***
MAY ginawa ba akong kababalaghan kagabi? tanong ni Sabrina sa sarili habang pinakikiramdaman ang malaking binti na nakadantay sa kanya. Hindi na niya kailangan lumingon para malaman kung sinuman ang nasa tabi niya. Amoy pa lang nito ay kumpirmado na niyang si Kerkie iyon. Pinakiramdaman niya ang buong katawan. Nakasisigurado siya na walang kababalaghan na nangyari sa kanila dahil wala naman siyang nararamdaman na kakaiba.
Tinignan pa niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Laking pagpapasalamat niya nang mapagtanto na may damit pa siya. Nakahinga siya ng maluwag at inalala ang kagabi. Last night, nakipag-inuman lang naman siya kay Kerkie. Pero sa tingin niya ay mas marami ang nainom nito kaysa sa kanya. Uminom pa kasi ito pero natulog na siya dahil sa antok. Tapos ay ito na nga silang dalawa.
Sa buong talambuhay niya ay ngayon lang niya ginawa ang makitulog sa silid ng isang lalaki. Makipag-inuman rin sa lalaki. Napatingala siya sa kisame ng kuwarto. Napapikit siya nang pumintig ang ulo niya.
What really got into you, Sabrina? Baliw ka ba?
Baliw nga talaga siya dahil nasa silid siya ni Kerkie, katabi niya ito sa kama at higit sa lahat ay nakayakap pa ito sa kanya. Umiikot lang ang paningin niya sa apat na sulok niyon. Iniisip kung ano ang puwede gawing alibi o kung anuman para kumbinsehin ang sarili na hindi mali ang ginawa. Medyo masakit rin ang ulo niya marahil sa hang-over pero kailangan na niya umalis. Napapikit siya bigla nang gumalaw ito sa tabi niya. Lalo nitong siniksik ang mukha sa leeg niya kaya lalo yatang bumilis ang t***k ng puso niya. Ang init ng hininga nito ay nagbibigay ng kilabot sa kanya.
Pinayapa niya ang loob. Sa tanang buhay niya ni hindi niya nakatabi sa pagtulog ang isa sa mga kapamilya niyang lalaki. Pero ito siya, dahil sa kalokohan ay ito siya ngayon.
Great, Sabrina. Just great.
Nang sa tingin niya ay malalim na ang tulog muli nito ay unti-unti niyang inalis ang braso nito sa kanya. Mabilis na nagbihis at naghilamos muna siya bago lumabas sa pad nito. Hindi na niya uulitin iyon. Hindi na talaga.
***
HALOS mahigit ni Sabrina ang hininga nang bumungad sa kanya ang kaibigan niyang si Ricky. Nang huminto ang sinakyan na elevator sa floor kung nasaan ang unit nito ay kinabahan na siya. Pero nang makita ito ay halos ayaw na yata niya huminga. Hindi pa siya tuluyang napansin ng kaibigan dahil tila wala pa ito sa tamang huwisyo. Tila kagigising lang nito at kakatapos lang magsepilyo at hilamos. Mukhang bibili ito sa may ibaba sa convenience store.
Mula nang bumalik ito ay napansin niya na medyo tumamlay ang kaibigan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin maganda ang lagay ng ama nito. Hindi na niya ikinuwento ang tungkol sa maling pagpasok ni Kerkie sa unit nito. Wala naman sigurong nawala sa gamit nito kaya mas mabuti na wala itong alam. Baka mag-hysterical lang ito at mag-alala masyado. May problema na nga ito dadagdag pa siya. Mukha namang namali lang talaga si Kerkie sa pagpasok sa unit nito. Nalungkot siya ng kinuha na nito si Chi-Chi. Ayaw pa sana niya ibalik ang aso kaya lang alam niya ang pakiramdam na ma-miss ang alaga.
