"GUSTO mo ba mamatay sa gutom si Chi-chi?" inis na tanong ni Sabrina sa kaibigan na si Ricky nang tumawag ito sa kanya para ipasuyo na siya muna ang bahala sa pomeranian na aso nitong si Chi-Chi.
Biglaan ang naging uwe nito. Inatake na naman ang ama nito sa sakit sa puso at isinugod sa ospital. Kritikal ang lagay ng ama ng kaibigan kaya kahit alanganin na ay napauwe pa rin ito sa probinsiya nito sa Bataan. Puwede naman sa miyerkules na ito bumalik dahil isang minor subject na lang ang klase nito. May dalawang araw ito doon para makasama ang pamilya. Ipinagdarasal nila magkakaibigan na gumaling sana si Tito Arman. Pagdating naman ng meeting nila sa feasibility ay sila munang dalawa ni June ang gumawa. Isa pa, tapos na rin naman sila at proofreading na lang ang kailangan. Mabilis na dumaan ang mga araw at namalayan na lang niyang midterms na.
Ilang linggo na lang din ay finals at pagkatapos ay graduation na nila. Masyado na nga siyang excited. June and Ricky are her best of friends. Nakatutuwa nga dahil simula nang maging magkaibigan sila ay wala ni isa silang pinagtalunan. Siya kasi ang pinakamatanda sa kanila sa buwan kaya halos nakababatang kapatid ang turing niya sa mga ito. Papunta na siya sa parking lot ng tumawag ito. Linggo kasi kaya naisipan niya dumaan sa mall para mamasyal at kung may magustuhan ang may mabili.
Please, pakikuha muna si Chi-chi kasi alam mo naman na hindi puwede ang aso kay June. Napabuntong-hininga na lang siya. Ano ba ang magagawa niya? May allergy si June sa mabalahibong hayop.
Okay, tutal naman ay nasa mall ako kaya diretso na ko don. Pero teka, paano ko makapapasok sa unit mo?
Thank you. May spare key ako sa ilalim ng floor mat. Sagot nito.
Okay. Ingat sa biyahe ah. bilin niya.
Opo, ate. sakay nito sa kanya.
Napairap na lang siya sa narinig. Nakarating na siya sa tapat ng sasakyan niyang ipinarada sa parking lot. Pumasok na siya sa loob.
Text mo kami kapag nakarating ka na at kung kumusta na ang Dad mo.
Nagpaalam na sila sa isat-isa. Saka lang nito pinutol ang tawag at siya naman ay minaobra na ang sasakyan pabalik sa daan ng unibersidad nila. Katabi lang ng university nila ang condo building nito. Hindi kakayanin ng konsensiya niya kung papayat o mamatay sa gutom ang aso nito. Nang maiparada na niya ang sasakyan sa parking lot ng condo ay mabilis na tinungo niya ang unit ng kaibigan. Pagkarating niya sa tapat ng unit ay agad niyang nakita ang floor mat na sinasabi nito. Madalas sila pumupunta doon pero hindi niya alam na naglalagay pala ng spare key si Ricky sa ilalim niyon.
Tulad nang sinabi nito ay nandoon nga ang spare key ng unit nito. Isinuksok niya ang susi sa seradura at binuksan iyon. Pumasok na siya sa loob at binuksan ang ilaw. Napangiti siya nang makita si Chi-chi na kumakawag ang mga buntot lumabas mula sa silid siguro ni Ricky. Lumuhod siya at dinampot ang aso.
"Gutom ka na, cutie pie?" Malambing na tanong niya sa aso.
Kumahol ito nang dalawang beses at dinilaan ang kamay niya. Dinala niya ang aso sa kusina at dinala ang bowl nito. Binuksan niya ang maliit na cabinet kung nasaan nakalagay ang pagkain ni Chi-chi.
"Sa akin ka muna ng dalawang araw habang wala pa ang amo mo. Hindi ka kasi niya puwede isama kaya for the meantime, akin ka muna. I'm sure, magkakasundo kayo ni Jazz." Si Jazz ay ang aso niyang two-years old pug. Kung mayroon man sila sobrang parehas ni Ricky ay iyon ang pag-aalaga sa aso.
Iniwan niya sa kusina ang aso na kumakain. Sinilip niya ang silid ni Ricky nang makita na bahagyang nakauwang iyon.
Nanlaki ang mga mata niya nang may makitang bulto ng tao. Bulto ng isang lalaki na nakadapa sa ibabaw ng kama nito. Wala siyang kilala na kamag-anak nito sa maynila, lalo naman walang kapatid ito. Kaya sino ang lalaking nakadapa sa kama nito? Nakahubad pa yata iyong hudyo! Gumalaw ang lalaki nang sunod-sunod ang maging tahol ng aso mula sa kusina. Nataranta siya. Paano pala kung masamang tao iyon? Baka mapahawak siya kung hindi pa siya aalis.
Mabilis na tinungo niya ang aso at kinuha. Mamaya na niya paiinumin ito dahil kailangan na talaga nila lumabas. Saka na lang siya tataw ng tulong at mas mainam kung pulis.
"Damn! My head hurts." Narinig niya ang baritonong boses na iyon. Huli na para magtago kung saan dahil umalingawngaw na ang boses nito.
"Who the hell are you?" Marahan na nilingon ni Sabrina ang lalaki sa bungad ng kusina.
Napatili siya nang makitang brief lang ang suot nito. Ang mas nakapukaw ng atensyon niya ay ang malaking umbok sa pagitan ng mga hita nito. Tila nahimasmasan naman ito sa pagsigaw niya.
