IZA’s POV Naunang pumasok si Kuya Doz sa kaniyang opisina. Pagkapasok niya ay tumayo siya sa likod ng pinto at hinihintay ang pagpasok ko. Tiningnan ko siya habang naglalakad ako papasok. Dumiretso agad ako sa upuan na nasa harap ng table niya. Narinig ko ang paglagitik ng lock ng kaniyang pintuan. Napatingin ako sa kaniya. Nakatingin din ito sa akin habang papunta siya sa kaniyang upuan. Naniguro lang ako na hindi niya ako maisasalya sa pader at lamutakin ng kaniyang halik ang aking bibig. Kaya nga sana magpapasama ako sa classmate ko para hindi kaming dalawa lamang ang nandito. Pero piniit niya. Narinig niya ang sinabi ko kay Ping. Hindi na puwede ang ganoon. Bakit niya ako hahalikan? Hindi ko kailangan ng reward. “Bakit mo ako pinapunta pa rito? May lakad kami ng mga kaibigan