Medyo tumagilid siya upang hindi nito mapansin tutal naman ay nasa gilid siya ng elevator. Sa floor kasi ng kaibigan ay marami ang sumakay na mga papasok marahil sa trabaho at ilang mga estudyante. Nasiksik tuloy siya sa gilid kung saan malayong mapansin nito. Buti na rin siguro na ganoon dahil hindi rin niya alam ang tamang sasabihin. Sinilip niya ang relong-pambisig na suot, ala-sais pa lang ng umaga. Makakaabot pa siya sa unang subject niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang maalala na nasa parking lot pala ng bar ang sasakyan niya. Sasakyan ni Kerkie ang ginamit nila patungo sa pad nito. Nang tumunog ang elevator hudyat ng pagkarating nila sa lounge area ay sinilip muna niya si Ricky na naunang lumabas bago siya sumunod rito. Hindi siya dapat makita nito dahil patay siya. Hindi niya kayang ipaliwanag rito ang mga kalokohan na ginawa niya hanggang kaninang umaga.
Napamura si Sabrina nang tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Nagkukumahog naman na kinalkal niya ang aparato sa loob ng bag. Nang mapatay na niya ang maingay na pagtunog ay saka naman siya tumingin sa kaibigan. Sakto naman lumingon ito kaya nagsalubong ang mga tingin nila.
She closed her eyes and wished that her guardian angels helps her. Huli ka.
***
MATAGAL nagkatitigan sina Ricky at Sabrina sa isa't-isa. Gulat ang unang rumehistro sa mukha ng kaibigan samantalang namutla na siya dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kung bakit nandoon na siya nang ganoon kaaga sa building na iyon. Malakas pa mandin makiramdam ito lalo na kapag alam nitong may mali sa paligid. Biglang nagsalubong ang mga kilay ng kaibigan pagkabawi nito sa pagkabigla.
"Ang aga mo naman yata dito." Ricky's voice sounded suspecious.
Ngumiti siya, kahit tila nginangatngat na ng kaba ang dibdib niya. Paano kung malaman nito na galing siya sa pad ng isang lalaki. Ano na lang ang iisipin ng babaeng ito sa kanya. Tapos magsumbong pa ito sa kuya niya?
"Uhm, a-ano kasi may dinaanan lang ako d-dito ng ganito kaaga. May kinuha lang ako," Palusot niya. She tried to be convincing as possible. "N-Na notes para sa quiz natin sa Supply Chain Management."
Pero si Ricky nga pala ito, nasa mukha nito na lalo itong nagduda. Hindi niya alam kung dahil ba sa sagot niya o sadyang kilalang-kilala lang siya ng kaibigan. Humakbang ito palapit sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang lumapit ang mukha nito sa kanya. Literal na inamoy siya.
"Kanino naman? At bakit amoy-alak ka." ani Ricky, at humalukipkip na sa harap niya.
Napalunok siya. "Ganito kasi--"
"Hey, Sab! Nakalimutan mo ang susi ng kotse mo." Narinig niya na sabi ng pamilyar na tinig. Napapikit siya at gusto niyang murahin ito. Gusto niya sugurin si Kerkie at dagukan ito. Ba naman, pilit na nga siyang nagpapalusot pero dahil sa biglang pagsulpot nito ay buko na siya ng kaibigan. Patay talaga siya!
She opened her eyes and smiled at her. Nanlaki ang mga mata ni Ricky nang marinig ang sinabi nito.
"N-Natulog kayo magkasama? May nangyari sa inyo?!" bulalas na tanong nito.
Gusto na niya mahimatay sa kahihiyan nang mapalingon ang ilang tao na naroroon sa puwesto nila ng kaibigan. Kilala ni Ricky si Kerkie dahil nakita ito ng kaibigan paglabas nila ng opisina ni Mr. Go noon. Bukod doon ay medyo pamilyar ang lalaki sa unibersidad nila.
Umiling siya nang maraming beses. Kung puwede lang siya matunaw o kainin ng lupa ay sana mangyare ng mga oras na iyon. Naramdaman na lang niyang nasa tabi na niya si Kerkie. Mukhang nahimasmasan na ito. "Yeah, natulog nga siya sa pad ko but there's nothing happen. Not yet."
Napamaang siya kay Kerkie.
