IZA’s POV Kumpiyansa akong nakapasa ako sa exam namin kanina. Lahat naman ng lumabas sa exam ay napag-aralan ko kagabi. Sulit ang pagre-review ko, kahit na nasira ang araw ko kanina. Hindi na ang na-flat kong sasakyan ang iniisip ko kundi ang malamig na pakikitungo sa akin ni Kuya Doz. Dapat matuwa ako. Dapat masaya ako dahil iyon naman ang gusto ko at hiniling ko mula sa kaniya. Ilang araw ko siyang hindi nakita at kahit itanggi ko ay namiss ko siya. Naka-ilang tanong pa nga ako kay Kuya Ivez kung kailan ang uwi ni Kuya Doz, kaya kagabi ay hinihintay ko siyang dumating na may bitbit na pastel para sa akin. Pero nagkamali ako. Mayroon siyang dala kanina, may uwi siya. Ngunit parang kay Mama Cindy lang niya iyon ibinibigay at hindi para sa akin. Napansin din ng mga kaibigan ko ang panana

