NIKITA’s POV Matapos kong basahin ang nasa card ay agad kong kinuha ang laman box. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kulya sky blue na dress, off-shoulder iyon na may pagka-flare skirt. “Wow? Ang ganda, kanino iyan galing?” Maging si Jelly ay nanlalaki ang mga mata nang makita ang dress na hawak ko. “Kay Alex,” sagot ko. Sigurado akong kay Alex ito galing dahil siya ang nagyaya sa akin na dumalo ng party mamaya kaya walang ibang magpapadala nito sa akin kundi siya. Tumayo ako at inapat ko sa katawan ko ang dress para tingnan kung babagay ba iyon sa akin. Pero parang sinukat lang talaga siya sa akin. “Bagay sa iyo,” wika ni Jelly. “Pero bakit ka bibigyan ni Alex niyan?” “Huwag kang magagalit ha, pero niyaya kasi niya akong samahan siya sa party mamaya.” Ngumiti sa akin si J