"May relasyon ba kayo?" gulat na tanong ni Ricky. Nasa mukha pa rin nito ang gulat.
"Yes--"
"No--" Magkapanabayan na sagot nila sa tanong na iyon ni Ricky. Binalingan niya si Kerkie at masamang tinignan.
Letse itong lalaki na ito. Kung ano-ano ang pinagsasabi sa kaibigan ko.
Saglit na tumingin ito sa kanya. Hindi naman natinag si Kerkie at ang hudyo inakbayan pa siya.
"Oo, may relasyon kami ni Sabrina."
Natulala na lang siya sa sinabi nito. Bigla ay nakaramdam siya ng hilo sa bilis ng nangyari.
***
"SIRA ka ba?! Ano na lang ang iisipin ni Ricky sa akin?" inis na singhal ni Sabrina habang nagbi-biyahe sila patungo sa bar kagabi na pinag-iwanan niya ng sasakyan niya. Inis na inis siya sa ginawa nito. Ayaw naman niya malaman ng mga kaibigan na por que may karelasyon siya ay puwede na siya basta matulog sa pad ng lalaki. But what! Wala nga pala silang relasyon nito. Assuming lang ito!
"Ano'ng gusto mo sabihin ko? Nakitulog ka sa pad ko dahil nag-inuman tayo?" Nilingon siya ni Kerkie. "Mas masama naman yata pakinggan iyon. Paano na lang pala kung hindi ako ang nakakita sa'yo? Sa pad ka ng ibang lalaki matutulog at makikipag-inuman? Worst, baka kung ano pa ang mangyari sa'yo. At least sinabi ko na girlfriend kita para may rason talaga na matulog ka sa akin."
Bigla ay gusto niya sakalin ito nang sumingaw ang pilyong ngiti sa labi nito.
"Baka nakalimutan mo yong sinabi mo sa akin noong nakaraan sa Bulacan. Ang sabi mo sa akin, you're flattered to be my first girlfriend." May halong malisya ang pagkakasabi nito. Gusto niya talagang dagukan ito.
"Girl-friend." she emphasized the word. "Kaibigan na babae ang ibig kong sabihin."
Nagkibit-balikat lang ito.
Napahilod na lang siya sa kanyang sentido. Sumakit talaga ang ulo niya hindi dahil sa nainom kagabi kundi sa mga kalokohan na lumabas sa bibig nito.
"You will enjoy being my girlfriend, sweetie." he teased.
Huminga muna siya nang malalim bago hinarap ito. Baka hindi siya makapagpigil at bigla ay maging bayolente siya. Nagda-drive pa mandin ito. Ayaw pa naman niya mamatay lalo na at ito ang huling kasama niya.
Umismid siya. "Sa'yo na 'yang kaligayahan mo. Isasak mo sa lalamunan mo, ibulsa mo o mas mainam itago mo sa kaitim-itiman mong budhi. 'Di ko kailangan yan, Mr. Hernandez. Masaya na ako sa buhay ko."
He chuckled. "Kulang ka lang sa romansa, Sab. 'Yaan mo, boyfriend mo naman ako kaya magagawan ko ng paraan 'yang kasupladahan mo."
Kerkie is way different. Ngayon lang siya nakakilala nang lalaki na sinasalubong ang ugali niyang iyon. Ilan kasi sa mga manliligaw niya ay mabilis ma-intimidate sa kanya kapag nagsusuplada at nagsusungit na siya.
"Nakakainis ka," Pagsuko na bulong niya.
Humalakhak lang ito. Ayaw na niya makipag-sagutan dahil wala ring mangyayari. Dumaan muna sila sa isang drive-thru para bumili ng breakfast at cafe para mahimasmasan. Nang makarating sa parking lot ay bumaba na siya dala ang binili nito sa drive-thru at tinungo ang sasakyan niya. Hindi na niya ito pinansin.
Pinipilit pa nga siya ni Kerkie na ito na lang diumano ang mag-drive dahil baka hindi pa niya kaya. Sa huli, hinayaan na rin siya si Kerkie mag-drive mag-isa. Habang papalayo ang sasakyan niya ay sinilip pa niya ito sa side view mirror na kasalukuyan pa ring nakatanaw sa sasakyan niya.
Humigot siya ng mainit na kape nang makalabas sa parking. Napangiti siya. Kahit may pagka-arogante at may pagka-bastos ito ay mabait naman. Hindi siya takot sa kayang gawin ni Kerkie sa kanya. Natatakot siya sa sarili. Paano na lang kung isang araw ay mahulog siya sa mga ginagawa nito para sa kanya? Nash Kerkie Hernandez is a complete package. In all people, tanging si Kerkie lang ang hinayaan niya malapit ng ganoon sa kanya. Ni ang mga kaibigan nga ay hindi niya pinagkukuwentuhan at pinagsasabihan tungkol sa pamilya niya.
She sighed. She need to be careful.
***
NANGUNGUNSUMI na si Sabrina sa pangungulit ni Kerkie sa kanya maging totoong girlfriend nito for real. It has been two weeks since the last incident. Wala yatang araw na hindi na lang ito sumulpot sa kung saan at kung ano-anong pick up lines ang binabato nito sa kanya. Minsan ay hanggang klase niya ay sumusunod ito. May pagkakataon pa ngang pagwala pa ang professor niya ay papasok ito sa room niya. Tatabi sa kanya at kukulitin pa siya. That is annoying! Minsan nga ay inaasar na siya ng mga kaibigan na si Ricky at June na baliw na baliw daw si Kerkie sa kanya. Ang alam kasi ng mga ito ay sila na well, silang apat lang ang nakakaalam. Hindi siya naniniwala, trip siguro siya ng lalaki. Trip buwesitin!
"Ano ba? Hanggang kailan mo ba ko guguluhin? Naiinis na ko sa'yo!" she hissed.
Nagulat siya nang makita ito sa labas ng room niya. Hindi niya kasama ang mga kaibigan dahil nakahiwalay siya sa subject na iyon. Akala nga niya ay tumatambay lang ito doon pero nang maglakad na siya ay para itong tuta na sunod ng sunod sa kanya.
Nagkibit-balikat ito. "That's good. Ang ibig sabihin lang niyan napapansin mo ko. Hindi na rin masama 'di ba?"
She growled. Maaga yata siyang mamamatay sa kabuwesitan sa lalaking ito! Hindi na niya ito pinansin at binilisan ang lakad. She need to stay away from him as far as possible. Napasinghap siya nang may humawak sa braso niya at hinigit siya pabalik. Mabilis ang mga nangyari dahil namalayan na lang niya na nawalan sila ng balanse. Bumagsak silang dalawa. Napasubsob naman siya sa matipunong katawan nito. Kerkie manly cologne stuck against her nostril again. Her heart beating fast again, whenever his around it always happen.
Someone's yelp.
Mabilis na kumilos siya paupo at umalis sa pagkakadikit sa katawan nito. Naiinis siya hindi dahil kay Kerkie kundi sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang epekto ng lalaking ito. Hindi naman siya ganoon sa ibang lalaki.
"Bakit mo naman kasi ko hinatak pabalik? Nasisiraan ka ba?"
"Hindi mo ba nakita 'yong kotse na parating? Dammit!" he cursed.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi niya napansin ang sinasabi nito. Dapat yata ay magpasalamat siya kung hindi ay baka nasagasaan siya. Pero sa tingin niya ay kasalanan naman nito kung bakit muntik na siya mabangga.
"Huwag mo nga ko mamura-mu--" Namimilog ang mga mata na napatitig siya sa kamay nito. May dugo! "A-ano'ng nangyari diyan?"
Gumapang ang kilabot sa katawan niya nang makita na may dugo sa likod ng ulo nito. Sa sobrang bilis ng pagbagsak nila ay malakas ang naging impact ng pagkauntog nito.
"O-okay ka lang?"
Hindi ito umimik. Hindi kaya naging masama ang naging bagsak nito ng huli.
Oh. My. God.