NIKITA Tatalikod na sana ako at hindi sila papansinin pero napakunot ako nang biglang itulak ni Xerxes ang babae kaya muntik na itong mapasalampak sa sahig. Kita ko kung paa niya marahas na pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng kamay niya. “Stop being desperate,” narinig kong saad ni Xerxes. “Stop fighting, Xerxes. You will be mine tonight,” sagot naman ng babae. Hinawakan niya sa magkabilang leeg si Xerxes at akmang hahalikan ulit niya ito pero nakalapit na ako at naiharang ko ang palad ko kaya sa palad ko dumampi ang labi niya. Nagulat na napatingin sa akin ang babae. Ngumiti naman ako sa kaniya. Wala sana akong balak na makialam sa kanila. Wala akong pakialam kahit magmomol pa silang dalawa pero may napansin ako. Mukhang lasing na si Xerxes at ang babaeng ito naman ay napakalan

