Chapter 1 - NIKITA

1723 Words
NIKITA'S POV Mabilis akong bumaba sa tricyle na sinakyan ko at ng-abot kay Manong ng twenty pesos. “Teka, bakit may mga 25 cents ito?” nagtatakang tanong sa akin ng driver. Nagsalubong na pa ang mga kilay nito habang nakatingin sa palad niyang may mga barya. “Tama naman po, hindi ba? Apat na 25 cents ay piso. Tama naman iyan kahit bilangin n’yo pa,” paliwanag ko. Tatlong limang piso at dalawampong 25 cents ang binigay ko. Twenty pesos iyon, madami nga lang dahil madaming tig-25 cents. “Huwag mo akong matama-tama, ikaw tatamaan sa akin. Hindi na ito tinatanggap ngayon, kaya akina pa limang piso,” giit ni Manong driver. “Baka gusto mong ibato ko ito sa iyo, siguradong bubukulan ka.” “Tinanggap ho iyan, sinusukli pa nga iyan sa mall,” hindi papatalong saad ko. Kaya nga ang dami ko nang naipong mga 25 cents, meron pa ngang 5 cents, iyong may butas. Tinape ko na nga iyon ng tig-aapat para hindi mahirap bilangin. “Mukha ba akong mall? Akina na iyong limang peso ko, iyo na itong mga pabigat mo sa bulsa,” galit nang saad nito kaya napilitan akong kunin ang wallet ko at kumuha ng limanv pisong barya at inabot sa kaniya. Ibinalik naman nito sa akin ang mga sintimong ibinayad ko. “Ayan, sa mall mo ibayad, baka tanggapin nila.” Napakaarte. Pera din naman ito. Napanguso na lang ako pero hindi na ako sumagot. Tiningnan ko ang hawak kong mga 25 cents. Madalas talaga hindi na ito tinatanggap sa ngayon. Ewan ko ba, parang wala na itong halaga sa tingin ng marami, gayong piso pa rin naman ang apat nito. Sa mall na lang talaga madalas nagbibigay ng ganitong sukli. Inirapan ko ang driver bago ako pumasok sa maliit na gate ng apartment. Madilim na madilim na pero napansin kong bukas ang ilaw sa sala. Siguro ay gising pa rin si Jelly. Napakunot ang noo ko nang mapahawak ako sa door knob. May naririnig akong parang ungol. Kinilabutan tuloy ako dahil baka kung ano iyon kaya nagmamadali akong pumasok, pero na-estatwa ako at nanlalaki ang mga mata ko nang mabungaran ko sa maliit na sala ang isang nakakawindang na eksena. “Taena, bold!” malakas na saad ko kaya sabay silang napalingon sa akin. Natatarandang naghiwalay silang dalawa. Mabilis na itinaas ni Martin ang kaniyang shorts, habang si Jelly naman ay ibinaba lang ang ang suot niyang maiksing bistida. Agad na lumabas ng apartment naming si Martin nang maayos na ang hitsura nito. Tiningnan ko naman si Jelly na nakaupo na ngayon sa sofa. Umiwas siya ng tingin sa akin. “Bakit ginawa naman ninyong motel itong sala,” saad ko at nilukot ang ilong ko. Naabutan ko silang nagyuyugyugang dalawa. Nasa likod ni Jelly si Martin na bumabayo. Hindi na tuloy virgin ang mga mata ko dahil sa kanila. “Akala ko kasi sabi mo overtime ka. E, sobrang excited kami, hindi na kami nakapasok sa kwarto ko,” pagdadahilan nito. Nailing na lang ako sa kaniya. Nag-overtime naman talaga ko, kaya nga ginabi akong umuwi. “Akala ko ba nakipaghiwalay ka na sa kaniya?” nakapameywang na tanong ko. Last time umiiiyak siya sa akin dahil nakipaghiwalay na siya tapos ngayon maabutan ko silang gumagawa ng milagro. “Nag-sorry na siya.” “Nagpauto ka naman?” “Eh, sabi niya hindi na niya uulitin?” Gustong tumirik ng mga mata ko sa katangahan niya. Bakit ba ang rupok ng babaeng ito? “Alam mo, ang mga lalaki, lalo na kung manloloko. Hindi na dapat tinatanggap pa. Ikaw naman, kunting sorry lang sa iyo ng unggoy na iyon, hindi ka lang nauuto, bumubukaka ka pa,” sermon ko sa kaniya. Ganito kaming dalawa madalas. Palagi ko siyang nasesermunan tungkol sa lovelife niya. Ilang beses na kasi niyang nahuling nambabae si Martin pero ilang beses na rin niyang pinapatawad. Kung ako lang ang nasa sitwasyon niya, naku, hinding-hindi na ako makikipagbalikan sa herodes na iyon. Wala nan gang trabaho, lakas pang mambabae. “Last na iyon, promise. Kapag niloko pa niya ako, mag-a-afam na lang ako.” “At last na rin na makikita ko kayong gumagawa ng milagro dito sa sala,” sagot ko. Iyong pagod na pagoda ko dahil ang dami naming customer sa resto tapos iyon pa ang madadatnan ko. Pabagsak na naupo ako sa sofa. Alas nuebe na nang gabi. Seven to five lang sana ang duty ko pero dahil may kasamahan akong umabsent kaya ako ang pumalit sa kaniya. Hindi ba at overtime na talaga ako. Parang hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nakakapagod maging mahirap. Sana sa next life ko mayaman na ako. “Nakakapagod,” mahinang reklamo ko sa kanina. “May pagkain pa akong tira. Kumain ka muna bago ka magpahinga,” alok ni Jelly at nagtungo siya sa may mesa kaya sinundan ko siya ng tingin. “Halika na.” Mabilis akong tumayo. May caldereta at dinuguang ulam na halatang nabili sa karenderya. Mabilis na akong sumandok ng kanin para kumain. Isa sa maganda kay Jelly, kahit na marupok siya sa lalaki, maalaga siyang kaibigan. Work from home lang kasi ang trabaho niya kaya dito lang talaga siya sa bahay. Habang ako naman ay cashier sa isang restaurant, tapos minsan may iba-iba pa akong raket. “Alam mo hinahanap ka na naman kanina ni Ali,” biglang saad ni Jelly. “Bakit daw?” “Bakit nga ba?” Balik tanong ni Jelly sa akin. “Wala pa akong pera. Naku, kung alam ko lang na makulit siya, hindi na ako nangutang sa kaniya,” reklamo ko. “Bakit kasi nangutang ka sa Bombay? Alam mo naman na kung hindi weekly ay daily sila naniningil. Sana nagsabi ka na lang sa akin.” Nahihiya na kasi ako sa kaniya. Ang dami ko nang utang sa kaniya, kaya noong isinugod ang kapatid ko sa sa ospital, ay nangutang ako sa Bombay na madalas utangan ng mga kapitbahay naming para may maipadala ako sa probinsya. Ang kaso hindi naman ako makapagbayad ng tama dahil gipit ako. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy ako sa pagkain. Nang matapos na akong kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Nasa kwarto na niya si Jelly kaya pumasok na rin ako sa kwarto ko. Naglinis ako ng katawan ko at nagpalit ng damit bago ako nahiga sa kama. Medyo masakit ang likod ko pero sanay na ako. Tweny seven pa lang ako pero mga pang-haplas na sa muscle pain ang mga cravings ko palagi. Hindi pa naman ako inaantok kaya kinuha ko ang phone ko. Binuksan ko ang social media ko, habang nag-i-scroll ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa mga kaklase ko noong high school ako. Ang gaganda na ng mga trabaho nila, iyong iba nasa abroad na, iyong iba may negosyo na, merong may pamilya na, habang ako, heto, hindi alam kung paano makakabayad sa utang ko sa Bombay. Bakit kasi hindi ako pinanganak na mayaman? Senior High lang ang natapos ko. Hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo dahil namatay ang nanay ko, pero bago siya sa mamatay ay nabaon kami sa utang para sa pagpapagamot sa kaniya pero nawala din siya. Mas pinili kong magtarabaho na lang matapos kung maka-graduate ng senior high para tulungan si Tatay sa pagbabayad ng mga utang namin. Isa pa, alam ko rin naman na hindi na niya ako kayang pag-aralin. Pero hindi ko inaasahan na mag-aasawa ulit siya at ang mga naiwang utang ng mamatay si mama ay sasaluhin kong lahat. Kaya sa loob ng mahigit pitong taon wala akong ginawa kundi magbayad ng mga utang na nasa kalahating milyon, lumalaki pa iyon dahil sa mga tubo. Ipinagpapadyak ko ang mga paa ko. Bakit kasi hindi ako pinanganak na mayaman? “Lord, hindi ako pinanganak na mayaman, kaya baka naman, huwag na kayong mahiya, bigyan n’yo na lang ako ng mayamang jowa,” usal ko habang nakatingin sa kisame. “Saka ayaw ko na ng ghoster. Masakit sa heart maiwan sa ere.” Maaga akong lumandi, grade 10 pa lang ako may boyfriend na ako, senior high siya. Kaso noong makagraduate ang unggoy, biglang naglahong parang bula. Naku, huwag siyang magpapakita sa akin, bibigyan ko siya ng matinding uppercut. Muli kong tiningnan ang phone ko. Dumapa ako. Iyong account kasi niya dati, hanggang ngayon ay hindi pa nade-delete. Sinubukan kong i-stalk siya, naka-move on na ako. Gusto ko lang malaman kung ginagamit pa rin niya iyong account na iyon. Kaso wala pa ring bagong post at ang bumungad sa akin ay ang post niya nine years ago pa. Humaba ang nguso ko nang makita ko ang mukha ko. Ako ang last po niya na may caption pang, ‘Future wife.’ Maka-future wife siya, ghoster naman. Pati account niya, ghinost. Kaya nga natakot na ako mag-jowa ulit, kasi nakakatakot maiwan sa ere. Nadala na ako. Isa pa, bihira na ngayon ang loyal na lalaki. Iyong jowa nga ni Jelly, siya na sumusutento pero nagloloko pa rin. Pero napaisip ako. Buhay pa kaya iyon? Baka naman patay na kaya hindi na nagparamdam bigla. O baka may asawa na pero pakialam ko ba? Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Iyong malas na nga ako sa buhay, malas pa ako sa love life. Pinilit kong makatulog dahil may pasok pa ako bukas. Hindi ko na dapat iniisip ang ex kong wala namang kwenta kasi nga naka-move on naman na ako. KINABUKASAN ay late na akong nagising kaya nagmamadali akong bumangon at nagligo. Nang lumabas ako ng kwarto ko ay sinalubong na lang ako ni Jelly para subuan ng pandesal. Kumuha pa ako ng isa sa platong hawak niya. “Good morning, alis na ako!” bati at paalam ko sa kaniya bago ako lumabas ng apartment. Ilang beses akong tumingin sa relo ko habang naghihintay ng tricycle. Dahil sa mga iniisip ko kagabi, na-late akong makatulog kaya late din akong nagising. Masungit pa naman manager namin, kunting minutong late lang galit na, akala mo naman tagapagmana. Tapos kung kailan nagmamadali ako, saka naman walang dumadaan na masasakyan. Tinanaw ko kung may parating na nasasakyan pero isang punting van ang huminto sa tapat ko at nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ng lalaki papasok at mabilis din iyong sumibad paalis. Lintik na buhay ito. Makikidnap pa yata ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD