NIKITA’s POV Masigla akong bumangon sa kama ko. Parang ang gaan ng gising ko, nag-stretch pa ng mga braso ko bago ako nagtungo sa banyo para mag-toothbrush. Kung kahapon ay umuusok ang ilong ko a galit dahil kay Xerxes, ngayon naman ay parang ang ganda ng mood ko. Lumabas ako ng kwarto ko at gaya ng madalas kong ginagawa ay nagluto ako ng agahan namin ni Jelly. Sinangag ko ang natirang kanin kagabi, bago ako nagluto ng hotdog at itlog. May nakita din akong tuyo kaya niluto ko rin iyon bago ako gumawa ng sawsawan, suka, bawang at sili. Saka ko inayos ang table. Nagtimpla din ako ng kape, hindi yata ako mabubuhay na hindi nagkakape sa umaga. Nakangiting umupo ako sa harap ng mesa. Hindi ko alam kung tulog pa si Jelly, pero hindi ako sanay na ginigising siya sa umaga dahil alam kong mada

