang mga matatanda. Namula naman ang mukha niya. Patapos na sila kumain nang may dumating na hindi inaasahan na bisita. Mabilis na tumayo si Kerra sa kinauupuan at tinakbo ang bagong dating. Her face glow as Kerra approaching on her way. Kilala niya ito. "Mommy, Kat-Kat!" Kerra's voice echoed. "Oh, Kerra baby. How my favorite niece?" She coyly asked her. Hindi pa siguro siya napapansin nito dahil na kay Kerra ang buong atensyon. Pumantay pa ito sa bata at hinalikan ang pintog na pisngi. She fondly stroke her cheek. "I bought your favorite toys and may pasalubong rin akong chocolates. You will love it." Nabura agad ang ngiti nito nang tumingin sa kanya. Tumayo na ito at tumingin sa kanilang lahat. Nakita niya na tumiim ang mga bagang nito nang makita ang kambal. Walang kahit ano itong sinabi pero alam niyang alam nito. Parang si Kerkie lang. Lumapit ito sa kanila at tinitigan ang mga kambal. Her eyes flick with amusement and suprised. "Hi, how old are you both?" She softly asked. "Magfa-five na po next month." Nakangiti na sabi ni Nathan. Her lips parted a bit. Still in shock. Nang tumingin ito sa kapatid ay gumihit ang galit sa mukha nito. "What a suprised, huh?" "Katherine," tawag ng matandang Hernandez sa bunsong anak. Bumuntong-hininga ito at lumapit sa mga magulang nila. Humalik ito sa ama kapagkuwan ay sa ina niya. Hinaplos nito ang mukha ng babae. "Kat, anak..." Kat's sighed again. "I'm okay, Mama. How are you na po? Did you take your meds na?" Ngumiti ang ina. "I'm fine. Kumain ka muna. I cooked sinigang at chop suey." Tumango ito at hinalikan ang mga kamay ng ina. "I'll go upstairs to change my clothes. Kakain po ko pagbaba ko." Saglit na sinulyapan siya ni Katherine bago bumalik ang tingin sa mga anak nila. Naramdaman niyang tumindig ang balahibo niya sa tingin nito. "Let's go upstairs. Tita has so many pasalubong sa inyo." aya nito, hinawakan nito sa kamay si Kerra. Lumingon si Kerra sa mga kapatid. Tumingin ang kambal sa kanya. Tumango siya at dali-daling sumunod ang mga ito sa pangunguna ni Kerra. Nang makaakyat na ang mga bata ay tumingin siya kay Kerkie na malayo ang tingin. She sighed and smiled to her Mom. Katherine didn't want her there. Ramdam niya sa tiim ng titig nito sa kanya. Nang matapos kumain ay tumulong siya sa pagliligpit ng mga kinainan. Pumanik na ang mga matatanda sa taas. Nang matapos ay papa-akyat na rin siya nang marinig niya ang mga boses sa may pool area. Marahan na lumapit siya at sinilip ang mga ito. Nakita niya ang magkapatid na mukhang nag-aaway ang mga ito. Alam niyang dahil sa kanya dahil ramdam niya iyon nang dumating ang bunsong kapatid nito. "Dalawang linggo lang ako nawala tapos ganito? What's wrong with you, Kuya? Dinala mo pa talaga ang babaeng 'yon dito sa bahay. Baka saktan na naman niya si Mommy." Mahina pero may diin na sabi ng kapatid ni Kerkie na si Katherine. "Katherine, please just let it pass. My kids might see your treatment to Sabrina. Masasaktan ang mga anak ko." "That's makes me so furious. I love the kids kasi anak mo sila but Sabrina nothing have to do with us? She almost destroy this family, your relationship to her real mom which our stepmom. Hindi ko makapaniwala na hinayaan mo siya ng ganoon kalapit na parang walang nangyari." "Be good to her for the sake of the kids," tila pagod ng pakiusap ni Kerkie sa kapatid. "But I'll never forget what you have been through because of her... You got in a car accident five years ago and fuckin' two weeks in a coma. Tapos tinago pa niya ang mga anak mo in five years? How the f**k I can calm down?" Nagulat siya sa narinig. Kerkie got into a car accident and coma for weeks. How could it be... "Mom got sick because of your hatred towards her. Kung hindi nga lang siya muntik na mamatay I doubt kung umuwe ka dito sa bahay." Hinaglit nito sa braso ang kapatid. "Stop it, Katherine." Mariim at may banta na sa boses nito. Mabilis na binawi nito ang braso. Tila lalong nagalit si Katherine sa sinabi ng nakatatandang kapatid. "Nang umalis ka at tinalikuran mo ang pamilya natin wala kang narinig sa amin...hindi ako nagsalita kahit ang sama sama ng loob ko sa'yo, kuya. Tinanggap ko ang binitawan mong responsibilidad sa pamilyang 'to kasi alam kong nasasaktan ka. Sinalo ko ang posisyon mo sa kompanya kahit alam mong hindi ako interesado. I don't want to break Dad's heart again. I don't want to hurt and disappoint him again." pagtatapat nito. Nag-iwas ng tingin si Kerkie. "I lost my brother and protector. I lost my family the moment you step out of our house. This house never been like before when you cut the ties between our family. Dad never blame Mama but she was always crying and asking for Dad's forgiveness. Sinisisi niya ang sarili niya bakit umalis ka. Bakit ayaw mo na maging parte ng pamilyang 'to. Inintindi ko 'yon lahat kahit pa noong nalaman ko na lumipat ka sa kompanya ng kaibigan mo wala kang narinig sa akin. Lahat 'yon tinanggap ko kahit dapat magalit ako sa'yo. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na kaya ka umalis kasi gusto mo hanapin 'yong sarili mo na nawala nang saktan ka niya. Mama remind you of Sabrina so you want to stay away. Lahat iyon, kuya. Now, tell me am I too much right now?" puno ng pagtitimpi ang boses nito. She said it calmly but there's a hint of hatred and disappointment. Tila nang mga oras lang na iyon nagawa sabihin ang nararamdaman sa mahabang panahon. Napahawak siya sa dibdib nang sumikip iyon. Hindi niya alam na ganoon katindi ang nagawa niya sa pamilya nito. Bumuntong-hininga ito na parang pagod na kausapin ang kapatid. Narinig rin niya na bahagyang nanginig ang boses nito. "Mom got so sick because you blame her... I know you do. Hindi ka man magsalita pero nakita ko 'yon nang tumingin ka sa kanya nang gabing iyon and I know Mama noticed that too. Her too much emotions lead her to this. Halos talikuran mo kami. I witnessed all of it at the very beggining. I see how mess you were after she told you she didn't love you and how it affects our family. But you want me to accept here?" "You have too, Kat. You know that." "But why? Gusto mo pa rin ba siya pagkatapos ng lahat? How about Sam? I like her for you. You become a better person because of her. I thought you were okay with her you once told me you are planning to marry her? Ano 'to? You left Sam for that selfish bitch." "Shut it right there, Katherine." may halo ng pagbabanta sa boses nito. "Hindi ibig sabihin na may anak kayo you can't be with Sam again. I know you care for her and maybe deep inside your heart, you loved her too. Nandiyan siya para sa'yo all these times and she accept Kerra too. I know she can accept the kids too." Kerkie's heavily sighed. "Kat, don't argue with me. Sabrina will be part of this dahil ina siya ng mga anak ko." "Bakit mahal mo pa ang babaeng 'yon?" Matagal na nagtitigan ang mga ito, si Kerkie ang unang sumuko. "I don't know..." She bit her lower lips. It made her heart shattered. "The moment I found out about the kids, all I want are the twins. Hindi ko puwede alisin sa buhay nila si Sabrina, Kat. I still love her God knows I want to pursue her again but after I found out that she hid the kids." Napahilamos ito sa mukha. He looked frustrated. "Tumindi ang galit ko sa kanya. Hindi matapos-tapos itong pananakit niya sa'kin and mga doubts ko... and to be honest, I'm still hurting. Ang gusto ko lang ngayon ay ang mga bata. Ayoko masaktan sila. She is here because of the kids, my children are my priority. Only them." "Then why did you broke up with Sam?" Bumuntong-hininga ito. "Ayoko lang siya saktan pa. I had two kids with Sabrina and Sam doesn't deserve any of this." "Mahal mo pa ba si Ate Sam?" "Always, Kat. Sam was there for me and I don't want her to drag into this mess. Aayusin ko ito." She closed her eyes and keep her tears. Nagmula mismo sa bibig nito na hindi na siya mahal ng lalaki. Siguro nang simula pero pagkatapos ng paglilihim niya sa mga bata at paulit-ulit na pananakit niya. Paano nga ba? Mas dinagdagan lang niya ang kasalanan niya nang hindi niya pinaalam ang mga bata. Mabilis na pumanhik siya at sinilip ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Mahimbing na natutulog ang tatlo sa kama. Nakadantay pa nga ang paa ni Nathan kay Kerra. Umupo siya sa kama at inayos ang higa ni Nathan. Hinahaplos-haplos lang niya ang pisngi ni Nathan at doon kumukuha ng lakas para pakalmahin ang sarili nila. "They are full of energy parang ikaw ng kaedad mo sila. Nalena really looks like you but Nathan has your attitude." Malumanay na sabi ng ina niya. Nasa likod lang niya ito at hindi nililingon. Nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa balikat niya ay tumulo na ang mga pinipigilan niyang luha. "Napalaki mo sila ng tama, anak. Sa kuwento ng mga bata mukhang mahal na mahal na nila si Nash kaagad. Masaya ko dahil buo na kayo." Hinawakan niya ang kamay nito. "I'm sorry, m-mommy. Hindi ko alam...wala kong alam." She silently cried. Her heart felt so heavy. Pakiramdam niya habang tumatagal ay mas lalong sumasakit ang lahat. Dahil sa estupido niyang desisyon noon ito ang bunga ngayon. She destroyed him. Sinira niya ang pamilya na hinangaan niya noon kay Kerkie. Mabilis na lumipat ito sa harap niya. "Sabrina, what happen?" Puno ng pag-aalala na tanong nito. Umiling siya. "I-I'm sorry po t-talaga. I'm a bad daughter and I don't deserve to be happy. I can't be happy." Lumambot ang ekspresyon nito. Tila paiyak na rin. "Oh, anak. What happened? Sabihin mo sa'kin, Sabrina." She silently cried even harder. Umiling lang siya at mahigpit na niyakap ang mommy niya. She keeps on saying sorry to her because of how much sorry she said to her or to Kerkie. It will never be enough. Never.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD