IZA’s POV Nagbalik ang dating malambing na Kuya Doz, ko. Sabay na kami sa pagpasok at pag-uwi galing sa school. Hindi lang kami nagkakasabay sa lunch dahil pumupunta naman siya sa opisina niya sa MGE. Pagkatapos niyang magturo sa amin, pinapapunta niya muna ako sa office niya para bigyan ng reward. Hindi ko na ngayon kailangan pang himingi ng reward. Laging mayroon siyang ibinibigay sa akin. Kapag kaming dalawa lang ang magkasama, lagi niya akong hinahalikan. Hindi buo ang araw ko kung hindi kami magki-kiss ni Kuya Doz. Binitawan na niya ang isa niyang hawak na section. Kami na lamang ang tinuturuan niya dahil marami na siyang trabaho. Hindi naman niya talaga trabaho ang pagtuturo pero ginawa niya para mabantayan daw ako. Iyon lang ang sinabi niya, babantayan niya ako. Pinalayo na