Napatakbo ito palapit sa kanya at tinakpan ang bibig niya. Naramdaman niya sa gilid ng katawan niya ang big thing nito. Dahil sa hawak ng isa niyang kamay si Chi-chi at hawak naman ng kung sinuman na ito ang isa niyang kamay kaya hindi siya nakapalag. Ayaw naman niya basta bitiwan at ihulog si Chi-chi dahil papatayin siya ng kaibigan kapag may nangyari sa alaga nito.
"Who the f**k are you? Ano ang ginagawa mo dito sa unit ko? Magnanakaw ka siguro 'no. Paano ka nakapasok?" inis na sunod-sunod na tanong nito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. Unit nito? Siya magnanakaw? Kapal ng apog nito!
Pinilit niya kumawala sa hawak nito subalit mas lalo lang siya nalapit rito.
"Papakawalan kita kung hindi ka sisigaw."
Amoy na amoy ang naghalong alak at pabango nito.
Napatingin siya sa mukha nito. Hindi naman ito mukha na masamang tao. Katunayan niyan ay guwapo ito. Parang minsan na niyang nakita ito pero hindi na niya matandaan kung saan.
"Am I clear?" tanong pa nito.
Tumango siya kaya binitiwan siya ng lalaki. Humakbang siya palayo at umiwas ng tingin. Kahit may mga kapatid siyang lalaki ay ni minsan hindi naman niya nakita ang mga itong naka-brief lang.
Bigla ay nagkasalubong ang kilay niya nang maalala ang sinabi nito. Sigurado siya na hindi maling unit ang napasok niya. Ilang beses na siyang nakapunta doon at malaking pruweba si Chi-chi na nandoon. Pinakawalan muna niya ang aso saka hinarap ito.
"Excuse me, Mr. Whoever you are. Hindi nyo ho unit ito. Sa kaibigan ko ang lugar na ito." Deklara niya.
Saka lang nito inikot ang paningin sa paligid. Sinundan niya ito nang lumabas ito ng kusina at tinignan ang buong lugar.
"f**k! I'm on the wrong room." he cursed.
Mabilis na bumalik ito sa silid na sinundan niya. Tumalikod na lang siya nang magsimula magbihis ito.
"Ikaw ang tatanungin ko? Paano ka nakapasok dito sa loob?"
"Nakikita mo naman na ngayon lang ako nahimasmasan. Thanks for your stupid barking dog." he mocked.
"You idiot! Chi-chi is not stupid! Ikaw nga itong namali ng pasok sa unit ng may unit kaya ikaw ang estupido." angil niya.
Buwesit.
Sasabunutan talaga niya si Ricky pagdating. Marahil sa sobrang pagmamadali nito ay nakalimutan nito mag-lock. Paano na lang pala kung hindi siya pumunta? Nagkawalaan na ang mga gamit nito kahit sabihin pang mahigpit ang seguridad sa baba. Hindi ka nga makapapasok na hindi mo kasama ang isa sa mga tenant. Buti na lang at kilalang-kilala na siya ng security guard kaya pinapasok na siya ni manong sa loob ng building.
"Pagkarating ko kasi ay bukas ang pinto kaya akala ko ay hindi ko na-lock ang pinto when I left. 'Yon pala napasok ako sa maling--Damn, I can't believe it." Hinilot pa nito ang noo.
"Anong floor ng unit mo?" tanong niya.
"Sasama ka ba?" Imbes na sagutin siya ay malisyosong nagtanong ito sa kanya.
"Manyak!" she hissed.
Narinig niya ang malutong na halakhak nito. "Fifth Floor. Five-Zero-Six."
"Wala akong pakialam kung ano ang mismong number ng unit mo. Sorry ka mister, dahil fourth floor ito. Four-Zero-Six."
Dinagundong ng kaba ang puso niya nang humakbang ito palapit. Dapat umalis na siya sa kinatatayuan pero ito siya parang ipinako ang mga paa niya. Halos mapugto ang hininga niya nang maramdaman na huminto ito sa likod niya. Kahit nakadamit na ito ay ramdam pa rin niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Nanindig ang mga balahibo niya nang bumulong ito sa tainga niya.
"Paano kita mababayaran? Tell me." he seductively whispered on her right ear.
"U-Umalis ka na," halos pabulong na utos niya.
"Maaga pa naman. Puwede tayo pumunta sa pad ko kung gusto mo." suhestiyon nito.
Namula ang mukha niya. "Asshole! Get out of here or else--"
"O ano?" hamon nito.
Damn, ano ba itong sinuungan ko?
"Sige na nga, alis na ko baka umiyak ka pa. Hindi ko ugali magpaiyak ng babae." tila pagsuko na sabi nito. pero alam niyang pinagkakatuwaan siya ng hudyo!
Napasinghap siya nang maramdaman ang pagdaiti ng labi nito sa pisngi niya. Nakatanga pa rin siya hanggang sa lagpasan nito.
"See you soon, sweetie." Lumingon ito at kinindatan pa siya ng hudyo bago lumabas sa unit ng kaibigan.
Nawala na nga ito sa harap niya pero nakauwang pa rin ang mga labi niya. Nabalik lang siya sa realidad nang kumahol si Chi-chi.
"Bastos! Walang modo! Ang lakas ng loob halikan ako sa pisngi! Manyak! she hissed.
That man is asshole. Stupid chauvinist pig!